Masaya si Archie na hinamon sya ng kaibigan.
"Wag kang iiyak ha! Pag natalo ka!" Nakangising sabi ni Archie kay Tiffen.
Napangisi naman din si Tiffen dahil ang nakikita nya na ngayon ay ang dating Archie.
Hindi makapuntos si Tiffen sa laro nila. Dahil sa tuwing napapapunta sa kanya ang bola ay napapatingin ito sa magandang mukha ng dalaga at binibigyan sya naman nito ng isang matamis na ngiti nito dahilan na madistract sya. Kapag alam ni Archie na nawawala na sa focus ang kaibigan ay agad agad nyang inagaw bola buhat dito at mabilis syang tumakbo sa ring. Hindi naman magawang habulin ni Tiffen si Archie dahil iwas sya na mahawakan ang kaibigan.
"Yes! Panalo ako! Ano ka ba ganyan ka na bang maglaro ngayon? Hindi ka man lang nakapuntos kahit isa ah!" Tuwang tuwa sabi ni Archie.
"Mahirap kang kalaro. Ang daya mo. Ginagamitan mo ako ng killer Smile. Nakita mo ba si Sakuragi sa Japan at itinuro nya yan sayo!" Tugon naman ni Tiffen habang pinupunas nya ang namumuo nyang pawis.
"Apektado ka naman sa killer smile ko!" Ngising ngising sabi ni Archie.
Natahimik si Tiffen dahil sa isang ngiti lang dalaga ay ang bilis nyang maapektuhan. Dahil basang basa na ang T shirt na suot ni Tiffen ay wala syang pag-aatubli ay hinubad nya ito kahit nasa harap ni Archie.
Nanlaki ang mga mata ni Archie sa biglaan na paghuhubad ni Tiffen sa kanyang pantaas sa harap nya. Napanganga sya na makita nya ang maskulado na pawis na pawis na katawan ni Tiffen. Napalunok sya na mapansin nya ang 6 packs ng kaibigan.
"Why? Ngayon ka lang ba nakakita ng nakahubad na lalake" ngising ngising sabi ni Tiffen biglang naman umiwas ng tingin si Archie.
"No! Mas maganda pa yung katawan ng boyfriend ko sayo!" Palusot na sabi ni Archie at dumaretcho sya sa isang bench at naupo. Napasimangot naman si Tiffen sa narinig dahilan na maalala na may kasintaan na pala ang kayang matagal na sinsinta.
Maya maya sumunod sya sa kaibigan at tumabi sa pagkakaupo nito.
"Pwede ba isuot mo yang damit mo!" Kunot noong sabi ni Archie.
"Ok fine! Napakaconservative mo naman!" Tugon naman ni Tiffen at isinuot nya nga ang kanyang damit. Tumahimik muna si Tiffen bago sya buong lakas ng loob na kausapin ang kaibigan.
"Archie! Galit ka pa ba sa akin?" Malumanay na tanong nito sa kaibigan. Natahimik naman si Archie sa tanong ni Tiffen. Bumuntong hininga ang dalaga bago magsalita.
"Kamusta na kayo ni Tiffany?"
"Matagal na kameng wala ni Tiffany simula ng mawala ka. Hiniwalayan ko na sya noong malaman ko ang buong katotohanan. Sising sisi ako noon dahil mas pinaniwalaan ko pa sya kaysa sa matalik kong kaibigan. I'm sorry Archie! I'm so sorry! Dahil sa katangahan ko nasaktan kita. At sana hindi pa huli ang lahat. Sana magbalik ulit tayo sa dati. I miss you so much! Miss ko na yung bestfriend ko eh!"
Napabuga sa hangin si Archie at tumingin sa kawalan.
"Minsan talaga kahit anong talino mo kapag dumating ang pag-ibig na yan ay nagiging kang tanga!" Tugon naman ni Archie. Lumingon sya sa kaibigan at binigyan nito ng isang ngiti.
"Ibig sabihin ba ng ngiting yan pinapatawad mo na ako!" Nakangiting sabi ni Tiffen at tumango tango naman si Archie.
"YES!" Malakas na pagkakasabi ni Tiffen at umeecho na buong gym.
"Promise hindi na muli mauulit yun. Grabe kang magtampo. 10 years bago ka maalo!" Tuwang tuwa sabi ni Tiffen.
Nakangiting tumingin ulit si Archie sa kawalan.
"Aside from Tiffany meron na bang ulit na iba?" Seryosong sabi ni Archie habang nakatingin sya sa kawalan. Tumahimik si Tiffen sa tanong ng kaibigan nag-isip muna sya ng sasabihin na ikakasal na sya.
Napalingon si Archie sa katabi dahil sa pananahimik nito.
"Bakit ata bigla ka natahimik may mali ba sa tanong ko? W........ Wait.... Don't tell me you a g..... gay?" Nanlalaking matang sabi ni Archie. Nagsalukbong naman bigla ang kilay ni Tiffen.
"No! Ginagantihan mo ba ako? Sa gwapong ito! Sa laki ng muscle ko at sa ganda ng abs ko! Bakla!" Nanggagalaiting tugon ni Tiffen.
"Wow ah! Gwapong gwapo sa sarili ang peg! Easy! Sobrang ka namang magreact!" Ngingiti ngiting sabi ni Archie.
"Bakit hindi ba? Halikan kita dyan eh!" Sabi naman ni Tiffen.
"Ows! Talaga! Sige nga!" Inilapit ni Archie ang kanyang mukha sa kaibigan. Pumikit ito at inihain ang kanyang mapang-akit na labi.
Napalunok si Tiffen sa ginawa ng kaibigan. Lumakas ang kabog ng dibdib nya ng inilapit sa kanya ang malaanghel na mukha ng dalaga at lalo pang tumindi ng matitigan nya ang mga mamula mulang labi ni Archie na tila hinihila na sya palapit sa dalaga. Napaatras ng kaunti si Tiffen habang nakapikit pa ang dalaga na baka marinig ni Archie ang lakas ng kabog ng dibdib nya. Ito na siguro ang pagkakataon na matagal nyang inaasam asam na mahalikan ang dalaga kaya hindi na sya nag-atubli at di na nagpapigil sa kanyang damdamin. Bigla na nyang inilapat na mariin ang kanyang mga labi sa labi ng kaibigan.
Napamulat si Archie sa ginawa ng kaibigan hindi sya makapaniwala na tinototoo ni Tiffen ang biro nya. Dilat na dilat sya at tikom ang kanyang mga labi habang si Tiffen ay nilalasap ang matamis na labi ni Archie. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ni Archie kaya bigla nyang itinulak ang kaibigan na baka maramdaman nito ang kabog ng dibdib nya.
Nanlalaki ang mga mata ni Archie na tinitigan ang kaibigan na mapansin nya na nakatayo pala dun sa likod ni Tiffen si Alejandro na seryosong na nakatitig sa kanila.
"A.......... Alejandro!" Nauutal na sabi ni Archie. Walang imik na nilisan ni Alejandro ang gym. Napatingin si Archie sa seryosong mukha ng kaibigan. Walang imik na tumayo si Archie at agad tumakbo sa labas ng gym para sundan ang nobyo.
Naiwan si Tiffen mag-isa sa gym. Napahawak sya sa kanyang noo hindi sya makapaniwala na nagpadala sya sa bugso ng kanyang damdamin. Hindi nya alam kung anong mukha ang ihaharap nya sa kaibigan. Kakaayos pa nya lamang ang dating nasirang pagkakaibigan pero bakit eto na naman sya naman ang dahilan kung bakit muli lalayo na naman sa kanya si Archie.
Minsan sa saglit na pagkawalay ng kaibigan sa kanya ay tila ay ikababaliw na nya. Paano kung tuluyan na itong lumayo at hindi na magpakita pa. Baka sarili nya'y ay tuluyang hindi na mahanap pa.
*********
BINABASA MO ANG
My Lesbian Bestfriend Part 1
RomanceI want you, I like you and I love you. Paano ko sasabihin sa kanya ang lahat ng to if she is my one and only my bestfriend at ang masaklap pa she is a LESBIAN.