Spring Twenty Seven: "Tale"

3.5K 152 11
                                        

Spring Twenty Seven

“Tale”

~*+*~~*+*~~*+*~~*+*~

“Ayoko.”

“Ba’t ayaw mo?”

“Bigyan mo ako ng isang magandang dahilan para pumayag ako.”

“Kailangan pa ba ng dahilan?”

“Of course,” sagot ko habang nag-aayos ng mga nakatambak na papeles sa mobile cabinet ko rito sa office ng SG.

He folded his arms and leaned on the wall. “Ang dami mo na namang arte,” reklamo niya. “Basta sasama ka, sa ayaw at sa gusto mo.”

“Oh, talaga? Make me,” I said stubbornly.

“Is that a threat?”

Inirapan ko siya. Ang kulit kasi! Alam naman niyang ayokong pumupunta sa ancestral house nila sa bansang ito eh, lalung-lalo na tuwing reunion ng angkan nila. Makikita ko na naman ang mga weirdong miyembro ng pamilya niya. Kung ‘yung isang Jethro Young nga, masakit na sa ulo, paano pa kaya kung nandoon ang mga pinsan niya?

“Mamayang alas sais ng hapon, dapat bihis ka na,” biglang sabi niya. Tignan mo ‘to, ‘di nga ako pumayag, ganoon pa rin ang sinasabi. Ang stubborn niya.

“Eh bahala ka.”

Ngumisi lang siya. Nakakainis ang ngisi niyang iyon. Alam na alam ko ang ngisi niyang iyon eh. Ngising nagsasabing mangyayari ang gusto niyang mangyari.

Hindi nga ako nagkamali. Pagsapit pa lang ng alas singko, sinugod na ako ng mga alagad niyang hindi ko alam kung saan nanggaling. Kinaladkad ako mula sa mahimbing kong pagkakatulog at pinilit na maligo. Pagkatapos kong maligo, wala akong matinong choice kundi isuot ang lecheng gown na pinasuot nila sa akin. At pagkatapos ay nilagyan nila ako ng kolorete sa mukha.

“Seriously? Magkano ba ang binayad sa inyo ng halimaw na ‘yun?”  reklamo ko sa kanila. “Tatapatan ko!”

“Young Miss, sumunod na lang po kayo,” one of them said patiently.

“Eh ayoko nga sabi eh.”

“Sayang naman po ang gown at make-up niyo kung hindi kayo tutuloy.”

“Bakit sayang? Sapilitan nga ‘to eh!”

“Anong kaguluhan ito?” Biglang sumulpot si Riki sa doorway ko at nagpamewang. Nakabihis na siya. “Oh, you’re ready.”

“Leche. Ayoko ngang pumunta eh,” asar kong sabi.

“Haler, ako rin kaya! Pepestehin na naman ako ng mga tao doon tungkol sa babae!” asar niyang sabi.

“Young Master, nasa labas na po ang mga pinsan niyo,” sabi ng isang alagad ni Jet kay Riki.

Padabog na nagwalk-out si Riki. Sumunod naman ako sa kanya. Noong nakarating na kami sa labas, may nakaparadang tatlong sasakyan. Inirapan ko ang mga pinsan ni Jet na nakangisi sa akin. Pare-pareho lang talaga sila.

“Miki,” sabay-sabay nilang bati.

“Ang ganda mo ngayon, ah? Ngayon lang siyempre.”

“Blooming. Dala lang siguro ng kolorete sa mukha.”

“Sexy. Huminga ka naman. Masyado mo pang tinatago ang mga bilbil mo eh.”

“At ang malaki mong puson.”

“Leche. Die and go to hell,” sabi ko. I crossed my arms and glared at them. Mula pagkabata ay hindi ko talaga masakyan ang trip ng mga ito. At mula pagkabata ay inaasar na nila ako. So sinong gaganahang pumunta sa reunion na punong-puno ng mga ganitong lalaki? Sa dinami ko kasing magiging kababata, bakit sila pa, ‘di ba?

Once Upon A SpringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon