Chapter 16

162 6 0
                                    

"Huh! Pumasok na si Rapunzel! Yung buhok maapakan nyo. Upakan kayo nyan!" Pabirong sabi ni Tine kay Archie. Nakutusan naman agad ito ni Archie .

"Anong Rapunzel na pinagsasabi mo dyan!" Ang tugon ni Archie at Pabulagsak na umupo sa kanyang upuan.

"Aray! Ang harsh mo talaga!" Giit naman ni Tine.

"Ang haba kasi ng hair mo. Biro mo pinag-agawan ka ng dalawang gwapong nilalang. Hoh! My God! Ikaw na Archie!" Ang kinikilig na sabi ni Rich. Sa mga oras na yun kararating lang nina Tiffen at Tiffany at saktong narinig yun ni Tiffany. Tumingin itong masama kay Tiffen at patay malisya naman umiwas ng tingin sa nobya si Tiffen.

Pinagkalupungpungan naman si Archie ng kanyang mga babaeng classmate.

"Archie sama mo naman kame sa mga lakad mo kapag kasama mo yung gwapo mong kaibigan." Sabi ng mga kaeskwela nyang babae.

"Haisst mga hitad!" Sa isip isip ni Archie.

********

Nag-iisang naglalaro si Archie sa gym na biglang may tumawag sa kanya.

"Archie!" Masiglang masigla tawag ni Drex. Lumapit ito at bigla itong niyakap.

"Thank you! Dahil sayo nakabawi ako sa girlfriend ko! Hindi ko alam may pagkaromantic din palang laman yang utak mo!" Masayang masaya sabi ni Drex.

"Napanood ko lang yun sa mga movies! Anong sabi ng girlfriend mo?" Tugon naman ni Archie.

"Gusto ko nyang makilala. Kasi sabi ko ikaw yung nag-arrange ng flowers na binigay ko sa kanya. Tapos ikaw rin yung pumili ng song na kinanta ko habang enjoy na enjoy syang pinagmamasdan ang sunset."

"Pinitas ko lang yun sa garden ni Lola eh! May utang ka sa akin ha!" Ang sabi ni Archie habang shishoot nya ang bola.

"Birthday ng girlfriend ko sa makalawa. Punta ka ha!" Yaya naman ni Drex.

"Ikaw ba yung may birthday at ikaw yung nag-iinvite. Ayoko!"

"Sabi nya isama kita. Gusto ka nya ngang makilala di ba!"

"Ayoko!" Matigas na sabi ni Archie.

"Hay! Ang KJ mo naman! Sige na!" Pamimilit ni Drex.

"Ayoko nga!"

"Sige na please!"

"Ayoko!"

"Please!"

"Sayo na tong bola ko!"

"Ayoko!"

"Rubber shoes ko!"

"Ayoko!"

"Yung watch ko!"

"Sige tara!"

Napatingin si Drex sa suot nyang relo. Halos manlumo sya na mapansin nya na yung pinakapaborito pala ang suot nya. " Haisst naisahan ako neto ah! " wala syang nagawa kundi ibigay yung kay Archie. Ngiting ngiti naman si Archie na tinanggap yung relo.

"Huh! Yaman mo! Rolex pinamimigay mo!" Isinuot ni Archie ang relo at pinagmasdan ng mabuti pagkatapos tinanggal nya ulit.

"Oh!" Ibinigay ulit ni Archie ang relo kay Drex.

"Bakit binibigay mo ulit sa akin? Alam mo yan yung pinakafavorite ko. Tapos tinatanggihan mo!"

My Lesbian Bestfriend Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon