Pabali baliktan sa kama si Tiffen alas kwatro na ng madaling araw ay gising pa ang diwa nito. Hindi sya nakatulog dahil sa sobrang pag-iisip sa kaibigan. Hindi sya lubusang makapaniwala sa sobrang laki ng pagbabago nito. Ang mga kilos, pananalita at pananamit ay ibang iba na kumpara noong sila ay masaya pang magkasama.
.
.Puyat na puyat si Tiffen na pumasok sya sa restaurant na kanyang pagmamay-ari.
"Hi! Good morning Sir!" Bati sa kanya ng mga crew at assistant cook nya.
"Hi! Good morning!" Walang sigla nyang bati at pumasok na sya sa kitchen. Pagpasok nya ay nadatnan nya ang maaliwalas na ngiti ng kanyang fiancée.
"Good morning!" Malambing na bati ni Mitch habang inaayos nya ang mga rekado na gagamitin nila sa kanilang menu.
"Good Morning!" Bati ni Tiffen. Pinilit nyang ngumiti sa harap ng dalaga at hinalikan nya ito sa noo.
"How's your province?" Tanong ni Tiffen.
"Nothing change! I already told my dad and mom na pupunta na kayo this week sa bahay." Sagot naman ni Mitch at tumatango lang naman si Tiffen.
Meron kirot na naramdaman si Tiffen. Hindi nya malaman kung ano ang gagawin kung itutuloy nya ba ang nagpadesisyonan o ipagtatapat nya sa kaibigan ang matinding nararamdaman. Dati sabik na sabik sya na magbalik si Archie sa buhay nya at ngayon ay parang sinisisi nya ngayon ang kaibigan kung bakit nagpakita pa sya ngayon at dahil doon ay nahihirapan na sya sa sitwasyon hindi nya alam kung tama ba na magpatali na sya sa babaeng na akala nya ay sya na napalimot sa kanyang nakaraan o ilabas ang lihim na itinatago sa likod ng kanyang nararamdaman. Gusto na nyang sabihin ang matinding nararamdaman sa matalik na kaibigan pero kapag ginawa nya yun ay merong masasaktan.
"Tif, Ok ka lang!" Pag-alalang tanong ni Mitch sa kanyang nobyo. Nahimasmasan naman si Tiffen na biglang magsalita si Mitch.
"Yah! Ok lang ako babe! Medyo masakit lang yung ulo ko!" Sambit naman ni Tiffen.
"Muka kasi malalim yung iniisip mo eh! Uminom ka ba ng gamot? Alam mo pagod lang yan. Masyado mo kasi iniistress yung trabaho eh! Mas maigi ata umuwi ka na lang muna at magpahinga. Kame na bahala dito ni Chef Jane."
Medyo nag-isip ng malalim si Tiffen sa sinabi ng kanya ni Mitch. Mukang kailangan nga nya atang umuwi at ipaghinga ang kanyang isip.
"Sure ba kayo na kaya nyo?"
"Para kang walang bilib sa amin ah!"
"Ok! Uwi muna ako babe! Kailangan ko lang sigurong itulog to!"
.
.
.Nakatulog naman si Tiffen ng mga ilang oras simula ng umuwi sya kanina. Lumabas sya ng bahay para magpahangin. Nagdala sya ng bola at dumaretcho sya sa basketball gym ng village nila.
Seryosong naglalarong mag-isa si Tiffen sa gym. Ishushoot nya sana ang bola na may biglang umagaw nito. Kaya napalingon syang bigla sa kanyang likuran kung sino kumuha ng bolang hawak nya. Pero laking gulat nya kung sino ang nakita.
"A........ Archie!" Nauutal na sabi ni Tiffen. Hindi sya makapaniwala na kaharap nya ngayon ang matagal na nyang gustong makita. Nakasuot lang si Archie ng simpleng puting blouse, maiksing sports wear na short at nakatsinelas na puti. Pero kahit ganun ang suot nya ay lutang na lutang ang kagandahan ng dalaga na lalong ikinabighani ni Tiffen.
"You miss me!" Tugon naman ni Archie na may kasama mapang-akit na ngiti.
"W..... What are you doing here?" Nanginginig pa rin na sabi ni Tiffen.
"Wow! Obvious ba! Namiss ko tong gym na to noh! You want to play with me?" Medyong maangas na sabi ni Archie.
"Seryoso ka?" Gulat na tanong ni Tiffen. Para kasi nakikita nya ngayon sa dalaga ay Maria Clara na hindi makabasag pinggan kumpara noon. Tiningnan nya ang mga palad ng kaibigan. Mamula mula ang mga palad na parang madaling mahiwa ng papel at animo'y isang unan napakalambot kung titingnan mo at ang mga malakandilang mga daliri nito. Napalunok si Tiffen parang gusto nyang hawakan ang napakagandang kamay ng kaibigan ngayon.
Pumunta si Archie sa three point line. Dinirible nya muna ang bola yumukod tapos huminga ng malalim at malakas nyang itinapon ang bola sa ring. Nagpaikot ikot muna ito sa ring bago pumasok.
Napalundag naman si Archie sa tuwa na animo'y isang batang binigyan ng candy na naipasok nya ang bola at si Tiffen napanganga sa nasasikhan hindi nya akalain marunong pala tong maglaro.
"See!! See!! You see that!!! Naipasok ko Yes!" Tuwang tuwa sabi ni Archie. Si Tiffen ay hindi mapigilang ngumiti dahil parang nakikita nya ngayon ang dating kaibigan. Dinampot ni Tiffen ang bola at ipinasa ito kay Archie.
"Play with me!" Nakangiting sabi ni Tiffen.
************
BINABASA MO ANG
My Lesbian Bestfriend Part 1
RomanceI want you, I like you and I love you. Paano ko sasabihin sa kanya ang lahat ng to if she is my one and only my bestfriend at ang masaklap pa she is a LESBIAN.