Pumunta si Archie sa puntod ng kanyang Lolo. Madalas na hindi na nya ito nadadalaw kaya siguro nagpaparamdam na kanya ang pinakakamahal nyang Lolo.
"Hi! Lolo kamusta? Sensya na lo ha! ngayon lang ulit ako nakadalaw." Ang sabi ni Archie habang pinupunasan nya ang lapida ng kanyang Lolo at muli ulit syang nagsalita.
"Lo! Sinusundo nyo na ba ako? Lo naman eh! Masaya ba dyan ha! Hmm!!! Kung sabagay kung masaya dyan eh di sama na ako! Hehehe! Siguro Lo nararamdaman nyo yung sakit na nararamdaman ko noh! Kaya siguro gusto nyo na akong pasayahin! Wala Lo dalaga na yung apo nyo eh!"
"Hoy! Girl para kang tanga dyan! Saka maghulos hulos dili ka dyan sa pagsasalita mo! Anong sama sama ka dyan ha! Hoy! Mag-ingat ingat ka dyan sa pagsasalita mo! Baka totoohanin ng Lolo mo isama ka! Oh! Dyos ko lord wag po sana!" Sabay cross sign ni Alejandro nasa likod lang ni Archie.
"Eh di wow!" Matipid na sagot ni Archie.
"Eng eng ka talaga!" Tugon naman ni Alejandro.
"Ay! Lolo nga po pala si Alejandro. My fake boyfriend. Bakla yan! Wag kayong maingay Lo ha! Secret lang natin yan! Baka Lo gusto nyo rin isama si Alejandro? Para hindi na rin yan nahihirapan!"
Nanlaki ang mga mata ni Alejandro sa sinabi ni Archie sa kanyang lolo.
"Hoy! Hoy! Dyos ko po girl! Baka magdilang anghel ka! Gusto ko pang mabuhay noh! Lo! Wag nyong pansinin yung apo nyo ha! Naghahanap lang po yan ng karamay! Sya na lang pong isama nyo wag ako! Marami na po akong Papah dito eh! Sayang naman po kung makakawalan ko pa!" Malambot ba pagkakasabi ni Alejandro.
"Daming Papah ha! Asan?" Tugon naman ni Archie.
"Hindi ko ipapakilala sayo noh! Vaka magbago pa yung esep mapapunta pa sayo!" Pakembot kembot na sinabi ni Alejandro.
"Baliw!"
***********
Pagpasok ni Archie sa bahay ay napansin nya ang nakababatang kapatid. Seryoso itong naglalaro sa kanyang PSP.
"Hi! My baby boy!" Masigla nitong bati sa kapatid at tumabi ito sa pagkakaupo.
"Don't call me that! Big boy na ako Ate!" Kunot noong sinabi ni Arvin sa kanyang Ate Archie pero ang mga mata ay nakatuon pa rin sa nilalaro.
"Weh! Patingin nga sa baby boy ko! Kung big boy ka na!" Nangigil na Pinisil pisil ni Archie ang mga pisngi ng kapatid at agad naman itong tinanggal ito ni Arvin.
"Ano ba Ate! Your so weird!" Inis na sabi ni Arvin.
"Nilalambing ka lang naman Ate eh!" Agad naman itong pinaghahalikan ni Archie sa pisngi.
"Muah! Muah! Muah! I love you! I love you! I love you!"
"Eew! Ano ba Ate laway mo kadiri!" Sambit naman ni Arvin habang pinapahiran ang pisngi na bigla naman dating ng ina na dala dala ang isang gown.
"Ma! Si Ate oh! It's so weird!" Sumbong naman ni Arvin sa ina.
"Ma! Sabi nya kasi big boy na sya eh! Nilalambing ko lang!" Giit naman ni Archie.
"Kayo talaga! Hayaan mo na Ate Archie mo Arvin minsan lang yang maglambing! Anak eto pala yung gown mo na isusuot mo bukas sa kasal ni Tiffen. Nilabhan ko na!" Tugon naman ng ginang at kinuha naman ito ni Archie.
BINABASA MO ANG
My Lesbian Bestfriend Part 1
RomanceI want you, I like you and I love you. Paano ko sasabihin sa kanya ang lahat ng to if she is my one and only my bestfriend at ang masaklap pa she is a LESBIAN.