Chapter 11

144 7 0
                                    

Patingin tingin si Tiffen sa upuan ni Archie dahil hindi pa to bumabalik simula ng recess. Nag-alala na ang binata kung ano na ang nangyari sa matalik na kaibigan. Simula na pumasok sya ay hindi na sya iniimikan ni Archie. Hindi nya alam kung nagtatampo sa kanya ang kaibigan dahil hindi nya sinabi ang tungkol sa kanila ni Tiffany o may kabalastugan naman tong ginawa. Hindi ito nakatiis kaya tinanong nya si Tine na nasa katabing upuan ni Archie dahil ito yung nakita kasama ng kaibigan nung magrecess.

"Tine asan si Archie?" Mahinang sabi nito dahil sa mga oras na yun ay nagdidiscuss na ang guro nila.

"Huh! Nasa clinic!" Tugon naman ni Tine.

"What! Anong nangyari sa kanya?" Malakas na pagkakasabi ni Tiffen. Napatayo to at dahil dun ay napatingin sa kanya ang kangyang mga kaekwela.

"Tiffen may problema ba?" Sabi ng guro nila.

"Ma'am! May I go to the clinic?" Tugon naman ni Tiffen na halatang alalang alala na sa kaibigan.

"Why? May masakit ba sayo?" Sabi naman ng guro.

"No ma'am. Puntahan ko lang po Archie. May nangyari po ata dun sa kaibigan ko."

"Ah! Don't worry Archie is Ok. Pinasamahan ko lang si Pats sa kanya dahil nadulas. Kaya sit down and focus to our lesson."
Napaubo naman sina Max, Jello, Pearl,Rich at Tine dahil paniwalang paniwala ang guro sa kasinungalingan ni Archie.

"Yes ma'am sorry po!" Nakahinga naman ng maluwag si Tiffen.

"Are you Ok?" Tanong naman ng nobya kay Tiffen at tumatango tango naman ito.

Napangiting aso naman itong si Max. "Huh! Pre magkatotoo ka!"

**********

Sa Clinic kampateng kapate na nakaupo si Archie sa tabi ni Pats. Nakahiga ito dahil nanakit nga ang balakang nito.

"Naku! Humanda talaga sa akin yung si Tine. Bubuhat buhatin ako tapos bigla na lang nya akong ibabagsak ng pagkalakas lakas." Nanggagalaiting sabi ni Pats.

"Ssssshhhh! Wag kang maingay baka mabwisto tayo! Patay tayo nito kay Ma'am Torres neto. Lalo na ako! Paktay ako neto. Dapat nga pasalamat ka pa kay Tine eh! Di ka nakapasok. Di ba ayaw pumasok dun sa room na yun. Ayan ginawa na ni Tine." Mahinang pagkakasabi ni Archie.

***********

My Lesbian Bestfriend Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon