Spring Twenty Nine
“Choice”
~*+*~~*+*~~*+*~~*+*~
Ano ba ‘yan? Kanina pa ako naghihintay rito eh. Nasaan na ba ‘yun? Ba’t kasi nagpauto ako eh. Puwede namang doon ko na siya hintayin sa unibersidad.
Tumingin ako sa paligid. Maraming bata ang naglalaro sa swing sets, slide, seesaw, at monkey bars. Enjoy na enjoy sila sa paglalaro. Walang inaalalang kumplikadong mga bagay. Basta nag-eenjoy lang sila.
Hindi ko alam kung anong sumagi sa utak ko at bigla akong napangiti.
Mga bata…
Gaano na ba kami katagal na magkakilala ni Jethro? Matagal na, sa totoo lang. Magkababata kami at ewan ko ba suwerte o malas ‘yun. Baka sumpa.
Siguro nga isang sumpa. Bata pa lang siguro ako noong isinumpa na akong matali sa kanya. Tama. Bata pa lang kami… ganoon na.
~*+*~~*+*~~*+*~~*+*~
“Jethro!” sigaw ko.
Hindi siya kumibo. Nakakainis! Bakit natutulog lang siya? Ang sabi ng mama niya, makipaglaro raw siya sa akin. Pero bakit nga natutulog lang siya!? Puwede palang matulog sa playground? Sa itaas ng slide? Eh kung mahulog siya?
Nagpamewang ako at muling tumingin sa itaas ng slide kung saan natutulog si Jethro Young. “Jethro! Bumaba ka na! Maglaro tayo!” sigaw ko.
Hindi niya ako pinansin. Nakakainis talaga! Anong gagawin ko rito? Kaming dalawa lang ang nasa playground dahil iniwanan kami ng mga pinsan niya. At kahit isama pa ako ng mga iyon, ayokong sumama sa kanila kasi ang sasalbahe nila! Palagi na lang nila akong pinagtitripan at inaasar. Tapos ginagawa pa nila akong taya palagi porket ako lang ang nag-iisang babae. May sakit kasi si Riki kaya wala akong kakampi. Unfair, sa totoo lang.
“Jethro! Naman eh!” muli kong sigaw.
Hindi pa rin siya umiimik. Nakakainis talaga. Bagot na bagot na ako at gusto ko nang maglaro. At dahil hindi ako pinapansin ni Jet, padabog akong umalis sa paanan ng slide at nagtungo sa buhangin. Gagawa na lang ako ng sand castle.
Umupo ako sa buhangin at nagsimulang paglaruan ito. Gusto kong gumawa ng magandang-magandang castle. Para paglaki ko, ganoon ang titirahan namin ng Prince Charming ko.
Nangingiti-ngiti ako habang gumagawa ng sand castle. Paborito ko ang fairy tales. Gustong-gusto ko ang mga magagandang scenery na pinapakita sa mga palabas, lalung-lalo na ‘yung mga castles. Gusto kong tumira doon.
“Bakit ka nakangiti?”
Lumingon ako at nakita si Jethro na nakaupo sa tabi ko. Ba’t ganoon siya? Ni hindi ko man lang namalayang dumating at umupo sa tabi ko.
“Eh nakakatuwa kasi eh,” sagot ko.
“Bakit ka natutuwa?”
Kumurap ako. Bakit nga ba ako natutuwa? “Ewan ko. Basta natutuwa ako.”
“Bakit hindi mo alam? Saka bakit ka gumagawa ng ganyan?”
“Ang dami mo namang tanong!” naiiritang sagot ko.
“Bakit ayaw mong sagutin ang mga tanong ko?”
Tiningnan ko siya nang masama. Nagkibit-balikat siya at tiningnan ang ginagawa kong castle. “Ang ganda, ‘di ba?” masiglang sabi ko.
“Iyan? Hindi.”
“Nakakainis ka!” asar kong sabi.
“Bakit? Nagsasabi lang naman ako ng totoo eh. Masamang magsinungaling.”
BINABASA MO ANG
Once Upon A Spring
Teen Fiction“I used to believe in fairy tales… Then an evil beast sealed my fate with his own.”
