Chapter 31

144 7 0
                                    

Hindi mapakali si Tiffen sa labas ng ladies room kasi hindi pa lumalabas ang dalawang babae na importante sa buhay nya. Sinundan nya ito kanina.

"Huh! Tiffen hindi pa ba lumalabas ang dalawa?" Biglang sulpot ni Tine sa likod ni Tiffen dahil nag-alala na rin ito kay Archie.

"Hindi pa eh!" Tugon naman ni Tiffen.

"Huh! Ang dami nya kasing ininom hindi naman pala sya sanay! May pagka eng eng talaga yang kaibigan mo! Pasokin ko na ha!" Ang sabi naman ni Tine.

"Pasokin mo na nga!" Tugon naman ni Tiffen.

Papasok na sana si Tine ay biglang labas naman ng dalawa.

"Huh! Archie! Ano Ok ka na?" Pag-alalang tanong ni Tine.

"What the hell are you thinking? Masarap yung alak noh!" Giit naman ni Tiffen sa kaibigan.

"Oo masarap! Masarap ipukpok yung bote sayo!" Ngusong nguso sabi ni Archie sa kaibigan.

"Ano ka ba naman Tiffen! Tara ihatid na natin si Archie!" Sambit naman ni Mitch.

**********

Bumaba na si Mitch sa sasakyan at bago sya tumungo sa condo nya ay pinaalalahanan nya muna ang nobyo.

"Tiffen si Archie ha! Ikaw na bahala!" Ang sabi naman ni Mitch. Hindi na namalayan ni Archie ang pagbaba ni Mitch dahil mahimbing na ito natutulog sa sasakyan.

"Ok! Sige bye!" Ngiting sinabi sa nobya. Bago nya paandarin ang sasakyan ay hinintay nya muna makapasok si Mitch sa condo. Nang makapasok na ito ay saka nya na pinaharurot ang sasakyan.

Habang nagdadrive sya ay pasimple nya tinitingnan sa salamin ang mahimbing na natutulog na kaibigan. Hindi pa rin nya maiwasan na lumakas ang kabog ng dibdib nya sa tuwing nakikita nya ito. Gusto na nyang alisin ang pagtingin sa kaibigan pero bakit hirap na hirap syang tanggalin ang nararamdaman.

.
.
.

"Archie gising andito na tayo!" Niyugyog ni Tiffen sa balikat ang kaibigan upang magising.

"Uuumm! Ano ba! Dito na lang ako sasakyan mo!" Ang sabi ni Archie pero nakapikit ang mga mata nito.
Napasapo naman sa noo si Tiffen dahil eto na naman ang ugali ng kaibigan. Ayaw naman magpaistorbo sa pagtulog kaya wala syang nagawa kundi buhatin ito. Napamulat naman ng mata si Archie dahil sa biglaang pagbuhat sa kanya ng kaibigan.

"Ok na ok na! Ibaba mo na ako!" Mabilis naalimpungatan si Archie na binuhat sya ni Tiffen. Natatakot sya na baka bumilis na naman ang kabog ng dibdib nya sa kaibigan. Binaba naman ito ni Tiffen.

"Kung hindi ka bubuhatin hindi ka gigising eh!" Giit naman ni Tiffen.

"Sige na umuwi ka na!" Tugon naman ni Archie at naglakad ito ng pagewang gewang papasok sa kanilang bahay dahil sa pagkahilo. Tahimik naman pinagmasdan ni Tiffen ang kaibigan at saka bumuntong hininga.

***********

"Archie! Apo ko! "

"Lolo!"

"Tara na apo!"

"Lolo! Lolo! Lolo!"

"Archie anak gumising ka! Gising anak! Dyos ko anak gumising ka!" Ang mangiyak ngiyak na sabi ni Chella sa anak. Niyuyog nya ang balikat ni Archie upang gumising. Narinig nya na umuungol si Archie na parang binabangungot ang tanging naririnig nila ay ang pagtawag nito sa kanyang lolo kaya agad nila itong pinuntahan sa kwarto.

"Lolo!" Napasigaw ng malakas si Archie at bigla itong napabangon na may namumuong pawis. Hingal na hingal ito ng magising. Niyakap agad itong ng nag-alalang ina.

"Dyos ko po salamat nagising ka!" Ang naluluhang sabi ng ina.

"Anak ito tubig inumin mo!" Ang nag-alalang rin sabi ng ama at derederetcho ito ininom ni Archie.

"Ma! Si Lolo inaabot nya yung kamay nya sa akin. Niyaya nya ako Ma!" Nangingiyak ngiyak na sabi ni Archie at niyakap ito ng mahigpit ng ina.

"Anak panaginip lang yun!" Ang sabi ng ina na hindi na napigilan lumuha.

"Dyos ko po Sandro ako yung sunduin mo wag yung apo mo! Bata bata pa ng apo natin eh!" Ang sabi ni Lola Amelia sa asawa na yumao.

"Ma naman!" Giit naman ni Chella sa ina.

"Anak matulog ka na ulit. Dito na ako matutulog sa tabi mo!" Ang nag-aalang sabi naman ng ginang. Nahiga naman ulit si Archie. Hinimas himas naman ng ina ulo ng anak bago humiga sa tabi ni Archie.

**********

My Lesbian Bestfriend Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon