Chapter 3

223 7 0
                                    

Ngusong nguso pumasok si Archie sa klase. Pinanindigan talaga ni Tiffen na hindi pakopyahin ang kaibigan.

Napangisi naman si Tiffen sa nakitang itchura ng kaibigan.

"Galit ka sa akin?" Tanong nito kay Archie.

"Damot mo!" Ngusong nguso sabi ni Archie. Napatawa naman tong si Tiffen na mukang nang aasar pa.

Lumapit si Max isa sa mga classmate nila at tropa rin nila ni Tiffen.
"Hey! Bro basketball tayo mamaya ha!"

Nawala bigla ang pagkabusangot ng muka ni Archie.
"Max ano sabi mo basketball tayo mamaya? Oo sige tara!" Ngising ngisi sabi nito.

Nagsalubong  naman ang dalawang kilay ni Tiffen.
"Ako hindi ikaw!"

Napanguso ulit naman si Archie at tumingin ito kay Max
"Max sama ako ha!"

"Kelan ka ba hindi nawala sa tropa ha!"

"Oh! Narinig mo kasama ako!" Ang sabi nito kay Tiffen na bigla na dumating ang teacher nila na may kasunod itong isang estudyante. Nagsiayos ng ang mga estudyante at natulala sila sa estudyante na nakatayo sa unahan.

"Class may bago kayong classmate. Transferee sya. Sya si Tiffany Paris Rivera she is from Marville High School."

"Hi! Nice to meet you guys!"

Narinig ni Archie ang mga bulungan ng mga classmate nya.

"Sh*t ang ganda nya."

"Woohh! There have a new angel of my eyes!"

"Wow! My apple of the eye!"

Nagsalubong ang kilay ni Archie na napatingin sya kay Tiffen. "Ssssshhh mukang nastarstruck din ata ang mokong! Ngayon lang ba sila nakakita ng mukang tao!" Sabi nito sa isipan. Napatitig din sya sa dalaga. "Oo na maganda na sya!" At pinaupo si Tiffany sa tabi ni Tiffen.

"Huh!!!!" Tugon ng mga classmate nilang babae dahil campus heartrob si Tiffen hindi nila mapigilan ang magselos dahil maganda tong si Tiffany at babaeng kumilos.

"Wala na!!"

"Paktay na!" Tugon ng mga babae sa loob ng room pero may ibang kinilig nung magtabi sila ni Tiffen.

"Uy! Bagay sila. Tiffany at Tiffen!"

"Pangalan pa lang similar na!"

"Hi! I'm Tiffen!" Hinain ni Tiffen ang kamay nya kay Tiffany ng umupo na ang dalaga sa tabi nya.

"Tiffany!" Nakangiting nakipagkamay din ang dalaga. Habang si Archie ay napanganga sa ginawa ng binata. Ngayon lang nya nakita ang kaibigan nakipagkilala sa babae. Malimit kasi mga babae ang unang nakipagkilala dito.

"Archie!" Nakipagkilala na rin sya sa bagong nya nilang kaklase. Napatingin si Tiffen kay Archie at dinilaan lang naman to ni Archie.

********

My Lesbian Bestfriend Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon