Hinabol ni Archie si Alejandro. Hinanap nya to at napansin nya nasa katabing park lang ito ng gym. Lumapit si Archie sa nakatalikod sa kanyang si Alejandro.
"Alejandro!" Tawag ni Archie.
Unti unti naman humarap sa kanya si Alejandro na bigla na itong nagtatalon at nagtitili.
"Ano! Girl! Best Actress na ako di ba!" Pagewang gewang na sabi ni Alejandro. Napasapo sa noo si Archie sa inasal ni Alejandro.
"Hoy! Ano ka ba ayusin mo yang sarili mo! Makita ka ni Tiffen na ganyan masabi pa nya kina Mama ganyan ang kinikilos mo! Paktay ka! Baka mapasugod pa yung tatay mo dito at hilahin ka nya pabalik na ng Japan o kaya sa ospital ang tungo mo! Sige ka!" Tugon naman ni Archie. Nagkakilala sina Archie at Alejandro sa School sa Japan na pinag-aralan nila. Bagamat pareho silang filipino ay mabilis silang naging magkaibigan. Pareho silang Animator sa Japan kaya lalo naging malapit sila at kaya lahat ng tinatago nilang problema ay sinasabi nila sa isa't isa. Si Archie lang ang may alam na tinatagong lihim na kabaklaan ni Alejandro. Hindi ito alam ng mga magulang ng binata. Hindi magawang sabihin ni Alejandro sa mga magulang lalong lalo na sa ama ang tungkol sa totoong pagkatao nya dahil nag-iisa lang syang lalake sa pamilya at sya inaasahan na magdadala ng apelyedo ng kanyang pamilya. Matagal na syang hinahanapan ng ama ng girlfriend. Kaya pinakiusapan nya si Archie na magpanggap na girlfriend nya at iharap sa mga magulang nya para matigil na ang pagreto reto sa kanya at bago mabuko ang tinatagong lihim. Pumayag naman si Archie sa pakiusap ng kaibigan pero hindi sya kumbinsado sa ginawa nilang pagkukunwari alam nya na lalabas at labas na din ang buong katotoohan pero hangad nya ngayon ay matulungan ang kaibigan alam nya na nahihirapan ito dahil sa sitwasyon nito at lingid pa dito ay pabor din ito sa kanya para maiwasan ang din ang mga lalakeng umaali aligid sa kanya.
"Ano ka ba girl! Sumunod nga ako dito sayo Pinas eh! Para malaya ako makagalaw tapos pipigilan mo ako! Tagalan mo dito sa Pinas ha! Para may dahilan ulit ako ha! Hehehe!" Malambot na sabi ni Alejandro.
"Bakit ba hindi mo na sabihin talaga ang totoo! Para hindi ka na nahihirapan ka ng ganyan! Lumalaki na yung kasalanan ko dahil sayo eh!" Nakacross arm na tugon ni Archie.
"Girl! Gusto mo bang mapabilis yung buhay ko ha! At ano naman kung makita ako ng bestfriend mo wala ka bang tiwala sa kanya ha!" Natahimik bigla si Alejandro at biglang nanlaki ang mga mata na maalala nya ang nakita kanina.
"Hoy girl! Ano yung ibig sabihin ng nakita ko kanina ha! Hindi lang basta kiss yung nakita ko tumagal kaya ng 45 seconds yun! Oh! My gosh kayo na ba? Kaya ba pinagsasalita mo na ako sa parents ko! Girl taksil ka alam mo naman masasaktan ako dahil alam mo naman mahal ko na mahal ko na yang bestfriend mo eh!"
Nabatukan ng malakas ni Archie si Alejandro.
"No! Bestfriend ko yun! Sira ulo ka saglit mo lang nakita mahal mo na! Gagung yun hindi ko naman alam na papatulan nya yung biro ko eh!"
"Love at first sight nga di ba! Ano bang yung biro mo girl at bigla ka nyang hinalikan."
"Sinabihan ko syang bakla!"
"What" malakas na pagkakasabi ni Alejandro.
"Yung ganung kagwapo at napakamachong Papah sinabihan mong bakla! Sino bang makapagsasabing bakla yun! Ikaw lang ata girl eh!" Tugon ulit ni Alejandro.
"Bakit ikaw sino makapagsasabing bakla ka ha! Tingnan mo nga yang sarili mo! Mas malaki pa yung muscle mo kay Tiffen eh!"
"Hoy! Girl naging ganito lang ako dahil sinasama ako ng tatay ko dun sa gym! Pero infairness pagkaanvantage din yung pagsama ko dun sa tatay ko. Madaming mga Papah ang nasisilayan ko dun! Naku! Pag nawala talaga yung ama ko! Mas seksi pa ako sayo! Abangan mo yan girl!"
"Hoy! Ano ka ba maghulos dili ka nga sa pagsasalita mo!" Nanlalaking mga mata ni Archie.
"Lord patawarin nyo po yung kaibigan ko sapagkat hindi nya po alam ang ginagawa nya. Amen!" Sabay cross sign ni Archie. Nagsalubong naman ang dalwang kilay ni Alejandro.
"Wow! Girl bait mo ah!"
"Syempre tatay mo pa rin yun!"
"Joke lang naman yun girl eh! Mahal ko pa rin yung tatay ko kaya eto nga ako nagtitiis itago yung pagkatao ko para sa kanya. Baka masaktan yun malaman nya na isang magandang sirena at uniko iho nya!"
May humaplos naman sa puso ni Archie sa sinabi ng kaibigan. Medyo na awa sya kay Alejandro dahil handang itong magtiis alang alang sa ama.
"Teka lang girl! Alam mo habang pinagmamasdan ko kayo kanina ng bestfriend mo! Yung kiss kasi sayo ni Tiffen parang may something eh! Tapos ikaw naman dilat na dilat. Naku naman girl sana pumikit ka naman para may konting romantic di ba!"
Nakutusan ulit ni Archie si Alejandro dahil pinaalala naman nito ang nangyari kanina.
"Ouch! Girl ha! Nakakailan ka na! Porket hindi ka na virgin ang harsh mo na sa akin!"
Babatukan na sana ito ulit ni Archie pero umilag na ito.
"I mean girl! Hindi na virgin yung lips mo! Mantakin mo girl yung bestfriend mo pala ang makakakuha ng virginity ng lips mo!" Ngising ngisi sabi ulit ni Alejandro.
"Bwisit ka!" Tuluyang napikon si Archie sa kaibigan at naglakad na ito palayo kay Alejandro.
"Hoy! Girl! San ka pupunta?Wag mo akong iwanan dito!"
"Bahala ka sa buhay mo! Tatawagan ko yung tatay mo at ipasusundo na kita!"
"Teka! Teka! Girl ikaw talaga hindi ka na mabiro!" Kekembot kembot na tumakbo na sumunod si Alejandro sa napikong kaibigan.
**********
BINABASA MO ANG
My Lesbian Bestfriend Part 1
RomanceI want you, I like you and I love you. Paano ko sasabihin sa kanya ang lahat ng to if she is my one and only my bestfriend at ang masaklap pa she is a LESBIAN.