"Tyrone sina Mommy?" Ang sabi ni Tiffen sa bunsong kapatid habang tinatanggal na nya ang sintas ng sapatos nya. Kararating lang nya galing sa trabaho.
"Ah! Kuya na kina Lola Amelia. Dumating kasi sina Tita Chella!" Tugon naman ni Tyrone. Napatunghay naman agad si Tiffen sa sinabi ng kababatang kapatid. Tumayo ito't lumabas para puntahan ang bahay nina Archie. Hindi nya maipaliwanag ang nararamdaman nya ngayon dahil sabik na sabik na sya makita ang kaibigan.
.
.
.Pagpasok nya sa bahay nina Archie ay pansin nya agad na masayang nagkwekwentuhan ang mga magulang nya at mga magulang ni Archie. Napansin naman ng Mommy nya ang biglang pagsulpot nya.
"Oh! Tiffen ang aga mo atang nakauwi." Ang sabi naman ng mommy nya.
"Aba eto na ba si Tiffen. Dati ay batang paslit pa sila nitong si Archie. Aba'y binatang binata na eto ngayun ah!" Tugon naman ng Tito Rafael nya na ama ni Archie. Pumunta naman si Tiffen dito at nagmano at ganun din sa Tita Chella nya. Pagkatapos nun ay ginala nya ang mga mata nya sa bahay para hanapin ang kaibigan pero nahagip ng mga mata nya ang batang lalakeng nakaupo sa sofa na tahimik na kinakalikot ang hawak nyang PSP.
"Sya na po ba yung bunso nyo tito?" Nakangising sabi ni Tiffen.
"Oo si Arvin! Arvin kuya Tiffen mo!" Pakilala naman ng Tito Rafael nya sa anak ay tumingin naman ang bata.
"Hi!" Tipid na sagot ng batang lalake.
"Boy version ni Archie Tito ah! Si Archie nga po pala!" Tugon naman ni Tiffen.
"Naku! Tiffen nasa airport palang nagpaalam may pupuntahan daw syang kaibigan. Hindi na namin napigilan masyado na nya atang namiss ang Pilipinas." Tugon naman ng Tita Chella nya.
"Ah! Ganun po ba! Puntahan ko na lang po sya dito bukas sabay na lang po kami pumuta sa reunion sabi po kasi nya pupunta sya." Medyo matamlay na pagkakasabi ni Tiffen. Medyo may kurot syang naramdaman na mas inuna ni Archie ang iba na makita kaysa sa kanya hindi nya lubos pa rin na maisip na may galit pa rin namumuo sa kanya ang kaibigan.
.
.
.Maya't maya sinisilip ni Tiffen ang bintana ng kanyang kwarto na baka sakaling makita nya na dumating si Archie pero namuti ang kanyang mga mata sa paghihintay hanggang sa makatulugan na nya ito.
Kinabukasan maaga syang naghanda para sa reunion nila. Nagsuot ng white long sleeves at tinernohan nya ito ng black coat. Nagpaligo ito ng pagbango at nilagyan nya ng wax ang buhok. Bigla nagring ang cellphone nito.
"Tol andito na ako sa harap ng bahay nyo. Dinaan na kita!" Ang sabi naman ni Jello mula sa telepono.
"Ah! Sige pababa na ako!" Tugon naman ni Tiffen.
Paglabas ni Tiffen ay napansin nya agad ang nakaparadang kotche ni Jello at Kinatok nya muna ito sa bintana.
"Puntahan ko lang si Archie sabi nya pupunta sya di ba!" Ang sabi naman ni Tiffen. Nanlaki naman ang mga mata ni Jello sa narinig nya kay ni Tiffen.
"Tol! Talaga andito na si Archie! Sige puntahan mo na excited na ako makita yun eh!" Gulat tugon naman ni Jello.
.
.
.Matamlay na pumasok sa kotche ni Jello si Tiffen.
"Oh! Asan si Archie?" Natatakang sabi ni Jello.
"Wala Pre eh! Hindi umuwi kagabi doon daw natulog sa kaibigan nya!" Matamlay na sabi ni Tiffen at bumuntong hininga na lang ito.
"Ah! Ganun ba! Baka susunod na lang yun. Teka! Hindi mo isinama si Mitch?" Tugon naman ni Jello.
"Umuwi ng probinsya nagbakasyon muna! Teka ikaw bakit hindi mo kasama mag-ina mo?" Ang sabi naman ni Tiffen.
"May sakit kasi yung anak ko eh! Kaya hindi na sila sumama!" Tugon naman ni Jello.
.
.
.Pagdating nila sa reception na pagdadausan nila ng reunion ay syang dating din naman nina Max at Pats. Tapos sumunod na rin sa kanila sina Tine, Rich at Pearl.
"Huh! Ang gwagwapo natin ah!" Ang sabi naman sa tatlong lalake. Si Tine ay walang pinagbago lalo pa ata itong tumaba.
"Lalo ka atang sumeseksi Tine ah!" Pabirong sabi ni Jello.
"Wow! Pats bumubukol na yang tyan mo ah! Hoy wag mo kameng kalilimutan ninang kame nyan!" Tugon naman ni Pearl. Si Pats naman kung noon ay halos malipad na ng hangin sa kapayatan ay ngayon ay nagkalaman na. Bigla naman sumulpot sa kanila si Sheila.
"Oh my god! Guys! Kayo na ba yan! Ang ganda ng katawan natin Tiffen ah!" At pinisil ni Sheila ang braso ni Tiffen. At natilian naman sina Pats, Tine, Rich at Pearl na makita ang dating nilang kaeskwela.
"Huh! Gumaganda ka ata Sheila ah!" Ngising ngisi sabi ni Tine.
"Excuse me! Maganda na ako noon pa!" Kunot noong sabi ni Sheila na bigla itong napatili ng maalala nya yung sasabihin nya dito.
"Oh! My Gosh! Nakita nyo na ba si Archie? Kanina ko pa sya kausap doon sa may garden. Grabe magugulat kayo kapag nakita nyo sya. Ako halos himatayin ako nung makita ko sya kanina eh!" Mangha mangha sabi ni Sheila.
Nagkatinginan naman ang mga magkakasama."Panigurado Pre machong macho na yang si Archie!" Ngising ngisi sabi ni Max.
"Oo nga Tol pansin ko dun sa profile pic. nya ang laki ng muscle nya eh!" Tugon naman ni Jello.
"Hoy! Ano ba yung pinagsasabi nyo! Tara puntahan natin si Archie! Miss ko yung sadistang bruhang yun eh!" Ang sabi naman ni Tine at agad naman sila pumuta sa garden. Si Tiffen ay huminga muna ng malalim dahil makikita na nya sa wakas ang matagal nawalang kaibigan.
**********
BINABASA MO ANG
My Lesbian Bestfriend Part 1
RomanceI want you, I like you and I love you. Paano ko sasabihin sa kanya ang lahat ng to if she is my one and only my bestfriend at ang masaklap pa she is a LESBIAN.