A/N: Please comment if may mali po sa part ng story, sa grammar and sa spelling. Thanks po! :)
___________________________Nakasandal si Tiffen sa gate nila habang hinihintay nya na lumabas si Archie sa katapat bahay lang nila.
Sabay silang ipinanganak ni Archie at matalik na magkaibigan ang mga magulang nila kaya hindi maikakaila na naging matalik na rin silang magkaibigan.
Simula't sapul na mag-aral sila ay magkaeskwela ang dalawa hanggang sa tumuntong sila ng High School.
Nagsalubong ang dalawang kilay ni Tiffen na makita nya na palabas na ng bahay ang kaibigan.
"Ano yan! Bakit nagpagupit ka ng ganyan kaigsi!" Kunot noo nyang sinabi sa kaibigan.
"Ayaw mo yun! Parehas tayo!" Ngising ngisi sabi ni Archie dito at sinuot nya sa kanyang ulo ang hawak hawak nyang sumbrero na pabaliktad.
"Ba't ba sobrang igsi ng pinagupit mo!"
"Eh! Ang init eh! Ang sarap kaya ang gaan sa ulo. Saka tipid na rin sa shampoo!"
"Eh! Kung nagtitipid ka sa shampoo sana pinakalbo mo na lang!"
Napakunot noong tumingin ang dalagita kay Tiffen dahil sa sinabi nito na bigla sumigaw ang lola nya.
"Archella!!!!!!! Yung baon mo maiiwan mo naman!" Sigaw ng kanyang lola na patakbo na lumabas ng bahay.
Napasapo sa noo si Archie. "Haissssst oo nga pala! Sige lola salamat!" Sabay kuha nya ng baon nya.
Solong anak lang si Archie at mga magulang nya ay nasa abroad at doon nagtratrabaho kaya't lolo't lola nya ang kasama nya dito sa bahay.
Si Tiffen naman tatlo silang magkakapatid na lalake at pangalawa sya.
**********
Pagdating nila sa School halos kiligin ang mga babae na napapadaan sa kanila si Tiffen dahil sa taglay nitong kagwapohan at katalinuhan.
Sa School nila si Tiffen ang campus heartrob. Kaya maraming naiigit kay Archie dahil laging silang makasama pero hindi nila ito pinagseselosan dahil sa kilos lalake ang dalagita.
"Huh! Ang haba na naman ng hair mo bro!" Ang nakangising sabi ni Archie.
"Can you shut up your mouth!" Kunot noong tugon ni Tiffen.
"Wooohhhh! Sungit mo ngayon ah!! Meron ka ba?" Pabirong sabi ni Archie.
"Isa pa!" Ang naiinis na sabi ng binata at tumahimik si Archie na ngingisi ngisi dahil alam nya na napipikon na ang kaibigan.
**********
BINABASA MO ANG
My Lesbian Bestfriend Part 1
RomanceI want you, I like you and I love you. Paano ko sasabihin sa kanya ang lahat ng to if she is my one and only my bestfriend at ang masaklap pa she is a LESBIAN.