Spring Eight: "Kiss"

3.4K 131 4
                                    

Spring Eight

“Kiss”

~*+*~~*+*~~*+*~~*+*~

“Ano na namang ginawa mo, Jethro!?”

“Ginawa? Ginagawa.” Bigla niyang hinawakan ang kamay ko sa harapan ng mga contestants.

“Oh, sila pala?”

“Akala ko magkaibigan lang.”

“Sayang! Ang ganda pa naman ni Miki.”

“Oh, no. Taken na si Jet?”

“Tae, liligawan ko pa man din si Miki.”

Agad tumingin si Jet doon sa nagbitiw ng mga salitang iyon. Patay. Agad ko naman siyang hinarang. “Jet, huwag kang gumawa ng gulo!” bulong ko.

“Hindi ako gagawa ng gulo, maniwala ka,” nakangising sabi niya. Nilapitan niya ‘yung isang contestant ng pageant na nagsabi na balak niya akong ligawan. “Balak mo ‘tong ligawan?”

Hindi umimik ang lalaki. Napalunok ito at umiling. “Hindi. Nagbibiro lang ako.”

“Ayos lang,” sabi ni Jet. Huh?

“Na ano?” tanong ng lalaki.

“Ayos lang na ligawan mo siya—”

“Talaga?”

“—kung papayag siya.” Hinigpitan ni Jet ang pagkakahawak niya sa bewang ko. Nanliit ang mga mata ko. Evil, evil guy! Alam niyang sasabihin ko kung anong gusto niyang marinig. Alam niyang sasabihin kong hindi ako papayag. Alam niya dahil alam niyang alam ko ang susunod na mangyayari kapag pumayag akong magpaligaw. He’s so evil! Alam niya ang lahat ng iyon kaya kampante siya! Buwiset.

“Miki?” Tumingin sa akin ang lalaki. My gosh. Ni nakalimutan ko nga ang pangalan niya kahit na contestant siya ng pageant na ‘to.

Agad akong umiling. “No. I mean, bata pa kasi ako at strict ang parents ko. Wala pa sa utak ko ang ganyang bagay.”

Kumunot ang noo ng lalaki. “Hindi ka puwedeng ligawan? Teka, boyfriend mo ba siya?” Itinuro niya si Jet.

“Hindi,” umiiling na sabi ko.

“Eh bakit hawak niya ang kamay mo?”

“It’s only natural to hold what belongs to you,” nakakibit-balikat na sabi ni Jet. Kinaladkad na niya ako papalayo doon sa grupo ng mga contestants na kanina pa kami pinagbubulungan.

~*+*~~*+*~~*+*~~*+*~

“Nakakahiya!”

“Anong nakakahiya doon? Alam naman nilang off-limits ka tapos ganoon pa ang sinasabi nila,” iritadong sabi ni Jet.

“Jet, tayo-tayo lang ang nakakaalam ng sitwasyon, okay? Kaya hindi mo masisisi ang mga taong nagbubulungan tungkol sa atin.”

“Eh totohanin na lang kaya natin?” tanong niya.

Ano raw!? Kumurap ako. “Nahihibang ka na ba? Wala akong gusto sa’yo at wala kang gusto sa akin. Tapos magiging tayo?”

“Anong masama doon?”

“You don’t get my point! Eh kung mag-move on ka na lang kasi, Jet, at pakawalan mo na ako?”

Bigla siyang tumahimik. Nanliit ang mga mata niya. Uh-oh. Hindi ko dapat inungkat ito. No, hindi ko talaga dapat inungkat ito! The last time na inungkat ko ito…

“Jet!” Agad ko siyang tinulak dahil hinalikan niya ako sa labi.

“We made a deal, Miki. The moment you bring this up again—”

“I hate you—”

“—I will kiss you.”

“—so much!”

We glared at each other. Hanggang sa lumambot ang tingin niya. Nakasimangot pa rin ako sa kanya. “Come here,” biglang sabi niya.

“Bakit? Anong gagawin mo?”

Agad niya akong niyakap. “I’m sorry.”

“Whatever.”

“Ikaw kasi eh, ang kulit mo.”

“Hindi ako mangungulit kung ba naman tinitigil mo na itong—”

“Gusto mo ng isa pa?”

“Isa pang ano?” nagtatakang tanong ko.

Bigla niya ulit akong hinalikan, pero this time ay sa noo na. Pilit ko naman siyang tinutulak. “Ano ba, Jet!? Tama na!”

“Maka-reklamo ka naman, ‘kala mo hinahalay ka.”

Nanlaki ang mga mata ko. “Language!” sigaw ko sa kanya. Pinaghahampas ko ang dibdib niya.

He held up his hands. “I’m sorry, okay?”

“Whatever!” Tumalikod na ako sa kanya.

“Sandali.” Hinila niya ako pabalik.

“Ano na naman?”

“Let’s make a new deal.”

“No.”

“Yes.”

“No, Jethro! I’m tired of your deals!”

“I’m not. So here’s the new deal—”

“Ayoko sabi eh!”

“One suitor, one kiss.”

“Huh?”

“Kapag may nagtangkang manligaw sa’yo, hahalikan kita.”

“Anong kalaswaan ‘yang pinagsasabi mo!? Isa pa, walang manliligaw sa akin dahil binabakuran mo ako. Kapag ako tumandang dalaga—”

“You won’t. Pakakasalan kita—”

“Jet—”

“—kung wala akong mahahanap na iba.”

Tumahimik ako. Bakit ganoon? Hindi ko alam kung bakit parang ang bigat sa pakiramdam ng sinabi niya, samantalang hindi na bago sa akin ang bagay na ‘yun.

“Bakit ka tumahimik? That’s the original deal, right? I just want to add another clause in our deal. The moment someone tries to court you, I will kiss you. Hard.”

“What!? Look, Jet, wala namang manliligaw sa akin eh. At isa pa, wala rin naman akong magagawa kung gusto nilang manligaw.”

“Meron. Bahala ka na kung paano mo gagawin ‘yun, basta gawan mo ng paraan.”

Napakagat ako ng labi. He’s so impossible! Sa sobrang asar ko eh nag-walk out ako. Napahawak ako ng labi. Hinalikan na naman niya ako. Nakakainis! Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa sobrang inis. Ayokong umiyak dahil hindi dapat ako umiyak. Isa pa, ayokong mag-aksaya ng luha para sa taong iyon! Ayokong iyakan ang isang evil beast na nakatago sa katawang-tao!

A kiss should be shared by two people in love. Hindi ‘yung ganito!

Sabi ko na eh. Peke talaga ang pinapakita nila sa fairy tales. Peke talaga. Minsan ko rin namang pinangarap ng mala-fairy tale na love story. Pero wala, nasira ang lahat nang dahil sa kanya. Nasira ang paniniwala ko sa fairy tale. At mukhang wala rin akong happy ending.

… dahil sa kanya.

 ~*+*~~*+*~~*+*~~*+*~

Once Upon A SpringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon