Spring Twelve: "Playboy"

3.7K 128 5
                                    

Spring Twelve

“Playboy”

~*+*~~*+*~~*+*~~*+*~

“Miki!”

Tumingin ako kay Riki. “Oh, bakit?”

“Hindi ko talaga alam kung paano mo nagawang kumbinsihin si Doctor Qi na palaka na lang ang ida-dissect mo.”

“Hindi naman ganoon kahirap kumbinsihin ‘yun. Sinabi ko lang na ayokong manghuli ng paru-paro at kung gusto niya, ako na lang ang magdo-drawing ng illustrations at magde-design ng paru-paro para sa presentation at decorations ng butterfly garden niya,” nakakibit-balikat kong sabi.

“Sigurado kang walang kinalaman si Jet doon? Baka naman kinausap niya?”

“Grabe ka! Wala ka bang tiwala sa strategies at convincing powers ko? Saka nangako si Jet na hindi siya mangingialam sa pagkakataong ito.”

“Wow, nagbago? Anong nakain ng halimaw na ‘yun?”

“Ewan. Good mood lately eh kaya ‘di ako pinepeste.”

“Huh. Talaga lang, ha? Magiging good mood pa kaya siya kapag nalaman niyang muntikan ka nang matamaan ng soccer ball, pero humarang si Wesley?”

Nagbuntong-hininga ako. “Ano na naman ba ‘yang sinasabi mo, ha, Riki?”

“Hay, naku. Alam mong ayaw ni Jet na nakikipag-usap ka sa ibang lalaki eh. For sure, magagalit ‘yun kapag nalaman niyang sinagip ka ni Wesley.”

“Sinagip? What a term. Masyadong malalim.” Tumawa ako.

“Tawa ka diyan. Mag-iingat ka, Babae. Playboy ‘yang si Wesley.”

“Bakit ako mag-iingat sa kanya? I mean, wala naman kaming connect, hello?”

“Timang, sinasabi ko lang sa’yo. If I know, hinintay ka niya noong isang araw sa labas ng lab.”

“Hinintay? Bakit ba sinasabi niyong hinintay niya ako? Nagkasalubong lang kami at hindi niya ako hinintay, okay? Besides, paano mo nalaman?”

“Nakita ko kaya, duh.”

“Ah, wala ‘yun. Tinanong lang niya kung nakausap ko daw ba ang prof na hinahanap ko. Nabanggit ko lang ang tungkol sa deal ni Doctor Qi. Sinabi lang niya sa akin kung saan ako puwedeng makahanap ng mga paru-paro.”

“Oh, that was it? Really? Talaga lang, ha?”

“Oo. Bakit ba? Ano na naman ba ang issue mo?”

“Wala lang. Pero ngayon pa lang, sinasabi ko na sa’yong huwag mo masyadong pagselosin si Jet dahil masama ‘yan magselos. Nadadamay ang lahat ng hindi naman dapat madamay.”

Tumawa ako. “Pagselosin? Haler, Riki. Of all people, ikaw ang nakakaalam ng sitwasyon namin ni Jet. Wala kaming relasyon bukod sa pagiging magkaibigan. Hindi ‘yun magseselos, ‘no. My gosh. Besides, busy ‘yun sa mga babae niya. Ang dami-dami kayang babaeng umaaligid sa kanya.”

Totoo naman eh. Kaya hindi masyadong nai-isyu sa unibersidad ang tungkol sa kakaibang relasyon namin ni Jet eh dahil sa mga babaeng nakapaligid sa kanya. Ine-entertain niya ang mga nagpapapansin at lumalandi sa kanya. Nakikipag-date siya at ewan ko kung hanggang saan sila umaabot ng mga ka-date niya. Wala naman sa akin ‘yun. Hindi naman kami eh, so I’m cool with it. Siya lang naman ang ayaw na makipag-usap ako sa ibang lalaki. Nasaan ang hustisya, ‘di ba? Besides, kahit magalit ako sa kanya—na nasubukan ko nang gawin dati pa—at kahit sigawan ko siya at hindi pansinin—na nasubukan ko na ring gawin dati pa—wala, hindi siya natitinag. Ginagawa pa rin niya kung anong gusto niya. Dinidispatya pa rin niya ang mga lalaking nakakausap ko. Alam kong unfair. Sobrang unfair. Pero sabi ko nga, kahit anong reaction ang ibigay ko, hindi pa rin siya natitinag. At kahit takasan ko pa siya—which, by the way, I’ve even tried before—useless din dahil sinusundan niya pa rin ako. All because of this moment on one spring night under the cherry tree.

Once Upon A SpringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon