Spring Six
“Cake”
~*+*~~*+*~~*+*~~*+*~
“Ano na namang ginawa mo, Jethro!?”
“Kanina eh natutulog. Ngayon ay nakikinig sa sigaw mo.”
“Huwag mo nga akong pilosopohin! Alam kong ikaw ang kumain ng cake na nilagay ko sa ref kanina!”
“Tapos?”
“Jethro! Para sa raffle ‘yun!”
“Marami ka namang ginawang ibang cake. Mga lima. Isa lang ang kinain ko. Anong problema doon?”
Buwiset. “Naghihirap na ba ang angkan mo at pinagdiskitahan mo ang cake ko?”
“Hindi. Gusto ko lang makatikim ng lason. Pero maling cake yata ang nakain ko kasi walang lason eh.”
“Sinasabi mo bang may lason ang cake ko!?” singhal ko sa kanya.
“Wala ba? Sige, gayuma na lang.”
He’s impossible! Nag-walk out ako at nagpunta sa kitchen ng boarding house namin. Bakit ba ang evil niya? Pati ang cake kong nananahimik eh pinag-initan niya! Nakakainis! Kailangan ko pa tuloy bumili ng additional ingredients para makapag-bake ng isa pang cake. At kailangan ko pa tuloy abonohan ‘yun. Gastos na naman. At ayoko pa namang ginagalaw ang laman ng ATM ko. Pahamak talaga ang lalaking ‘yun.
Padabog akong nagbihis para pumunta sa pinakamalapit na grocery. Paglabas ko ng kuwarto, nandoon siya sa lobby. Prenteng-prente siyang nakaupo sa sofa habang nanunuod ng TV. Ang sarap tuloy niyang ipasok sa loob ng TV at ikulong doon. Nakakainis! Parelax-relax lang siya hanbang ako ay susugod pa sa grocery. Kung kailan tapos na sana ang trabaho ko eh.
Hindi ko na siya pinansin at dumiretso na ako sa grocery. Pagdating ko doon, ang haba ng pila sa counter! Lalong nadagdagan ang inis ko. Nakakagigil. Sinasagad niya talaga ang pasensiya ko.
Padabog kong kinuha ang mga ingredients at nilagay sa cart. ‘Yung pinakamahirap at pinakamahal na cake pa ang kinain niya! Buwiset. At inubos niya pa.
Huminga ako nang malalim at pumila para bayaran ang ingredients. Kailangan kong mag-relax dahil magbe-bake ako. Baka sumama pa ang lasa kapag bad trip ang mood ko. Nakakahiya naman sa mananalo. Proud na proud pa man din ang Student Government na ipagmalaki ang cakes ko.
Noong sa wakas ay nakarating na ako sa counter, ayaw tanggapin ng cashier ang bayad ko. “Teka, teka. Hindi naman peke ang perang ito, ah? FYI, kaka-withdraw ko lang nito diyan sa ATM machine na ‘yan.” Itinuro ko pa ang ATM machine sa loob ng grocery. “Kung ayaw mong maniwala, eh ‘di i-check niyo ang CCTV camera at transaction record.”
Napakamot ng ulo ang cashier. “Miss, hindi naman po ‘yun. Ano kasi, Miss… may nagbayad na po para sa ingredients niyo.”
Huh? “Sino? At paano niya nalaman kung ano ang mga bibilhin ko? Paano niya nalaman kung magkano ang aabutin ko? At bakit naman niya gagawin ‘yun?” sunod-sunod kong tanong.
Muling napakamot ng ulo ang cashier. “Hindi ko po alam, Miss. Basta nag-abot na lang po siya ng five thousand pesos.”
“What!? Eh less than two thousand pesos lang itong mga pinamili ko, ah? Saka puwede ba ‘yun? That’s against the standard policies and procedures ng isang business enterprise, ah? Bakit tumatanggap kayo ng ganyan? Alam niyo bang puwede kayong ma-report?”
Mukhang nataranta ang cashier. “Miss, ang general manager po namin ang nag-utos.”
May lumapit na isang lalaki sa amin. “Anong nangyayari dito?”
BINABASA MO ANG
Once Upon A Spring
Fiksi Remaja“I used to believe in fairy tales… Then an evil beast sealed my fate with his own.”
