Chapter 12

164 7 0
                                    


Sa Clinic kampateng kapate na nakaupo si Archie sa tabi ni Pats. Nakahiga si Pats dahil nanakit nga ang balakang nito.

"Naku! Humanda talaga sa akin yung si Tine. Bubuhat buhatin ako tapos bigla na lang nya akong ibabagsak ng pagkalakas lakas." Nanggagalaiting sabi ni Pats.

"Ssssshhhh! Wag kang maingay baka mabwisto tayo! Patay tayo nito kay Ma'am Torres neto. Lalo na ako! Paktay ako neto. Dapat nga pasalamat ka pa kay Tine eh! Di ka nakapasok. Di ba ayaw pumasok dun sa room na yun. Ayan ginawa na ni Tine." Mahinang pagkakasabi ni Archie. Natahimik sandali si Pats at iniikot ikot ang mata na biglang napalahaw naman ang pag-atungol nito na maalala ang ultimate crush nya na si Tiffen. Naisuksok naman ni Archie ang dalawang hintuturo nya dalawang tainga nya. Naririndi na sya sa pag-aatungol nito.

"Waaahhh!!! Aaahhh! Aaaahhh!"
Atungol ni Pats.

"Ano ba pwede bang tigil tigilan mo na yang pag-aatungol mo. Nakaririndi ka na!" Giit naman ni Archie.

"Hindi mo alam ang nararamdaman ko! Hindi ka pa kasi naiinlove Archie! Ang sakit neto eh! (Sabay duro sa kanyang dibdib)Ang sakit! Sakit! Sakit! Waaaahhhh!" Na humahagulhol na si Pats. Bigla naman pumasok ang nurse ang dahil sa lakas na pagpalahaw ni Pats.

"Anong nangyayari?" Tanong ng nurse na nag-aalala sa pag-atungol ni Pats.

"Ah! Wala po! Mali po ata ang pinagdalhan ko dito. Dapat po pala sa Mandaluyong ko dinala yan. Mukang may tama' na po ata eh!" Tugon naman ni Archie at iniwan na nya si Pats.

"Hoy! Archie wag mo akong iwan dito! Hoy!" Ani naman ni Pats.

.
.
.

Kanina pang hindi mapakali si Tiffen. Patingin tingin sya sa upuan ni Archie kanina pa kasi hindi bumabalik ang kaibigan. Natapos na kasi ang klase nila kay Mrs. Torres at hinhintay na nila ang susunod na klase.Napansin naman ito ni Tiffany.

"What's wrong?" Tanong naman ni Tiffany sa kanyang nobyo.

"Ah! Inaalala ko lang si Archie hindi pa kasi sya bumabalik." Deretchong sagot ni Tiffen sa nobya.

"Di ba sabi ni ma'am don't worry saka di na bata si Archie para alalahanin mo pa. Daig mo pa yung tatay kung mag-alala ka." Sagot naman ni Tiffany na parang may halong selos ang pananalita. Alam ni Tiffany na bago pa sya dumating dito ay sandang dikit na ang dalawa. Alam nya na wala sya dapat ikaselos kay Archie at hindi sya dapat pangamba na hindi lalagpas sa higit pa sa kaibigan ang turing ni Archie sa nobyo dahil sa nakikita nya sa matalik na kaibigan ng nobyo ay isa tong lesbian dahil sa mga galaw at panalita nito ang inaalala lang nya ay ang nobyo. Sa nakikita nya ngayon ay parang may malalim tong pagtingin sa kaibigan.

Napatingin si Tiffen sa nobya. Nakalimutan nya na may girlfriend na pala sya. Dapat ito na yung una nyang iniisip at hindi ang kaibigan. Kaya hinawakan nya ang kamay ng nobya.

"I'm sorry! Alam mo naman kameng dalawa ni Archie di ba? Para na magkapatid nun eh!" Pang-aalo ni Tiffen sa nobya.

Napabuntong hininga na lang si Tiffany.

Pabulaksak na umupo si Archie sa kanyang upuan.

"Aray! Aray! Hoy! Tine baka naglaglagan yung mga chicha na kinain mo kanina kaya nilalanggam na ako dito." Nakabusangot na sabi ni Archie habang kinakamot kamot nya ang kanyang mga binti. Napansin nya kasi na pumasok sya sa silid ay magkahawak kamay sina Tiffen at Tiffany na ikinairita nya.

Napalingon naman sina Tiffen at Tiffany sa biglang pagsulpot ni Archie.

"Huh! Malinis akong kumain ha! Sinasaid ko sagad sagaran. Wala naman akong nakikitang langgam dyan ah!" Giit naman ni Tine.

"Wala ka talagang makikita. Pinatay ko na!" Tugon naman ni Archie.

"Huh!" Sabi naman ni Tine sabay tingin sa pwesto ni Archie. Inoobserbahan nya kung may langgam talaga sa pwesto ng katabi hanggang sa mapadako ang tingin nya sa magkahawak kamay na sina Tiffen at Tiffany at napabusangot na rin ang muka nito.

"Huh! Dami ngang langgam!" Sabi ulit ni Tine.

"Archie! Kamusta si Pats!" Ang sabi naman ni Pearl.

"Ayun ang lakas ng tama'" tugon naman ni Archie.

"Kasi naman ikaw Tine eh!" Sabi naman ni Rich.

"Huh! Bakit ako si Max kaya!" Tugon naman ni Tine.

"Hoy! Wala akong kinalaman dyan ah!"Giit naman ni Max.

Nagpalipat lipat ang tingin ni Tiffen hindi nya malaman kung anong talagang nangyari kay Pats.

"Archie! Anong nangyari kay Pats?" Tanong ni Tiffen kay Archie.

"Wala! Nababaliw na!"Tugon naman ni Archie. Napakunot noo naman si Tiffen. Ngayon nga lang nya nakausap ang kaibigan ay hindi pa matino ang isasagot nito.

"Nababaliw na dahil dyan sa kalandian mo!" Sa isip isip ni Archie. Nagsiayos bigla ang mga estudyante na bigla ng dumating ang guro nila sa Mathematics. Napatingin naman si Archie kay Max na maalala yung assignment nya.

"Hoy! Max yung assignment ko!" Bulong nito.

Napailing na lang si Tiffen. Nangopya na naman ang kaibigan.

**********

My Lesbian Bestfriend Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon