Chapter 10

171 7 0
                                    

"Waaaahhh!!!!" Humahagulhol na iyak ni Tine. Magkasama sila ni Archie sa Canteen. Doon pinagpatuloy ni Archie ang pangongopkya.

"Waaaahhh!!! Bakit!!! Bakit hindi mo sinabi sa akin Archie! Ang sama sama mo!" Ang humahagulhol pa rin na iyak ni Tine habang niyuyog nya ang balikat ni Archie.

"Ano ba! Mamaya ka na magdrama! Patapusin mo muna yung pagsusulat ko pwede ba! Sabi ko sayo wala akong alam! Wala! Wala! Wala!" Giit naman ni Archie.

"Akala mo lang wala! Pero meron! Meron! Meron! Anong meron sya na wala ako ha! Sabihin mo! Sabihin mo! Sabihin mo!"

Naihampas ni Archie ang hawak nyang papel sa nagmukmok na si Tine.

"Aray ko naman Archie! Ang harsh mo ha! Nasasaktan na nga yung puso ko idadamay mo pa yung ulo ko! Waaahhh!aaahhh!!Tiffen my love!!!"

"Isa pa! Kapag hindi ka tumigil wala kang chicha dyan!" Nangagalaiting tugon ni Archie sa kaeskwela.

"Ok! Mabilis naman akong kausap! Ang tagal mo naman kasing magsulat!" At bumalik sa normal si Tine na parang walang nangyari.

"Paano ako mapapadali dito ay hindi ako makapagconcenrate sa pangongopya ko sa kakaatungol mo!"

"Bakit ako yung sinisisi mo? Ikaw ata yung hindi Ok dyan eh! Kanina pang naninigas yung mga kamay mo sa pagsusulat. Huh! Kunwari ka pa hindi apektado dyan! Yung totoo apektado ka rin noh!"

Napatigil si Archie sa pagsusulat. Binitawan nya ang hawak nyang ballpen at nagbilang sya sa daliri. Naningkit naman ang mga mata ni Tine.

"Anong ginagawa mo? Chinecheck mo ba yung sagot ko! Sabihin ko sayo tama yan!" Kunot noo nyang sabi kay Archie.

"Hindi binibilang ko kung ilang araw nangligaw si Tiffen!"

"Huh! Ilan?" Tanong ni Tine na sabik agad na malaman.

Napakunot ang noo ni Archie na mabilang kung ilang araw lang nanligaw ang matalik na kaibigan. Hindi nya akalain na sasagutin agad ito ni Tiffany. Ang buong akala nya na buwan o taon ang panliligaw ni Tiffen dahil sa kiming kiming ito kumilos at parang hindi makabasag pinggan kung titingnan mo.

"3 weeks! 3 weeks lang! Aba'y makate pa pala sa higad to ay!"

"Huh!!! Ang landi pala ng Tiffany nyan. Hindi man lang pinaabot ng isang buwan. Waaahhh! Tiffen!" Tugon naman ni Tine na bumalik ulit sa pag-eemote.

"Waaaahhh!!! Aaahhh!! Archie! Bakit? Bakit hindi mo hinadlangan si Tiffen kay Tiffany" sabi ni Pats na kaeskwela din nila na bigla na lang sumulpot sa tabi nila Tine. Nakatayo ito sa likod nila at kasama nito ang dalawang kaeskwela din nila na si Rich at Pearl na nag-eemote din dahil sa crush nilang si Tiffen. Napakunot ang noo ni Archie dahil sa itchura ng tatlo na akala mo may namatayan. Lalo na si Pats. Kung si Tine halos hindi na magkasya sa upuan nito dahil sa katabaan si Pats naman animo malilipad na ng hangin sa sobrang kapayatan. Umupo na ang mga ito sa tabi nila na patuloy sa pag-aatungol.

"Huh! Anong ginagawa nyo dito?" Tugon naman ni Tine sa tatlong bagong dating.

"Hindi na namin kaya magtagal sa loob ng room! Waaahhh!! Aaaahhh!" Maktol naman Pearl.

"Waaahhh!! Aaahhh! Para kameng paulit ulit na sinaksaksak na makita namin na ang kasweetan nina Tiffen at Tiffany!! Huh! Huh!" Hagulhol naman ni Rich.

My Lesbian Bestfriend Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon