Pinuntahan ni Tiffen sa bahay si Archie para magpaliwanag at humingi ng pasensya sa ginawa nya kanina at ang isa pa baka ito pa ang dahilan ng pag-aaway nila ni Alejandro. Pabor sana sa kanya ito pero ayaw nyang maging sakim sa kaibigan ayaw nyang makita itong masaktan ng dahil sa kanya at baka tuluyan na itong hindi sya pansinin ng kakaisang babaeng minahal nya sa tanang buhay nya.
Pagdating nya sa bahay nina Archie ay napansin nya agad ang dalawa ni Archie at Alejandro na nasa terrace na akala nya ay tunay na magkasintahan. Masaya na itong nag-uusap na parang walang nangyari kanina.
"Tiffen!"
Nakahinga ng maluwag si Tiffen na pinansin sya ng kaibigan.
"A...... Archie! I'm sorry kanina!" Nauutal na sabi ni Tiffen at pagkatapos nun ay ibinaling nya ang tingin kay Alejandro.
"Pre! Yung nakita mo kanina wala yun! Wag mo sanang bigyan ng kahulugan yun!"
"Ok na Bro! Pinaliwanag na lahat sa akin ni Archie at saka malaki yung tiwala dito sa babe ko eh!" Sabay kindat at akbay ni Alejandro kay Archie. Napangiti naman si Tiffen pero sa likod ng ngiting yun ay andun lungkot at sakit na nararamdaman.
"Alejandro pare! Pasensya na Hindi na ako nakapagpakilala sayo sa reunion nyo!" Pakilala ni Alejandro at inihain nito ang kanyang kamay pero bigla naman ikinawit ni Archie ang kanyang braso sa binata at pinalakihan nya ito ng mata. Binulungan naman agad ito ni Alejandro.
"Grabe ka girl! Chance ko na to pinagdadamot mo pa!" Mahinang bulong ni Alejandro kay Archie.
"Nice to meet you Alejandro. Sige iwan ko na kayo baka naiistorbo ko na kayo!" Pilit na ngiti ni Tiffen
"Tiffen Pre! Sa susunod na halikan mo yung girlfriend ko ako na lang sana!" Ngising ngising sabi ni Alejandro. Pinandilatan naman ito ni Archie at si Tiffen ay napanganga naman sa sinabi ni Alejandro.
"Joke lang Pre! Sabihin mo pa bakla ako eh! Nasasaktan lang kasi ako kapag may nakikita akong may ibang lalake humahalik sa girlfriend ko eh!" Palusot ni Alejandro. Napatango naman si Tiffen.
"Sorry hindi na mauulit!" Tugon naman ni Tiffen. Tumalikod na ito sa dalawang nagkukunwaring magkasintahan pero bigla itong napalingon ito na may humaplos sa braso nya.
"M........ May lamok Pre! Tinanggal ko lang. Uso pa man din dengue mahirap na!" Palusot ulit ni Alejandro.
"Ah! Ganun ba!" Nagtatakang sabi ni Tiffen at tuluyan na itong umalis.
"Hindi ka talaga nagpatihod noh!" Nakabusangot na mukha ni Archie na sabi kay Alejandro.
"Sorry girl! Chance ko na eh! Palalapasin ko pa ba! Masyado ka naman madamot pagdating dyan sa bestfriend mo! Teka nagseselos ka ba?" Mahinang sabi Alenjandro.
"No!" Malakas na pagkakasabi ni Archie at bigla na itong pumasok sa loob ng bahay.
"Wow! Ano to taguan ng feeling!" Sabi ni Alejandro sa sarili nya ng iniwan sya ni Archie sa labas ng terrace.
*********
After one week
Pinadali ni Tiffen ang kasal nila ni Mitch. Sa susunod na buwan na nya pinili ang araw ng kasal nila at habang si Archie ay wala pa rin kaalam alam tungkol sa kasalang mangyayari. Tinanggap na ni Tiffen na hanggang pagkakaibigan lang na meron sila ni Archie. Nakikita nya na masaya na to sa piling ni Alejandro at ayaw na nya itong sirain at tanggapin na si Mitch na talaga ang babaeng nakalaan sa kanya natutunan nya itong mahalin noong nawala si Archie at siguro matutunin nya rin itong mahalin na kasing higit pagmamahal sa kaibigan dahil darating din ang araw na iiwan din ulit sya ng pinakamamahal nyang babae at panandalian lang ang mananatili nya dito sa Pilipinas.
**********
Pagkagising ni Archie ay ina agad ang hinanap nya.
"Hi Tita Cherry sina Mama!" Tanong ni Archie sa Tita nya. Ang kanyang Tita Cherry na nya na kapatid ng Mama nya ang nakakasama na ng Lola Amelia nya simula ng umalis sya.
"Andun sa Ninang Sandy mo tumutulong sa kas....." Hindi pa nakakatapos magsalita ang Tita Cherry nya ay agad na tong lumabas ng bahay.
.
.
.
"Hi! Good morning Ninang!" Masiglang bati ni Archie na pumasok sya sa bahay nina Tiffen."Oh! Anak gising ka na pala! Kumain ka na ba?" Tanong naman ng Mama nya habang hawak hawak ang isang magazine.
"Hindi pa po eh!" Tugon naman ni Archie.
"Pumunta ka na dun sa kitchen at kumain ka na dun. sumabay ka dun kina Tiffen!" Tugon naman ng Ninang Sandy nya. Mabilis naman tumungo si Archie sa kitchen para sumabay sa kaibigan.
Pagdating nya sa kusina ay naabutan nya dun si Tyrone si Tiffen at hindi nyang kilalang magandang dalaga na katabi ng kaibigan.
"Hi! Good morning! Makikikain ako ha!" Sabi ni Archie at umupo ito sa tabi ni Tyrone.
"Hi good morning Ate Archie!" Tugon naman ni Tyrone at si Tiffen ay natahimik bigla na biglaang pagsulpot ng kaibigan.
"Hi good morning ikaw pala si Archie! Your so pretty! I'm Mitch!" Nakangiting bati ni Mitch.
"Hi! You so pretty too! Archie!" Nakangiting tugon ni Archie at nakipagkamay ito kay Mitch na biglang pumasok si Ninang Sandy nya.
"Tiffen nasabi mo na ba kay Archie na isa sya sa mga bridesmaid mo!" Sabi naman ng Ninang Sandy nya. Napatigil sa pagnguya si Archie nabigla sya sa sinabi ng Ninang nya.
"A..... Ano sabi nyo Ninang?" Nauutal na sabi ni Archie.
"Tiffen hindi mo pa ba nasasabi dito sa kaibigan mo!" Tanong ni Sandy sa anak. Napatingin ng makahulugan si Archie sa kaibigan.
"A..... Archie gusto ka namin maging bridesmaid sa kasal namin ni Mitch ngayon sa susunod na buwan!" Kinakabahan na sabi ni Tiffen. Nanlaki ang mga mata ni Archie sa sinabi ng kaibigan.
"Please say yes! Archie!" Nakangiting sabi ni Mitch.
"O........ Of cou...rse yes! Tatanggihan ko ba yung bestfriend ko. C....... Congrats! Kahit kelan ka talaga Tiffen hindi ka nagbago lagi mo na lang ako sinusupresa!" Nanginginig na sabi ni Archie. Kinuha ni Archie ang phone nya at nagkunwari na may kinausap.
"Han! Napatawag ka. Ok sige!"
Pinatay ni Archie ang phone at tumayo."Sorry tumawag yung boyfriend ko eh! Sabay na lang daw kame magbreakfast! Bye!" Pagkasabi nya ay agad na lumabas si Archie sa bahay nina Tiffen at doon ay kusang tumulo ang mga luha nya. Hindi nya alam kung bakit may kirot syang nadama at meron syang sakit na naramdaman na malaman na malapit na palang ikasal ang kaibigan.
**********
BINABASA MO ANG
My Lesbian Bestfriend Part 1
RomanceI want you, I like you and I love you. Paano ko sasabihin sa kanya ang lahat ng to if she is my one and only my bestfriend at ang masaklap pa she is a LESBIAN.