Chapter 17

158 6 0
                                    

Wala sa mood si Tiffen na pumasok sa klase. Minsan tipid lang sya makipag-usap sa nobya.

"May sakit ka ba?" Pag-alalang tanong ni Tiffany kay Tiffen.

"Wala! Medyo masakit lang naman ang ulo ko!" Sagot naman ni Tiffen. Pasimple nyang tinitingnan ang kaibigan. Sa tuwing nakikita nya to ay kumukulo ang dugo nya naalala nya kasi na may kasama itong babae. Hindi nya lubusan maisip na natuluyan na to sa pagiging lesbian. Takot naman makapagtanong sina Jello at Max sa dalagita kung sino yung kasama nyang babae.

"Archie! Sinong date mo sa graduation ball natin?" Bigla tanong naman ni Tine.

"Asa ka naman na aattend yan!" Tugon naman ni Pats.

"Isama mo na lang yung chic...!" Hindi naituloy ni Max ang sasabihin dahil tinakpan ni Jello ang bibig nito.

"Anong sabi mo Max!?" Kunot noong sabi naman ni Archie.

"Wala! Wala!" Natatawang sabi ni Jello. Bumulong naman ito kay Max.

"Ano ka ba! Gusto mo bang mabangasan tayo ng mukha ha!" Bulong na sabi ni Jello.

"Hindi ko naman naituloy yung sinabi ko eh!" Tugon naman ni Max.
Naningkit ang mga mata ni Archie dahil para may pinag-uusapan ang dalawa na tungkol sa kanya. Bigla naman may naalala ang dalagita kina Jello at Max.

"Ako ba yung pinag-uusapan nyo? O yung magandang babae kasama ko kahapon? Wag na wag kayong magkakamaling pagtakaan yun ah! Girlfriend ng kaibigan ko yun! Uupakan ko kayo!" Pabulong na sabi ni Archie. Kahapon ay nagpatay malisya sya na hindi nya napansin ang tatlong kaibigan. Pagkatapos nyang magsalita ay bumalik na sya sa kanyang pwesto.

Natahimik naman sina Max at Jello dahil nahusgahan agad nila ang dalagita.

"Ikaw kasi judge metal agad eh. Kung ano ano yung iniisip mo!" Sisi ni Jello kay Max.

"Oo na sorry na!" Giit naman ni Max.

**********

Malapit na ang final kaya dibdiban ang pag-aaral si Archie minsan ay nababagot ito.Dahil sa mga ganitong pagkakataon sanay syang kasama ang kaibigan pero sa mga oras na ito ay hindi nya kasama si Tiffen. Hindi nya alam kung bakit hindi sya sinamahan ng matalik na kaibigan.

"Anong problema nun! Dito nga lang kame nagkakausap sa bahay. Ayaw pa nya akong samahan! Nagkagirlfriend ka lang nakalimutan mo na ako! Isumbong kaya kita kay Ninang na may girlfriend ka! Kainis!" Iritang irita sabi ni Archie sa sarili na biglang kumatok ang lola nya.

"Archie! Si Drex nandito. Hinahanap ka!" Sabi naman ng lola nya. Bigla naman nagliwanag ang mga mata ni Archie. Napaayos ito ng upo mula sa pagkakasubsob nito sa pagbabasa ng marinig nya nandito ang isa pang kaibigan.

"Buti pa si Drex na naalala nya ako!" Bumaba na si Archie mula sa kwarto nya.

"Archie! May laro yung barkada gusto mong sumama? Nandun din sina Shane at yung mga tropa nya. Sabi nya isama daw kita eh!" Yaya naman ni Drex.

Napag-ikot ikot ang mga mata ni Archie nag-iisip sya kung sasama o hindi dahil sa final exam na nila pero pagkakataon na nya ito na mapanood ang mga magagaling manlalarong katulad ni Drex.

My Lesbian Bestfriend Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon