Makalipas ang tatlong linggo ay madalas na hindi na nakakasama ni Archie ang matalik na kaibigan.
"Hi! Ninang si Tiffen po!" Sabi ng dalagita sa kanyang Ninang Sandy na pumasok na sa loob ng bahay na hindi makita ang kaibigan sa labas.
"Kanina pang lumabas si Tiffen. Akala ko hinihintay ka na nya sa labas." Nagtatakang tugon ng kanyang Ninang Sandy."
"Wala po kasi sya sa labas eh! Ah! Baka po nauna na po syang pumasok! Sige po Ninang pasok na rin po ako."
"Hindi ka man lang hinintay. Naku! Mamaya kakausapin ko yung batang yun. Sabi ko wag ka nyang iiwanan eh!" Matalik na magkaibigan ang Ninang Sandy nya at kanyang ina. Ihinabilin si Archie dito bago mangibang bansa na bantayan ang anak habang wala sila sa tabi sa kaisa isang anak kaya ganun na lang ang pag-alala ng ginang dito.
"Ah! Hindi na po Ninang kaya ko naman po yung sarili ko. Saka hindi na po ako batang paslit para bantayan pa hehe! Sige po Ninang baka po may importanteng naman po gagawin si Tiffen."
Matamlay na lumabas si Archie sa bahay dahil sa buong tanan nya ngayon lang sya iniwan ng kaibigan.**********
Nakarating na si Archie sa School. Dali dali syang pumasok sa kanilang room. Gusto nyang kausapin ang matalik na kaibigan kung bakit bigla bigla na lang syang iniwan nito pero sa pagpasok nito hindi nya nakita ang kaibigan at wala to sa pwesto nya. Ibinagsak nya ang dala nyang bag sa kanyang upuan at tumingin sa katabi nyang si Tine na hindi magkaugaga sa paglamon ng chicha. Isang matabang babae na halos hindi na magkasya sa inuupuan nya.
"Tine dumating na ba si Tiffen?"
Tanong ng dalagita dito. Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi ni Archie."Huh! Hindi kayo magkasabay?"
Tugon nito habang punong puno ng laman ang bibig nito sa kinakain. Nagsalukbong naman ang dalawang kilay ni Archie sa sagot nito."Malamang!!! Magtatanong ba ako kung hindi!"
"Huh! Sungit mo naman. For the first time to ah! Nag-away ba kayo?" Tugon naman ni Tine.
Hindi na sumagot si Archie at padabog na umupo sa kanyang upuan pero bumaling ulit ito sa katabi."Tine!" Tawag nito.
"Huh! Bakit? Gusto mo?" Alok ni Tine sa hawak nyang chicha.
Napangisi naman si Archie na may pumasok sa isip nya."Sama ka sa akin mamayang recess bilhan kita ng maraming ganyan!" Ngising ngisi sabi ni Archie.
"Huh! Talaga!" Nagtatakang tugon ni Tine at mabilis na tumango tango naman si Archie!"
"Yap!"
Umupo ng maayos si Archie ipinatong nya ang isang kamay sa ibabaw ng kanyang arm chair kinakatok to ng kanyang mga daliri habang pasipol sipol. Maya maya ibinaling ulit nya ang kanyang tingin sa katabi na bising busy sa pagnguya.
"Tine!" Tawag ulit nito.
"Huh! Ano na naman? Binabawi mo na ba yung sinabi mo. Wala ng touch move yun." Sabi ni Tine na punong puno ang laman ng bibig. Napatawa naman si Archie dahil sa kasibaan ng katabi.
"May assignment ka na sa math pakopya ako nakalimutan ko eh! Hehehe!" Pabulong na sabi ni Archie.
"Huh! Oh! Eto! Basta yung chicha ko mamaya ha!"
Bigla naman napangisi si Archie dahil ganun pala itong kabilis suhulan."Huh! Ang siba talaga! Pagkain lang pala katapat neto! Now I know! Hehehe!" Bulong ni Archie sa kanyang isipan.
"Wooohh!" Sabi ng mga classmate nya. Napatitig si Archie sa katabi dahil napatigil ito sa pagnguya at natulala sa pagtingin sa may pintuan. Napakunot ang noo ni Archie dahil parang nakakita ng multo ang mga itchura ng mga kaeskwela nya. Napalingon na rin sya sa bandang pintuan. Sa paglingon nya halos lumuwa ang mga mata nya sa nakita. Magkahawak kamay na pumasok si Tiffen at Tiffany.
**********
BINABASA MO ANG
My Lesbian Bestfriend Part 1
RomanceI want you, I like you and I love you. Paano ko sasabihin sa kanya ang lahat ng to if she is my one and only my bestfriend at ang masaklap pa she is a LESBIAN.