Spring Nine: "Time"

3.5K 133 5
                                        

Spring Nine

“Time”

~*+*~~*+*~~*+*~~*+*~

“Ano na namang ginawa mo, Jethro!?”

“Nilagyan ng padlock ang bintana mo.”

“Bakit mo naman ginawa ‘yun!?”

Tiningnan niya ako nang seryoso. “May gumagalang manyak sa loob ng university village. Baka mapagtripan ang kuwarto mo.”

“Eh bakit kailangan mo pang ikandado ang bintana ko? Ang init!” reklamo ko.

“Buksan mo na lang ang aircon.”

“Okay ka lang? Magastos kaya!”

“Ako ang magbabayad.”

“That’s not the point, Jethro. Kahit sino naman ang magbayad, the point is magastos pa rin.”

“Hindi mo ba naiintindihan ang sinabi ko? May gumagalang manyak sa university village. Paano kung makapasok siya sa kuwarto mo?”

“Nasa third floor ang kuwarto ko, for heavens’ sake!”

“Eh kung maka-akyat?”

“Ewan ko sa’yo! Bahala ka na nga!” sabi ko. Padabog akong pumasok sa kuwarto ko. Nakakanis. Gusto ko pa man ding binubuksan ang bintana ng kuwarto ko dahil masarap ang simoy ng hangin sa university village kung saan located ang dormitory house namin. At mas gusto ko ring nakabukas ang bintana ko para nakakapagmuni-muni ako sa tuwing tinatamad akong gumalaw.

Asar na asar kong binuksan ang aircon. Aksyado talaga itong si Jet sa pera! Palibhasa eh mayaman. Pero kahit na. Hindi naman dapat inaaksaya lang ang pera kahit na mayaman ang isang tao eh.

Biglang bumukas ang pintuan ng kuwarto ko at pumasok si Jet sa loob. “Hindi ka pa bihis?”

“Hindi ba uso sa’yo ang kumatok?” asar kong tanong.

“Sa kuwarto mo? Hindi.”

“Leche.”

“Language. Magbihis ka na.”

“Bakit? Para saan?”

“Nakalimutan mo na ba? May laro ako ngayon.”

“Tapos?”

“Magbihis ka na.”

“Bakit?”

“Malamang sasama ka.”

“At bakit naman ako sasama?” Tumaas ang kilay ko.

“Sa tingin mo ba iiwanan kita nang mag-isa rito ngayong may gumagalang manyak sa university village?”

“Uuwi rin naman mamaya sina Riki.”

“Kahit na. Bilisan mo, magbihis ka na. Kapag ako nahuli, kasalanan mo.”

“Ako pa ngayon? Sinabi ko bang isama mo ako? Eh kung lumayas ka na kaya nang ‘di ka mahuli?”

“Alam mo, ang kulit mo. Magbibihis ka ba o gusto mong ako pa ang magbihis sa’yo?” Lumapit siya sa akin.

“H-hoy! Anong gagawin mo? Pervert!”

Tumingin siya sa relo niya. “Bilis na, Pansit,” nagmamadaling sabi niya.

Buwiset! Ano ba kasi ang kasalanan ko noong nakaraang life ko para ma-stuck ako sa lalaking ito? Dali-dali akong kumuha ng damit sa dresser ko.

“Huwag kang magsuot ng shorts.”

Once Upon A SpringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon