Prelude
~*+*~~*+*~~*+*~~*+*~
“Miki, tama?” Ngumiti siya sa akin. Tumango ako.
“Gusto lang kitang batiin. Sang-ayon ako sa mga sinabi mo kaya makakaasa ka sa boto ko,” nakangiting sabi niya.
Ngumiti ako nang tipid. “Thank you, Mister…?”
“Wesley. Wesley Jimenez.” Naglahad siya ng palad kaya kinamayan ko siya.
“Okay, Wesley. Thank you ulit sa suporta,” nakangiting sabi ko.
May umubo mula sa likuran ko. Agad naman akong lumingon. Nanlaki ang mga mata ko. “Ayokong pinaghihintay ako,” sabi niya.
Napapikit ako. Noong binuksan ko na ulit ang mga mata ko, napansin kong tinitingnan siya ni Wesley. Parang hinihintay niyang ipakilala ko ang taong ‘yun. “Wesley, si—”
“Imposibleng hindi mo ako kilala.”
Binigyan ko ng isang matalim na tingin ang taong nasa likuran ko. Tiningnan siyang mabuti ni Wesley. “Jethro Young.”
Huh? Magkakilala ba sila? Ngumisi si Jet. “Wesley Jimenez.”
Ngumisi si Wesley. “Magkakilala pala kayo ni Miki.”
“Malamang,” sabi ni Jet. Bigla niyang hinawakan ang bewang ko. Nagbuntong-hininga ako. Nagsisimula na naman siya.
“Boyfriend ka ba niya?” biglang tanong ni Wesley.
Ngumisi si Jet. “I’m not her boyfriend,” nakangising sabi niya. “But she’s mine.”
At wala na akong nagawa noong kinaladkad niya ako papalayo sa lugar na ‘yun.
Palagi namang ganito eh. Palagi na lang ganito.
He’s not my boyfriend. I’m not his girlfriend.
… but he owns me.
~*+*~~*+*~~*+*~~*+*~

BINABASA MO ANG
Once Upon A Spring
Novela Juvenil“I used to believe in fairy tales… Then an evil beast sealed my fate with his own.”