Chapter 24

166 6 0
                                    

Pagdating nila sa garden ay napansin agad nila ang nakatalikod na nakaamerikana ang suot. Ahit na ahit ang batok nito at nakamulsa. Pansin nila ang malapad na balikat na animo'y isang lalake.

Napangisi naman si Max dahil iniexpect nya na ganito ang makikita nila.

"Tsk... Tsk... Tsk!! Nakakainsecure talaga tong si Archie kahit kailan. Ang ganda ng katawan kaysa atin oh!" Ang sabi ni Max. Si Tiffen naman ay walang reaksyon dahil inaasahan na nya ito.

"Archie!" Tawag ni Tine. Pero hindi ito lumilingon.

"Archie!" Tawag ulit ni Tine pero hindi ulit ito lumilingon.

"Huh! Bingi ba tong si Archie!" Ngusong nguso sabi ni Tine kaya nilapitan nya ito at kinulbit.

"Archie!" Sabi ulit ni Tine at napalingon naman ito. Pero laking gulat nila na hindi si Archie ito kundi si John. Napasapo sa noo si Tine dahil sa pagkahiya. Na may biglang may nagsalita mula sa likuran nila na napakalambing at nakapaseksing boses ang narinig nila.

"Tine ako ba yung tinatawag mo!" Ang sabi nito at agad agad silang lumingon. Sa paglingon nila ay nanlaki ang mga mata nila sa nakita. Tiningnan nila ito ng nakanganga mula ulo hanggang paa. Hindi nila inaasahang ito ang makikita nila na akala ay isang barako ang makikita pero isang napakagandang at napakamarikit na binibini pala ang masasaksihan nila.

 Hindi nila inaasahang ito ang makikita nila na akala ay isang barako ang makikita pero isang napakagandang at napakamarikit na binibini pala ang masasaksihan nila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Archie!" Sabay sabay nilang sabi. Ngumiti naman ng matamis ang dalaga at tumango tango. Manghang mangha sila ng makita ang dalaga. Nakasuot ito ng white dress na hanggang kalahati ng hita ang haba at ng Dahil doon ay kitang kita ang mahahaba at makinis na hita ng dalaga. Mahaba na ang mga buhok nito. Mamula mula ang kulay at nakakulot ang mga laylayan nito. Pansin din nila ang manipis na make-up nito na lalong ikinaganda ng dalaga. At nakasuot ng white sandal na may 4 inc. ang taas ng takong. At lalo napanganga sila sa pagtindig nito na animo'y isang modelo.

"Hoh! My Mother Earth Archie who destroy you?" Nakangangang sabi ni Tine.

"Sinong masamang nilalang ang muwasak sa pagkatao mo Archie?" Manghang mangha sabi naman ni Pats.

"Sya!" Turo naman ni Archie sa parating na gwapong binata.

"Han, we need to go!" Ang sabi nito. Ikinawit ni Archie ang braso nya sa braso ng binata.

"Guys! Meet Alejandro my boyfriend!" Pakilala ni Archie. Lalong napanganga ang mga dating kaibigan. Tinitigan nila ang gwapong binata. Singkit ang mga mata nito. Matangos ang ilong, malantik ang mga pilik, mamula mula ang mga labi , makinis ang balat at musculine ang katawan."Holy mother earth! San mo nakuha ganitong kagwapong nilalang Archie!" Sabi sa isip ni Tine.

"Guys! Sorry mukang kailangan naming umalis eh! Next time kita kita tayo guys ah! Malambing na sabi ni Archie at sa pagtalikod nito hinawi nya ang mahaba nyang buhok papunta sa unahan at dahil doon ay lalong napanganga ng husto ang mga dating kaibigan ni Archie. Hindi nila inaasahan na nakabackless pala ang suot ng dalaga dahilan na makita nila ang maganda at makinis na likod ni Archie. At halos tumulo ang laway nila ng makita nila na nakapit ang kamay ng nobyo sa likod at dahan dahan gumagapang ang mga ito patungo sa maliit na baywang ng dalaga.

 At halos tumulo ang laway nila ng makita nila na nakapit ang kamay ng nobyo sa likod at dahan dahan gumagapang ang mga ito patungo sa maliit na baywang ng dalaga

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagkaalis nina Archie ay kumuha ng tatlong tissue si Tine at ibinigay sa tatlong lalake. Nakanganga naman tiningnan ng tatlo si Tine.

"Tissue tulo laway nyo eh!"

**********

My Lesbian Bestfriend Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon