Spring Twenty Eight: "Red"

3.1K 139 15
                                        

Spring Twenty Eight

“Red”

~*+*~~*+*~~*+*~~*+*~

“What!?” I snapped.

“Ouch, my ears,” reklamo ni Riki.

Inalog ko siya. “Seryoso ka?”

“Oo nga!”

“Tara nga,” asar kong sabi.

“Saan tayo pupunta?”

“Saan pa? Eh ‘di susundan sila,” sagot ko.

“Susundan? Pero bakit? I mean, dati mo namang nababalitaang may nakaka-date si Jet, ah? Ba’t wagas ang reaction mo ngayon?”

Ay, oo nga, ano? “Oo nga, ‘no?” Umupo ako ulit.

Tumaas ang kilay ni Riki. “Oh, my. Don’t tell me… nagseselos ka?”

“Huh. Sinong nagseselos?” umiirap kong sabi.

Pero… wait lang. Si Jet? Nakipag-date? Ba’t nakipag-date ‘yun!? Akala ko ba… kami?

Sandali nga. Ba’t ba ako naiinis? I mean, seryoso ba ‘yun? Leche, hindi ako matahimik. Muli akong tumayo. Bahala na si Riki sa gusto niyang isipin.

“Tara,” sabi ko.

“Saan?”

“Susundan natin sila at ‘wag ka nang magreklamo.”

Ngumisi lang siya. “Ooh. The wrath of a girlfriend.”

Inirapan ko siya. “Anong pinagsasabi mo? Gusto ko lang malaman kung sino ‘yun at kung bakit nakikipag-date siya ngayon. I mean, akala ko eh nagtino na siya. Besides, how unfair is that? Kung makikipag-date rin lang siya sa iba, eh ‘di hiwalayan na niya ako!” I snapped.

“Teka, teka, Miki. Ba’t sa’kin mo sinasabi ‘yan? Sa kanya mo sabihin ‘yan, ‘no.”

Ngumuso ako. “Tara na nga!”

~*+*~~*+*~~*+*~~*+*~

So dito pa talaga sila nag-date? How cheap. Namumulubi na ba si Jet at wala na siyang ibang mapagdalhan sa ka-date niya? I mean… sa karinderya? I have nothing about karinderyas, pero… haler, Jethro Young?

And what’s with that girl? Mukhang manang. I mean, hindi ba obvious na tirik na tirik ang araw? Kailangang naka-long skirt? Saka anong meron sa braso niya at balot na balot?

Okay, ang mean ko. So? Eh sa iyon ang nakikita ko eh.

At, gosh, uso naman kasi ang magpagupit, ‘di ba? Masyadong nagpapahabol sa gunting ang peg ng hair ni Girl. Tapos itim na itim pa. Nasabuyan ng ink?

I folded my arms. Ba’t ganoon? Nag-iba ang taste ni Jet? Kadalasan kasi eh puro model-type ang mga nakapaligid na babae sa kanya eh. Ba’t naging manang yata?

“Alam mo, Miki, imbes na tirahin mo ng lase beams ‘yang babaeng kasama ni Jet, lapitan mo na lang sila. I’m sure naman eh ipakikilala ka ni Jet sa kanya.”

“Ayoko nga. Baka sabihin pa ni Jet eh sinusundan ko siya.”

“Eh sinusundan mo naman talaga siya eh. Haler, kanina pa kaya tayo rito.”

“Whatever.”

“Ayan na naman ang pride niya,” narinig kong bulong ni Riki.

Ano ba ‘yan? Nakakagigil. Ewan ko kung bakit ako nanggigil. I mean, sanay na sanay naman na ako sa pagiging playboy ni Jet eh. Sanay na akong maraming umaaligid na babae sa kanya. Mga mukhang rumarampa pa nga sa entablado ang mga iyon eh. Pero hindi naman ako naiinis, maliban na lang kapag ginugulo nila ako. Pero ngayon? Ba’t ako naiinis eh kung tutuusin nga, dapat wala akong dapat ikainis sa mukhang manang na ‘to eh. I mean, hindi siya type ni Jet, right?

Once Upon A SpringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon