Chapter 19

145 6 0
                                    

Inat na inat si Archie pagkatapos ng Final exam nila.

"Finally natapos na rin ang exam natin! Huh! Makakapagrelax na rin ako sa wakas!" Tuwang tuwa sabi ni Archie.

"Tara basketball na tayo!" Yaya naman ni Max.

"Ayoko! Matutulog ako! Nagpuyat kaya ako sa pag-aaral!" Tanggi naman ni Archie.

"Wooh! Ikaw ba yan Archie? Nagpakapuyat sa pag-aral!" Sambit naman ni Tine.

"Syempre! Last exam na to eh! Uwi na ko bye!" Tugon naman ni Archie at nagpaalam na rin sya sa kaibigan pero walang imik naman na tinitigan lang ni Tiffen si Archie.

**********

Sarap na sarap si Archie sa paghiga sa kanyang kama na bigla naman may nagbukas sa kanyang pinto.

"Archie laro tayo!" Seryosong sabi ni Tiffen sa kaibigan habang hawak hawak nya ang bola ng basketball.

"Haissst! Kita mo naman ang sarap sarap ng higa ko di ba! Ikaw na lang. Magpapahinga na ako!" Kunot noong tugon ni Archie sabay takip ng unan sa mukha nya. Tinanggal naman ni Tiffen ang unan na nakatakip  sa mukha ng kaibigan at sapilitang hinila palabas ng kwarto.

"Teka anong problema mo ha!" Galit na tono na sabi ni Archie.

"Sabi ko laro tayo!"

"Haisst! Hindi ka ba makakapaglarong mag-isa!"

"Tara!" Ang sabi ni Tiffen.

Hindi maintindihan ni Archie ang kinikilos ng kaibigan na biglang pumasok sa isip nya ang nobya nito. Pumasok sa isip nya na baka nakipaghiwalay na si Tiffany kay Tiffen na kaya siguro ganito ang kinikilos nito.

"Wait lang magbibihis lang ako!" Malumanay na sabi ni Archie dahil sa mga oras na to ay kailangan sya ng kaibigan. Dadamayan nya to ano mang pinagdadaanan nito.

.
.
.

Tahimik naglalaro si Tiffen habang si Archie ay pinagmamasdan lang kaibigan. Hinayaan na lang ni Archie na maglaro itong mag-isa at ilabas ang sama ng loob sa paglalaro at sa oras na maging maayos na ito ay saka nya kakausapin ang kaibigan.

"Are you steal my girl?"Seryosong sabi ni Tiffen habang nakatuon ang tingin sa bolang ishinoshoot sa ring.

Nanlaki ang mga mata ni Archie dahil hindi nya makuha kung anong ibig ipahiwatig ng tanong sa kanya ng kaibigan.

"Ano! Hindi kita maitindihan!" Nagtatakang sabi ni Archie.

"I said are you steal my girl?!" Matigas na pagkakasabi ni Tiffen.

"A.... Ano?" Tugon ni Archie na naningkit ang mga mata.

"You are my bestfriend in my whole life!(sabay nyang itinapon ang malakas ang bola) wag ka ng magmaangmangan na hindi mo alam ang sinasabi ko. Sinabi sa akin ni Tiffany na nagtapat ka sa kanya at sinabi mong layuan nya ako. It's b*llsh*t! How dare you! Paano mo nagawa sa akin to ah! Your a trator. Traydor ka Archie! Wag mong sulutin ang girlfriend ng bestfriend mo dalhin hindi yun pumapatol sa isang LESBIAN na katulad mo!" Galit na galit na sabi ni Tiffen at dinuro duro nya ito habang nagsasalita.

Hindi nakakilos sa kinatatayuan si Archie pagkatapos marinig lahat ng masasamang sinabi kanya ni Tiffen
Hindi sya makapaniwala ayun pala ang tingin sa kanya na itinuturing na matalik na kaibigan.

"L...... Lesbian!" Nanginginig na sabi ni Archie. Napangiwi ito at muling itong nagsalita.

"Kilala mo ako tiffen sa buong tanan ng buhay natin tayo ang magkasama. Pero agad kang naniwala sa babaeng minsan mo lang nakilala. My god! (Napahilamos ng mukha si Archie) kung mas pinipili mong masaktan go! Pumunta ka na dun hitad mong girlfriend. You are my bestfriend in my whole life Tiffen, my brother, my twin and my family. Pero ang tingin pala sa akin ng bestfriend ko. Traydor, mang-aagaw ,

TOMBOY"  sa pagkasabi ni Archie ay hindi nya napigilan mapaiyak iniwan nya ang kaibigan na hindi kumikibo sa kinatatayuan dahil Labis syang nasaktan sa mga sinabi nito.

"A..... Archie!" Nauutal na sabi ni Tiffen. Napansin nya ang mga luhang dumaloy sa mukha ng matalik na kaibigan. Napasabunot sya sa kanyang buhok. Nagsisisi sya kung bakit agad syang nagpadala sa kanyang matinding galit at dahil dun nasaktan nya ang kaibigan.

.
.
.

Nasa loob ng kwarto si Archie at tahimik syang nakatayo sa harap ng salamin. Pinagmamasdan nyang mabuti ang kanyang sarili. Ang kanyang buhok, ang kanyang kasuotan ang matitigas nyang palad. Sa pagkatitig nya ng matagal sarili ay bigla syang napangiwi. Lumabas sya ng kwarto at bumaba patungong sa kinalalagyan ng telepono.

"Hello! Pa, payag na po ako!"

Pagkatapos nyang makausap ang ama ay mahinahon syang bumalik sa kwarto nya at muling tumitig sa salamin.

"Ten years Tiffen. Wait me for ten years. Tingnan natin kung matatawag mo pa akong lesbian."

************

My Lesbian Bestfriend Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon