Spring Ten
“Root”
~*+*~~*+*~~*+*~~*+*~
“Ano na namang ginawa mo, Jethro!?”
Hindi siya sumagot. Inalog ko ang balikat niya. “Jet! Gumising ka! Hindi ako makalabas ng bahay!”
“Antok pa ‘ko,” reklamo niya. Nagtakip siya ng kumot.
“Naman, Jet!” Umupo ako sa kama niya at inalog-alog ulit ang braso niya. “Male-late na ako!”
“Wala namang pasok,” antok niyang sabi.
“May meeting ang mga SG officers,” sabi ko. “Buksan mo ang main door, hindi ako makalabas. Bakit mo kasi ni-lock from the inside at binago ang password?”
“Security.”
“Security? Paano makakapasok sina Riki?”
“Bukas pa sila babalik. Tayong dalawa lang ang nandito,” antok niyang sabi. Tinanggal niya ang kumot niya at antok akong tiningnan.
“Well, buksan mo na, dali! May meeting kami. Wala si Riki kaya ako ang muna ang magpe-preside ng meeting.”
“Ipagpaliban mo na lang.”
“Hindi puwede!”
“Anong hindi puwede? Sabado ngayon at malakas ang ulan.”
“So? Ayan lang ang unibersidad!” Itinuro ko ang unibersidad naming puwede namang lakarin mula sa boarding house.
“Kahit na. Matulog na lang tayo.” Hinila niya ang kamay ko.
“Bitiwan mo nga ako, Jet,” sabi ko. “Seriously, may meeting ako. Pakibuksan ang main door.”
“Seriously, you’re not going to leave this house right now.” Pumikit ulit siya.
“Bakit ba?”
“Umuulan nga at ayaw kong magpapaulan ka.”
“May silbi ang payong.”
“Kahit na. Just sleep, okay? Kung ayaw mong i-text ang mga kasama mo sa SG, ako ang magte-text para ipagpaliban ang meeting niyo,” pagbabanta niya.
He’s so impossible! “Fine!” I snapped. Tatayo na dapat ako, pero bigla niya akong hinila at napahiga ako sa kama niya. “Jet!”
Bigla niya akong niyakap nang mahigpit. “Do you remember, Miki? Do you remember how you used to call me and ask me to hug you whenever you were scared?”
Feeling ko eh umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. “T-that was… err, ages ago.”
“Ages ago? Seems like yesterday.”
“Matagal na ‘yun,” protesta ko.
Naramdaman kong nagkibit-balikat siya. “Palagi kang natatakot noon eh. Lalo na kapag ganito ang panahon. Natatakot ka sa kulog at kidlat. Palagi mo akong tinatawag. Palagi kang nakayakap sa akin.”
Feeling ko talaga eh sasabog na ako sa sobrang hiya. “Kailangang ungkatin, Jet? Mga bata pa tayo noon. Hindi na ako natatakot sa kulog at kidlat ngayon.”
“Oo nga eh.”
“Bakit parang hindi ka yata masayang hindi na ako natatakot sa kulog at kidlat?”
“Honestly? I sometimes wish you’re still afraid of those. Then you’ll call for me again and beg me to hug you.”
“Jet—”
“So in exchange for those times that I was always there to hug you, can you hug me now instead?”
“Bakit? Takot ka na ngayon sa bagyo?”
![](https://img.wattpad.com/cover/10056589-288-k472108.jpg)
BINABASA MO ANG
Once Upon A Spring
Teen Fiction“I used to believe in fairy tales… Then an evil beast sealed my fate with his own.”