Spring Thirteen
“Danger”
~*+*~~*+*~~*+*~~*+*~
“Miki!”
Pilit kong sinubsob ang mukha ko sa unan ko. He must not know that I’m still awake! Pero wala eh, tinanggal niya ang kumot ko at pinilit niya talaga akong ibangon mula sa pagkakahiga ko sa kama. Namumutla niyang sinuri ang buong katawan ko.
“Hoy, Jet, ano ba!? Baka kung anong mahawakan mo diyan!” I snapped at him.
He ignored me at nagpatuloy lang siya sa panunuri ng balat ko hanggang sa nakita niya ang nakabalot kong tuhod at ankle. Tiningnan niya ako nang masama. “Ano ito?” medyo nanginginig niyang tanong.
“Huh? Sugat? Sprain? ‘Di ba obvious at nagtatanong ka?”
“Paano mo nakuha ang mga ito!?” singhal niya sa akin. Wow. So galit na siya niyan? Samantalang siya kaya ang may kasalanan kung bakit ako nadisgrasya! Leche!
“Sa katatakbo. Nadulas ako. Na-sprain ang ankle ko at tumama ang tuhod ko sa basag na glass ng bote,” nakakibit-balikat kong sagot.
“Ano!? At bakit ka tumatakbo!?”
“Eh sa hinahabol ako ng mga babae mo eh! Leche ka! Kung ba naman ‘di mo pinakita sa kanila noong hinalikan mo ako sa noo, ‘di sana ganito ang aabutin ko!” singhal ko sa kanya.
Namutla siya. “Dahil sa akin?” nakakunot-noong tanong niya.
“May iba pa ba?” sarkastikong tanong ko. “Ikaw lang naman ang nagdudulot palagi ng disgrasya ko eh! Ilang beses ko nang sinabi sa’yo na wala akong pakialam sa mga babae mo, pero huwag mong sasagarin ang pasensiya nila! Huwag mong ipapakita sa kanila ang mga kalokohanng ginagawa mo sa akin! Kasi at the end of the day, hindi naman ikaw ‘yung inaaway nila o napapahamak, kundi ako!”
Halos sumabog ang dibdib ko sa sobrang inis kaya hindi ko na napigilang sigawan siya. “Nakakainis ka, alam mo ‘yun!? Nakakainis kayo ng mga babae mo! Nananahimik ako, pero ang gulo-gulo niyo! Maghanap ka na kasi ng girlfriend, utang na loob! Para tumigil na rin sa kalalandi ang mga babaeng ‘yun sa’yo at titigilan na rin nila ako!”
Hindi siya nagsalita. At dahil nailabas ko na ang inis ko, medyo kalmado na ako. Dahan-dahan niya akong niyakap. Sinubsob ko naman ang ulo ko sa leeg niya.
“I’m sorry,” bulong niya sa akin. Hinigpitan niya ang pagkakayakap niya sa akin. “I’m sorry.”
Hindi ako sumagot. Kalmado na ako, pero medyo naiinis pa rin ako. “Ikaw kasi eh!”
“Oo, ako ang may kasalanan,” he said softly. Hinaplos niya ang buhok ko. “I’m sorry.”
“Cheh.”
“Huwag ka nang magalit.”
“I hate you.”
“I know. Pero huwag ka nang magalit. Please?” bulong niya sa tainga ko.
“Nakaka-high blood ka kasi. You’re dangerous to my health.”
“I know. I’m sorry,” sabi niya at lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.
“Ugh, Jet, ‘di ako makahinga,” reklamo ko. “Naiipit na ako.”
Niluwagan niya ang pagkakayakap niya sa akin at inilayo ako nang bahagya sa kanya. Inilagay niya sa pisngi ko ang magkabilang kamay niya. “I’m sorry, okay? I won’t let you get hurt anymore.”
Ngumuso ako at sumimangot. Dapat lang. Mahaba ang pasensiya ko, pero kapag sinagad na niya ito, baka sumabog na ang kamalditahan ko sa buong Arco Iris.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Spring
Novela Juvenil“I used to believe in fairy tales… Then an evil beast sealed my fate with his own.”