Spring Three
“Player”
~*+*~~*+*~~*+*~~*+*~
“Ano na namang ginawa mo, Jethro!?”
Umiling siya. “Ibahin mo naman, Miki,” reklamo niya.
“Ang alin?”
“Ang pagbati mo sa akin tuwing umaga.”
“So instead na sisigawan kita, papaslangin na lang kita?” I asked hopefully. “Kung oo, gumawa ka na ng waiver, bilis!”
“Para saan?”
“Naman! Waiver na nagsasabing ikaw mismo ang humiling sa akin na tapusin na ang miserableng buhay mo! Para hindi ako makulong!”
“Matagal ka nang nakakulong sa mga kamay ko, Miki,” nakangising sabi niya.
“Proud ka pa talaga? Pwes, ako eh hindi!” sigaw ko sa kanya. Nagsitinginan ang mga kaklase namin sa amin. Lumayo sila nang bahagya. “Ano na? Ano na namang ginawa mo?”
“Is that how the Student Government Vice-president should behave?” He looked amused. Ang sarap niyang sapakin. “Sumisigaw?”
“Drop that, Jet! Alam nating dalawa na ikaw ang may kagagawan nito,” asar kong bulong sa kanya.
“Ang alin? Ang pagkapanalo mo? Una, tumakbo kang kandidato kaya malamang gusto mong manalo, ‘di ba? Ikalawa, nanalo ka na. Ano pang kinaiinis mo diyan?”
“Anong kinaiinis ko? Hindi ako nanalo nang patas! At alam natin pareho na ikaw ang may kagagawan ng bagay na ‘yun!”
“Oy, Pansit, wala akong kinalaman diyan maliban sa—”
“Maliban sa?” Sabi ko na nga ba eh! Sabi ko na nga ba!
Nagkibit-balikat siya. “Sinabi ko lang namang kapag ang partido niyo ang nanalo eh hindi na ako lilipat ng unibersidad.”
“What!?” sigaw ko sa kanya. Bad trip! “Kung ‘yun naman pala, sana eh natalo na lang ako para lumayas ka na sa lugar na ‘to!”
“Eh kapag lumayas naman ako sa lugar na ‘to, malamang isasama kita.”
“Ano!?”
Napahawak ako sa batok ko. Suko na ‘ko. “Tumataas na naman ba ang presyon mo?” biglang tanong niya.
“Nagtanong ka pa!” sigaw ko at padabog na lumayas mula sa harapan niya. Iniwan ko siya sa loob ng classroom at agad naman akong nagpunta sa clinic. May isang estudyante doon na nakaupo sa isang bakanteng kama. At ang nakakandong sa kanya? Ang nurse na malandi. Hindi man lang nila napansing dumating ako dahil busy sila sa paglalandian. Leche. Ngayon pa talaga ako nakakita ng isang mahalay na eksena. Umubo ako. Agad namang napatayo ang estudyanteng lalaki at dahil sa gulat niya, nahulog ang malanding nurse at napaupo sa sahig. Promise, gusto ko na talaga siyang i-report sa administration. Pero ayokong makialam sa business ng may business.
“I need a pain reliever,” bulalas ko.
“Ah, pain reliever, pain reliever,” natatarantang sabi ng nurse habang hinahanap niya ‘yun sa cabinet.
Tiningnan ako ng lalaking kalandian ng nurse. Tumaas naman ang dalawang kilay ko. “Ikaw nga. Kaya pala pamilyar.”
“Huh?” nagtatakang tanong ko.
“Miki Yamashina, tama?”
Tumango ako. Tiningnan ko siyang mabuti. “Pamilyar ka rin. Wesley?”
Ngumisi siya. “Nakakatuwa namang malamang naaalala ng isang magandang miyembro ng Student Government ang pangalan ko.”
“Hmp,” biglang sabi ng malanding nurse. Agad ko siyang nilingon.
“Hindi mo mahanap ang pain reliever?”
“Hindi,” mataray niyang sabi sa akin.
“Ah, okay.” Tumalikod na ulit ako sa kanya. “Sige, Wesley, mauuna na ako. Maghahanap lang ako ng pain reliever.”
“Pain reliever?” Tumayo siya at lumapit sa akin. “I can relieve your pain if you want.”
Kumurap ako. Anong pinagsasabi nito?
“And I can relieve you from earth if you don’t get away from her.”
Agad kong nilingon ang pamilyar na boses. Oh, no. Heto na naman siya.
“Napadaan ka, Jet?” nakangising tanong ni Wesley. Kumunot ang noo ko. Oo nga pala. Magkakilala yata sila.
“Hindi ako napadaan. Hinihintay kong lumabas ang pag-aari ko,” sagot ng walang modong si Jethro. Umirap ako. Buwiset talaga ‘tong lalaking ‘to.
“Pag-aari?” Tumawa nang mahina si Wesley. “Itong si Miki?”
Hindi siya pinansin ni Jet. Agad hinila ni Jet ang kamay ko at kakaladkarin na dapat niya ako papalabas noong biglang nagsalita ulit si Wesley.
“Hindi sa lahat ng oras ay hawak ng iisang team lang ang bola,” sabi niya. “Napupunta rin iyon sa kalaban.”
Agad siyang tiningnan ni Jet. Biglang ngumisi ang baliw na miyembro ng Kingdom Animalia. “Oo, alam ko. Pero sa huli ay napupunta pa rin ang bola sa team ng mananalo.”
Ngumisi rin si Wesley. “Pero masasabi ba kung sino ang mananalo?”
“Oo.”
“Paano?”
“Kung sino ang manlalarong nararapat, doon mapupunta ang bola,” nakangising sabi ni Jet.
~*+*~~*+*~~*+*~~*+*~
“Ba’t bad trip ka? Ako nga dapat ang bad trip eh,” sabi ko. Hinimas ko ang ulo ko.
“Masakit pa ba?” tanong niya.
“Ang?”
“Ulo mo.”
“Oo kaya! Walang pain reliever doon sa clinic eh,” reklamo ko.
“Bakit kasi nagpunta ka pa doon?”
Binuksan niya ang bag niya at kinuha ang isang kulay itim na pouch. “Ano ‘yan?” tanong ko.
May inabot siya sa akin. “Inumin mo nga ‘to.”
“Lason? Cheh. Mag-suicide kang mag-isa. Idadamay mo pa ‘ko.”
“Gusto mo pa yatang ako ang magpainom ng pain reliever sa’yo eh.”
“Ah, pain reliever ‘yan? Akin na nga.” Agad kong kinuha ang gamot.
“Ang weird mo.”
“Oh, kung nawiweirdohan ka sa’kin, go away.”
“Ayoko. Tara na.”
Kumunot ang noo ko. “Saan na naman?”
“Sa impiyerno,” sarkastikong sabi niya. “Malamang sa opisina ng SG.”
“Bakit doon tayo pupunta? Ay, mali. Bakit pupunta ka doon? Anong gagawin mo doon? Bawal ka doon.”
“Daldal. Nagrereklamo ka?”
“Oo, obviously, kasi kasama ka.”
“Ah, eh ‘di magreklamo ka lang.” Naglakad na siya papaalis. Teka, aalis siya? Iiwanan niya ako? Mabuhay! Magse-celebrate na talaga dapat ako, pero…
“Ang bagal mo namang maglakad,” reklamo niya.
“Eh pakialam mo ba sa paglalakad ko? ‘Di mauna ka.”
“Parang tanga naman ‘yun, ‘di ba, kung mauuna ako sa opisina mo?”
“Bakit parang tanga eh—teka nga! Bakit sa opisina namin ikaw pupunta? Teritoryo ko ‘yun!”
“The player will always go toward the goal where the ball should be.”
Anong bola ang pinagsasabi niya!?
~*+*~~*+*~~*+*~~*+*~
BINABASA MO ANG
Once Upon A Spring
Novela Juvenil“I used to believe in fairy tales… Then an evil beast sealed my fate with his own.”