Nakipagkita si Archie kina Tine. Nangako kasi sya dito na makipapagkita sya dito kasi hindi nya masyado nakausap nya ang mga dating kaibigan noong nagdaan reunion nila at para malimutan nya na rin ang sakit nararamdaman.
"Hi! Guys late na ba ako!" Tugon naman ni Archie sa mga kaibigan nya.
Tiningnan naman ulit ni Tine mula ulo hanggang paa ang dating maangas na kaibigan. Nakasuot ito ng white long sleeves, maiksing short na maong at nakasuot na sapatos na white sneaker. Nakapusod ang mga buhok nito at may manipis na make-up."Huh! Iba ka na talaga Archie!" Manghang mangha sabi ni Tine.
"Dati maganda ka na kahit buhok mo katulad nung kay Tiffen ngayon lalo ka pang gumanda! Hmm! Punta kaya ako ng Japan baka sakaling may pag-asa pa akong gumanda!" Tugon naman ni Pearl.
"Si Archie natural na yan ikaw Bello kailangan mo!" Pabirong sabi naman ni Rich.
"Ikaw kahit kelan ka talaga!Yung totoo! Kaibigan ba talaga kita ha!" Ngusong nguso sabi ni Pearl.
"Wow! Pats laki na nyan ah! Pahawak nga! Hi! Baby ako Tita Archie mo!" Ngiting ngiti sabi ni Archie kay Pats.
"Hoy! Ninang ka neto ha!" Tugon naman ni Pats kay Archie.
"Oo naman! Aalokin ko pa man din yung sarili ko eh! Inunahan mo na ako! I never believe it na kayo pala ang magkakatuluyan ni Max. Ikaw Max ha! Dati aayaw ka dyan kay Pats dyan din pala ang tuloy mo!" Ngising ngisi sabi ni Archie.
"Ikaw din Archie! I never believe it na magkakaganyan ka! Dati sisiga siga ka at ngayon tingnan mo nga naman nakakita ka lang ng gwapong boyfriend nagkaganyan ka na!" Ngiting sabi ni Max.
"Boyish lang ako noon! Hindi ako lesbian! Babae din ako noh! Tumitingin sa gwapo!" Ngusong nguso tugon ni Archie.
"Tsk! Bakit ngayon mo lang sinabi sana niligawan na kita pa noon pa!" Pambirong tugon naman ni Jello at nabato naman ito ni Archie ng tissue.
"May asawa't anak ka na landi mo pa rin" ang sabi ni Archie kay Jello.
"Huh! Speaking yung boyfriend mo Archie bakit hindi mo isinama?" Tugon naman ni Tine.
"Buti nga hindi sinama ni Archie! Lalandiin mo lang naman yun eh!" Pabirong sabi ni Pats.
"Tiffen Pre! Buti nakarating ka! Buti naisama mo si Mitch!" Ang biglang nagsalitang si Max na sumulpot sina Tiffen at Mitch. Ngumiti naman ng pilit si Archie kay Mitch at umupo ito sa tabi nya.
"Hi! Archie!" Masayang bati naman ni Mitch kay Archie.
"Hi!" Matipid na bati ni Archie. Hindi nya inaasahan na pupunta rin pala dito ang kaibigan. Gusto nyang tumakas ulit na makita ang dalawa pero hindi nya magawa dahilan na baka mahalata na sya na umiiwas na sya dito kaya kailangan nyang tiisin ang sakit na nararamdaman.
"Ngayon lang ulit tayo nagkita kita palalagpasin ko pa ba ito. Saka ngayon lang umuwi to bestfriend ko! Hindi pa ba ako pupunta." Tugon naman ni Tiffen.
Umiwas ng Tingin si Archie dito at bigla na lang napako ang tingin nya sa batang babae na halos nasa tatlong taong gulang. Napatayo sya bigla na makita ang batang nadapa at agad syang pumunta dito at tinulungang tumayo. Agad naman sumugod ang mga magulang nito na makita nadapang anak.
"Naku! Thank you po ha! Masyado po kasing malikot tong anak namin!" Ang sabi naman ng ina ng bata.
"It's ok! Ganyan talaga ang mga bata!" Nakangiting sabi ni Archie. Nang tingnan ni Archie ang ina ng bata ay pareho silang nanlaki ang mata pati ang asawa nito.
BINABASA MO ANG
My Lesbian Bestfriend Part 1
RomanceI want you, I like you and I love you. Paano ko sasabihin sa kanya ang lahat ng to if she is my one and only my bestfriend at ang masaklap pa she is a LESBIAN.