Spring Twenty
“Sign”
~*+*~~*+*~~*+*~~*+*~
“What!?”
“Oo nga sabi eh. Ba’t ba ayaw mong maniwala?”
“Eh ang laking kalokohan naman kasi ng sinabi mo eh.”
“Kailan ba hindi naging isang malaking kalokohan ‘yang si Jethro?” umiirap na tanong ni Riki. “Hayaan mo na ‘yun.”
“Naman! Papaano ko hahayaan na lang eh paano kung masaktan ‘yun?” tanong ko.
“Wow. Concerned? Seryosohan na ba talaga ‘yan, ha?” nakangising tanong ni Riki. “Sabi ko na nga ba eh. Sa isa’t-isa rin ang bagsak niyong dalawa.”
“Tigilan mo nga ako, Riki. Alam mo namang para lang tumino si Jet kaya ako pumayag sa kagustuah niya eh,” sabi ko.
At dahil wala rin akong magagawa…
“Eh ang tanong, tumino ba ‘yun? Ilang araw lang yata ‘yun tumino eh. Kasi ayan, meron na namang mga nag-iiskandalo sa gym.”
Tumayo ako. “Pupuntahan ko na nga lang siya,” sabi ko.
“Teka, Miki. Baka madamay ka,” biglang sabi ni Riki. “Hayaan mo na siya doon.”
Hindi ko siya pinansin at nagmadali akong lumabas mula sa classroom namin. Nagtungo ako sa gym kung saan napabalitang may mga nag-iiskandalong babae na naman. Pahamak talaga ‘yang si Jethro. Walang konsiderasyon sa mga babae. Leche.
Pagbukas ko pa lang ng pintuan ng gym, dinig na dinig ko na ang sigawan ng mga babae. Kitang-kita ko ang kaguluhan sa gitna ng court kung san may nagca-catfight na mga babae habang pinipigilan naman sila ng mga lalaki sa paligid. Marami rin ang mga nanunuod lang at mukhang enjoy na enjoy pa sila sa pinanunuod nila.
“Sluts!”
“He’s mine!”
“I told you, he’s mine!”
“Ako nga sabi ang mahal niya!”
“Ambisyosa!”
“Tama na ‘yan!”
“Tumigil na kayo!”
Hinawi ko ang crowd. Nasagi pa ako nang dalawang beses sa braso. Peste. Madali pa man din akong magkapasa. Naaninag ko si Jethro na prenteng-prente lang na nakaupo sa isang sulok at pinanunuod ang mga babaeng nag-aaway dahil sa kanya.
Wow. Just wow. Grabe siya. Siya nga itong dahilan kung bakit nagkakagulo, tapos wala man lang siyang balak na awatin ang mga babae!? Buong akala ko pa man din ay inaawat niya ang mga iyon kaya napasugod pa ako rito para alamin kung nasa mabuti siyang kalagayan. Tapos ganito lang ang ginagawa niya!? How evil.
Asar akong nagmartsa patungo sa kanya. “Hoy!” inis kong sigaw sa kanya. “Anong kaguluhan na naman ba ito? Akala ko ba eh wala ka nang babae?”
Ngumisi siya sa akin. “You’re here. You missed me that much? Halika nga rito sa tabi ko.”
Sinimangutan ko siya at nag-cross arms ako, pero hindi ako tumabi sa kanya. “Umayos ka, Jet. Anong ginawa mo at may kaguluhan na naman!?”
“Wala.”
“Wala!? Don’t play with me, Wise Guy. Alam kong ikaw ang—”
“Bakit ba palagi na lang akong napagbibintangan?” reklamo niya. “Wala nga sabi akong ginawa. Tahimik lang akong naglalaro rito tapos biglang dumating ang mga iyan.”
BINABASA MO ANG
Once Upon A Spring
Teen Fiction“I used to believe in fairy tales… Then an evil beast sealed my fate with his own.”
