Spring Twenty One: "Rival"

3.3K 126 16
                                    

Spring Twenty One

“Rival”

~*+*~~*+*~~*+*~~*+*~

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Ba’t ganoon? Ang OA ng peg ng mga paa ko. Pero para talagang nasabuyan ako ng yelo tapos dumikit ang paa ko sa semento. At hindi ako makahinga.

… bakit?

Parang may malaking bagay na pumipiga sa loob ng dibdib ko.

Ang sakit kasi…

Nagpatuloy lang ako sa panunuod sa kanila. Halatang-halata ang gulat sa mga mata ni Jet. Feeling ko nga eh nai-speechless siya. At halatang-halata rin ang pagkasabik at tuwa sa buong awra ni Jazel.

“Bakit nandito siya?” reklamo ni Riki. “I mean… bakit bumalik pa siya!? At anong ginagawa niya sa Arco Iris? Paano siya nakapasok?”

Hindi ko pinansin si Riki. Nakita ko kung paano haplusin ni Jazel ang pisngi ni Jet. Umatras si Jet at biglang kumunot ang noo ni Jazel. May tinanong siya kay Jet, pero hindi nagsalita ang huli. Hanggang sa nilagpasan siya ni Jet.

“Jethro, wait!”

Agad siyang nilingon ni Jet. “Don’t follow.”

Kahit mahina ay narinig ko ang sinabing iyon ni Jethro. Mas lalong kumunot ang noo ni Jazel. Umalis si Jethro at iniwanan siya sa spot na ‘yun. Nagbuntong-hininga si Jazel at sa sandaling iyon, bigla siyang napatingin sa kinaroroonan namin ni Riki. Nanliit ang mga mata niya at saka lumapit sa amin.

“So,” panimula niya, “long time no see, Miki Yamashina.”

Nankangiti siya, ngunit alam kong peke ang ngiting iyon. Hindi ko siya masisisi.

Kung ikaw kaya, magagawa mo bang ngitian ang babaeng dahilan kung bakit nasira kayo ng taong mahal mo?

“Indeed, Jazel de Vera,” sabi ko. Hindi ako ngumiti. Hindi ko kasi kaya iyon eh—ang ngumiti nang pilit sa ganitong pagkakataon.

“Kakakita ko lang kay Jethro. Tapos nakita naman kita. How ironic,” nakangiting sabi niya.

“True. So what brings you here?”

Tumawa siya nang mahina. “Why do I get the vibes that I’m not welcome here?”

This time, napangiti ako. I shrugged. “I wonder where you got that vibes.”

Lumapad ang ngiti niya. “Maybe from… you?”

“Oh, really? Your imagination surprises me again,” sabi ko.

Biglang umubo si Riki. “We have to go na, Miki,” sabi niya.

Tiningnan siya ni Jazel. “Riki! It’s been so long! Hindi mo ba ako iwe-welcome?”

Ngumiti nang pilit si Riki. “Welcome to Arco Iris University, Jazel. I hope you find the environment fit to your liking.”

“Oo naman. Especially since I’m going to enroll here,” nakangiting sabi ni Jazel.

What!?

“Dito ka na mag-aaral?” gulat na tanong ni Riki.

“Of course. Jethro is here, so it’s just natural for me to be here, right? A princess should be where her prince is,” masiglang sabi ni Jazel. Tumingin siya sa akin at binigyan ako ng isang malapad na ngiti.

So talagang gusto niya akong paringgan? Tumango ako. “Right. That’s about right. So, Jazel, if you don’t mind, we have to go. Enjoy.”

… not.

Once Upon A SpringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon