Spring One: "Karma"

6.4K 190 24
                                        

Spring One

“Karma”

~*+*~~*+*~~*+*~~*+*~

“Ano na namang ginawa mo, Jethro!?” sigaw ko pagkatapos kong ibato sa kanya ang notebook ko. Hindi naman siya natamaan. Sinalo niya nga ‘yun eh. Nakakainis talaga siya. Maganda na dapat ang simula ng linggo ko, pero sinira pa talaga niya.

“Ginawa ko? Kailan? Marami akong ginawa. Be specific,” sagot niya.

“Tigilan mo ako, Jethro Young. Alam kong alam mo kung anong tinutukoy ko!” inis kong sabi sa kanya. Nagsitinginan ang mga kaklase namin at dahil na rin siguro sa maitim kong awra kaya sila nagsilayas mula sa classroom.

“Alin ba doon?” inosenteng tanong niya. Napapikit ako. Kalmado naman akong tao, pero kapag kaharap ko siya, umaakyat papunta sa batok ko ang lahat ng dugo ko sa katawan.

“Let me refresh your useless memory. One, Student Government. Two, line-up of candidates. Three—”

“Ah, ‘yun pala ang kinapuputok ng butsi mo. O, eh ano bang problema doon?”

“Problema? Tinatanong mo sa akin kung anong problema!? Naman, Jet! Tumingin ka sa salamin at nang makita mo kung anong problema!” sigaw ko sa kanya.

“Ang daming sinabi. Ano bang problema mo?”

“Ikaw! Ikaw ang problema ko! Bakit mo ginalaw ang line-up ng mga candidates!?”

“Ginalaw? Oy, Pansit, maghinay-hinay ka nga sa mga salitang ginagamit mo. Baka may makarinig sa’yo at kung ano pa ang maging interpretasyon nila sa salitang ginalaw,” nakangising sabi niya.

Buwiset. Gusto ko siyang hampasin ng inidoro. “Puwede ba? Huwag mo akong tawaging pansit! Hindi ako pagkain! At totoo naman eh! Ginalaw—”

“Revise.”

Grr. “Fine! Pinakialaman mo ang line-up ng candidates! Nawala ang iba naming candidates!”

“Nawala? Bakit? Ah, baka nag-drop,” nakangising sabi niya.

Ang sama niya talaga. “Look here, Jet. It took me almost a whole month para mapapayag kong sumali sa party namin ang mga ‘yun! Bakit mo naman sila tinanggal!?”

Nagkibit-balikat siya. “Mga lalaki sila eh.”

“That’s it!? Ang lame ng reason mo! Saka bakit sila lang? Bakit hindi mo pa sinama si Riki!? Tinanggal mo na nga ang lahat ng lalaki sa line-up, iniwan mo pa siya. Nahiya ka pa yata,” sarkastikong sabi ko.

“Bakit, lalaki ba ‘yun?”

Wala talagang patutunguhan ang usapang ito. Napaupo ako sa tabi niya at nagmukmok. “Look, Miki—”

“Cheh. ‘Wag mo ‘kong kausapin,” asar kong sabi sa kanya.

“Ginawa ko lang naman ‘yun para sa’yo eh.”

Tiningnan ko siya nang masama. “Huwag ka ngang plastik. Alam nating dalawa na—”

“Na ayaw kong may mga lalaking umaali-aligid sa’yo? Ah, alam mo pala eh. ‘Di ko na kailangang magpaliwanag.”

Nanginginig ako sa inis. No, hindi siya nagseselos. Hindi ko siya boyfriend at wala siyang gusto sa akin. Ayaw lang niyang may ibang lalaking nakapaligid sa akin dahil gusto niya eh siya lang. Siya lang.

… dahil pag-aari niya raw ako.

“Huwag ka nang magalit diyan,” mahinahong sabi niya sa akin.

“Magalit man ako, wala na akong magagawa dahil napirmahan na ang final line-up,” inis kong sabi.

“O, ayun naman pala eh. Talagang wala ka nang magagawa,” nakangising sabi niya.

Once Upon A SpringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon