Chapter 4

206 7 0
                                    

"Hoohh! Grabe ka Archie nakainsecure ka mas magaling ka pa magbasketball sa amin ah!" Tugon ni Max na pagod na pagod.

"Practice lang yan Bro!" Tugon naman ni Archie habang nasa free throw line at shinoshoot nya ang bola.

"Hey bro! Musta ano yung tingin mo kay Tiffany!" Ang sabi ni Jello kay Tiffen na nakaupo na.

"She's pretty!" Ang tugon ni Tiffen habang inaayos nya ang sintas ng kanyang sapatos.

"Woooooohhhh!!!! Ooohhh! Wala na tayo pre! Mukang type ni Tiffen eh! Ang sigaw naman ng mga kasamahan nila habang si Archie ay tahimik na nagshoshoot ng bola.

"Ikaw Archie ano masasabi mo kay Tiffany?" Tanong naman ng isa nilang kasamahan.

"Kung ako lalake ligawan ko yun eh! Pero mukang hindi ata pumapatol sa kapwa nyang babae!" Ang pabirong tugon naman ni Archie pero napakunot naman ng noo si Tiffen sa sinabi ng kaibigan.

Naghiyawan naman ulit ang mga kasamahan sa sinabi ni Archie.
"Wooohhh! Mukang magkaribal pa ang magkaibigan kambal ah!"

"Archie! Lets go! Uwi na tayo!" Sigaw naman ni Tiffen sa kaibigan.

"Una ka na! Nag-eenjoy pa ako eh!"

"May quiz pa tayo bukas! Bahala ka dyan wag kang magtatanong sa akin mamaya!" Tugon ni Tiffen. Tumayo na to at tuluyan ng lumabas sa gym.

"Haisssstt!!!! Uy!!!! Wait lang hintayin mo ako!" Ani ni Archie. Binagsak nya ng malakas ang bola at tumakbo na palabas para habulin ang kaibigan.

"Ibang klase talaga tong magkaibigan to. Parang nilagyan ng mighty bond hindi mapaghiwalay. Kung hindi lang babara barako tong si Archie isipin ko may something to dalawang to eh !" Ngingisi ngisi tugon ni Max.

Tinapik naman ni Jello sa balikat si Max. "Oo tama ka dyan pre! Kung nagpakababae talaga yang si Archie ligawan ko yan. Tsk!!! Tsk!!! Sayang ang ganda pa naman!"

Napatingin si Max kay Jello. "Panigurado may World War II magaganap kung narinig ka Tiffen. Daig pa tatay kung makaoverprotective dyan kay Archie. Di nga Pre! Type mo?"

Napangisi naman tong si Jello. "Oo pre! Pero mukang Tiffany yung type eh!!"

Napatawa naman tong si Max. "Hahaha! Goodluck na lang sayo!" Maski tong si Max nakikita nya ang tinatagong taglay na kagandahan ni Archie. "Kung nag-aayos lang tong si Archie kahit kaunti sigurado campus crush din ito sa school nila. Wala eh! Mukang lesbian pa ata ang mokong!!! Tsk!!! Tsk!!!" Sa isip isip ng binata.

*********

"Hoy!!! Archie gising alas onse na uwi ka na matutulog na ako! Uy!" Yugyog yugyog ni Tiffen ang balikat ni Archie na nakatulog na sa kama nya. Nakatulog na ang dalagita dahil sa pag-aaral.

"Uuuummm!!! Ano ba dito na ako matutulog. Bukas na ako uuwi!" Pikit matang tugon ni Archie. Ganun pa man hindi na nag-aalala ang lolo't lola ni Archie kapag hindi ito umuuwi ng gabi dahil alam nila na kay nina Tiffen lang ito at nasa katapat bahay lang nila ito. Alam nila na parang magkapatid na ang dalawa kaya wala silang pangamba kung matulog ang apo sa kaibigan.

Napasapo sa noo si Tiffen. Hindi nya na mapaalis ang kaibigan. Kinuha nya ang isang unan at lumabas sa kwarto nya para pumunta sa kwarto ng Kuya Tyller nya.

********

Maagang nagising si Archie. Nasa hagdan palang sya naaamoy na nya ang niluluto ng Ninang Sandy nya. Isang Chef kasi ang mommy ni Tiffen. Meron silang isang restaurant na pagmamay-ari nila kaya nahiligan na rin Tiffen ang pagluluto.

"Uumm!!! Wow! Ninang ang sarap nyan ah!" Nagitla ang ginang sa biglang pagsulpot ni Archie sa likod nya.

"Ay! Dyos ko! Kalabaw ka! Ano ka ba naman bata ka bigla bigla na lang sumusulpot!"

"Hehehe nasarapan po kasi ako ng tulog kagabi tinamad na po ako umuwi!"

"Ay sya hanika na kumain ka na dito! Luto na rin itong niluluto ko!"

"Ay hindi na po Ninang baka nagluluto na rin po si lola. Penge na lang po. Hehehe mukang masarap eh!"

Kusa ng kumuha si Archie ng plato at kumuha ng kaunti sa niluto ng kanyang Ninang.

"Bye! Ninang salamat dito ah!" Ngingisi ngisi ang ginang ng lumabas ang dalagita. Hindi na iba sa kanila si Archie. Bagamat wala syang anak na babae ay itinuturing na nyang anak ang kanyang inaanak. Isinasama nya ito sa mga salon pero hindi nya ito mahila.

*********

My Lesbian Bestfriend Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon