Spring Twenty Five
“Witch”
~*+*~~*+*~~*+*~~*+*~
“Aray! Ba’t ka nanghahampas?” asar kong tanong kay Riki.
“Kasi po, Miss VP, kanina pa kita kinakausap. Tulala ka masyado,” umiirap niyang sabi.
“Eh ba’t kailangan pang manghampas? Puwede namang tapikin, ‘di ba?”
“Hindi effective sa’yo ‘yun. Teka nga. Ba’t ba lutang ang brain cells mo?”
“Sisihin mo ang magaling mong pinsan.”
Biglang tumawa si Riki. “Oh, I heard about it nga pala. So… congratulations on your engagement. And welcome to the family,” natatawang sabi niya.
“Eh bakit ba natatawa ka pa?” asar kong tanong. “At sinong nagsabing valid ang engagement na ‘yun? Ni hindi ko nga alam ‘yun eh. Wala namang sinabi sa akin sina lolo. Si Jet lang ang nagsabi.”
“Oh, talaga? Eh bakit lutang ka? For sure naman eh ‘yun ang dini-dilemma mo diyan.”
“Eh kasi si Jet nga ang nagsabi!” I snapped.
“Meaning?”
Leche, ayokong sagutin ang tanong niya. Eh kasi naman! Kapag si Jet ang nagsabi… meaning… well, ayoko mang aminin, pero… leche, valid nga iyon. Hindi magbibitiw ng ganoong mga salita si Jet kung hindi totoo.
“Never mind,” I snapped.
Tumawa si Riki. “Ganito na lang ang isipin mo, Miki. Tutal sinabi mo rin lang naman dati na hindi ka makakawala hangga’t ‘di nakikita ni Jet ang babaeng mamahalin niya at kung aabot ‘yun sa forever eh wala kang choice kundi to stay with him, isipin mo na lang na ganoon na nga ‘yun. Isipin mo na lang na pinaninindigan mo lang ang sinabi mo noon. I mean, ise-save mo rin lang naman ang pride mo, so sagarin mo na. Besides—”
“Besides? Ano?”
“—isipin mo na lang na kung hindi dahil sa nangyari noon, malamang kayo pa rin ni Kenshin ang engaged. So mamili ka, si Jet o si Kenshin?”
“‘Yung totoo? Mas mukhang tao si Kenshin,” iritadong sabi ko.
Tumawa si Riki. Hay, naku. Ever since nalaman niya talaga ang buong katotohanan tungkol sa isyu naming tatlo nina Jet at Jazel, masyado na niya akong pinagtitripan. Ang alam lang kasi niya noon eh pinagselosan ako ni Jazel dahil I accidentally kissed Jethro. Tapos ang alam niya eh dahil doon kaya ako ginagantihan ni Jet. Hindi niya alam na ginawa ko iyon dahil nga ayokong ma-engage kay Kenshin at malalim ang kasunduan namin n Jethro na I will be his until he finds his girl. Ang alam ni Riki eh trip-trip lang namin ‘yun.
“So mas pipiliin mo pala si Kenshin eh,” natatawang sabi niya.
“No,” bigla kong sabi.
Kumurap siya. “Huh? Anong no?”
Kumurap din ako. Teka, anong sabi ko? “Wala!” dali-daling sabi ko.
“Hindi puwedeng wala. May narinig akong sinabi mong ‘no’ eh. So hindi si Kenshin ang pipiliin mo?”
Sinabunutan ko ang sarili ko. “Ano ba ‘yan!? Ang dami mong tanong! Sumasakit ang ulo ko sa’yo!”
“Well, mas lalong sasakit ang ulo mo dahil may paparating na anghel,” sabi ni Riki habang ngumunguso sa may pintuan ng classroom namin.
Oh, shit. What is she doing here?
Noong nakita niyang nakatingin ako sa kanya. Tumango siya at sumenyas na gusto niya akong makausap. Naman! Ano na naman ba ito!?
BINABASA MO ANG
Once Upon A Spring
Teen Fiction“I used to believe in fairy tales… Then an evil beast sealed my fate with his own.”
