Chapter 2

324 8 0
                                    

"Hay!!!!!" Inat inat si Archie pagkatapos ng klase nila. Kinulbit nya ang katabi nyang kaibigan.

"Psssttt!!!!! Punta ako sa bahay nyo mamaya ha! Pakopya ako ng assigment hehehe! Dami eh! Ano ba yan si teacher parang walang bukas kung magbigay ng home work. Tsk! Tsk!"

Kumunot na naman ang noo ni Tiffen.
"Gragraduate na tayong lahat aasa ka pa rin sa akin!"

"Eh pinapakopya mo naman ako hehe!"

Napaisip ang binata masyado na ata nya naspoiled ang kaibigan. Magkokolehiyo na sila sa susunod na taon. Alam nya na makakasama nya ulit ito sa isang School kasi kung saan gusto pumasok ni Archie dun sya. Ang kaso lang hindi nya alam kung anong kurso yung kukunin ng kaibigan kaya alam nya na magkakahiwalay sila. Ngayon pa lang uumpisahan na nyang na wag na umasa sa kanya si Archie.

"Ah! Ganun Ok gawin mo mag-isa yung assignment mo!"
Tumayo na ang binata ang lumabas na sa room nila at sinundan naman agad to ng kaibigan.

"Uy!!! Teka teka! Kelan pa gragraduate na tayo saka ka magdadamot ang daya mo ah!"

Hindi umimik si Tiffen habang si Archie patuloy pa rin sa pagsumamo sa kaibigan.

Habang naglalakad sila pauwi ay pagtuloy pa rin ang pagsusumamo ni Archie kay Tiffen.

"Uy!!! Pakopya ako! Please!!!" Habang hinilahila nya ang laylayan ng polo ni Tiffen.

"Uy!!Uy!! Sige na!!" Paulit ulit na pagsumamo sa kaibigan si Archie.

"San mo balak mag college?" Tanong ni Tiffen sa kaibigan.

Napatigil sa pahila ng polo ni Tiffen si Archie. Napaisip sya sa sinabi ng kaibigan. "Oo nga one year na lang magkacolledge na sila!" Sa isip isip ni Archie. Pero hindi nya muna sinagot ang tanong ng kaibigan bagkus tinanong nya muna kung ano kurso kukunin ni Tiffen.

"Oo nga noh! Magkacolledge na pala tayo! Anong course kukunin mo?"

"Culinary Arts!" Deretchong sagot ng binata. Napatawa si Archie sa sinabi ng kaibigan.

"Susundan mo talaga yung yapak ng mommy mo noh!"

"Ikaw ano yung kukunin mo? Magculinary ka na rin para classmate ulit tayo!"

Napaisip ulit si Archie!
"Hmm!!!! Criminology!!"

"What!!!!!" Nakangangang sabi ni Tiffen.

"Ayaw mo? Eh di sundalo na lang! Hehe!" Pabirong tugon ni Archie.

"Nasisiraan ka na ba ng ulo! Ba't naisipan mong magpulis. Ilalagay mo sa hukay yang isang paa mo!" Kunot noong tugon ni Tiffen.

"Wala lang para may trill!"

"Sira ulo ka talaga!"

"Ayaw mo nun may kaibigan kang Coronel Archella Michaela Marcela! at ako naman may kaibigang Chef Tiffen James De Vera! Nakanang!"

Napangisi si Tiffen sa sinabi ng dalagita.

"Wow! Ambisyosa! Coronel agad! Alam na ba yan nina tita?Panigurado hindi ka papayagan nyan!"

"Hindi! Sa isang taon pa naman yun eh! Last na pagiging classmate natin kaya pakopyahin mo na ako! Hehe!"

Biglang kunot noo ulit tumingin si Tiffen sa kaibigan.
"Manigas ka dyan. Gawin mong mag-isa yung assignment mo! Kung gusto mong ituloy yang binabalak mo ngayon pa lang masanay ka na wala ako!" At umuna na sya sa paglalakad kay Archie.

"Uy! Teka teka nagbibiro lang ako!" Nagbibiro lang ang dalaga sa sinabi nya. Sa totoo lang hindi naman talaga sya magpupulis. Dun pa rin sya papasok kung nasan ang kaibigan.

*********

My Lesbian Bestfriend Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon