Excited ang lahat ng estudyante malaman kung sino ang nangunguna sa klase.
Top 3 TINE CARMEN CRUZ
Top 2 SHEILA MAE REYES
Top 1 TIFFEN JAMES DE VERA"Wow! Tiffen congrats ikaw yung valedictorian!" Bati naman ni Max
"Congrats Tiffen!" Sabi naman ni Tiffany. Ngumiti lang si Tiffen dito at pagkatapos nun ay tumingin sya sa katabing upuan. Pinagmasdan nyang mabuti ito. Simula ng naging sagutan nila ni Archie ay hindi na nyang nakikitang pumasok ito.
"Hoy! Tiffen! Ibang klase yung kaibigan mo! Pagkatapos ng exam hindi na pumasok! Nagpahinga talaga ng bongga noh! Baka sa graduation na magpakita yan!" Sabi naman ni Tine. Tiningnan lang nya si Tine at bumuntong hininga. Tiningnan nya muli ang kanyang nobya ngumiti naman sa kanya ito. Sa mga oras na yun ay gulong gulo ang isip nya kung totoo ba talaga ang lahat ng sinabi sa kanya ni Tiffany kung totoo nga ang sinabi ng nobya ay gusto nyang muling puntahan si Archie para kausapin at ayusin ang gusot na nangyari sa kanila. Kahit ganun ang nangyari ay hindi nya matiis ang kaibigan.
***********
Araw na ng graduation.
"Tyrone sunduin mo ang ate Archie mo! Sabihin mo ako ang mag-aayos sa kanya" sabi naman ni Sandy sa bunsong anak at sumunod naman ang bata. Habang si Tiffen ay seryosong inaayos ang kanyang puting long sleeves.
Maya maya ay bumalik na ang batang si Tyrone.
"Mommy walang tao kina ate Archie sarado yung bahay eh! Baka dinala na nina lola sa parlor si ate Archie." Ang sabi naman ng bata.
"Ganun ba! Sabi ako na yung mag-aayos sa inaanak ko eh!" Sabi naman ng ginang at inaayos na lang ang kwelyo ni Tiffen.
.
.
.Pagod na umuwi ang mag-anak ni Tiffen.
"Tiffen alam mo ba kung bakit hindi umattend si Archie sa graduation nyo?" Ang pag-alalang sabi naman ng Ama ni Tiffen.
"I don't know dad! Puntahan ko sya saglit magbibihis lang ako!" Tugon naman ni Tiffen. Maski sya ay nababahala kung bakit hindi umattend ang kaibigan.
Sa ilang araw na hindi nila pagkikita at sa ilang araw na hindi nila pag-uusap ay hindi maikakaila na sabik na sabik na si Tiffen na makita muli ang kaibigan. Sinadya ni Tiffen na hindi muna kausapin ang kaibigan para mabigyan nila ang panahong humupa ang naging hidwaan sa kanila at sa mga oras na ito ay siguro ay oras na para mag-usap sila at maibalik ang dati nilang pagkakaibigan.
.
.
.Bigo si Tiffen na bumalik sya sa kanyang kwarto. Pabulagsak syang nahiga sa kanyang kama dahil ayaw pa syang kausapin at harapin ng kaibigan.
"Archie naman! Paano natin maayos to kung ayaw mo akong kausapin! Ok! I'm sorry! Sorry na!" Parang baliw si Tiffen na kinakausap ang kanyang sarili.
.
.
."Tiffen may naghahanap sayo!" Sabi ng Kuya Tyler nya.
"Sino?" Tugon naman ni Tiffen.
"Drex daw!" Tugon naman ng Kuya Tyler nya. Kumunot naman ang noo ni Tiffen dahil wala syang maalala na may kilala syang Drex kaya bumaba na lang sya para kompormahin ito kung sino yung naghahanap sa kanya.
Lalong nagsalukbong ang mga kilay nito kung sino ang nakitang nakatayo sa labas. Ito yung lalakeng nakasagupaan nya. " Anong ginagawa ng mokong nito dito! " Bulong Tiffen sa kanyang sarili.
"Naligaw ka ata ng pupuntahan! Ayun yun bahay nina Archie oh!" Sabi ni Tiffen at sabay turo ng bahay ng kaibigan.
"Dude ikaw talaga yung sadya ko!Drex pare!" Tugon naman ni Drex at sabay pakilala.
"Bakit anong kailangan mo?" Matigas pagkakasabi ni Tiffen.
"Hanggang ngayon ba mainit pa rin yung dugo mo sa akin! Dude mahal ko girlfriend ko at hindi ko aagawin yung bestfriend mo sayo! Kaya relax ka lang dude!" Ngising ngisi sabi ni Drex at sabay tapik nito sa balikat.
"Yun lang ba yung sinadya mo sa akin!" Maangas na pagkakasabi ni Tiffen pero sa loob loob nito ay nakahinga sya ng maluwag na malamang may girlfriend ang kausap.
"Hindi! Yayain lang sana kitang maglaro. Balita ko magaling ka daw eh!" Tugon naman ni Drex.
"Hinahamon mo ba ako!" Sagot naman ni Tiffen.
"Nakikipagkaibigan lang ako! Saka andun si Archie!" Ngising ngising sabi ni Drex.
Nang marinig ni Tiffen ang pangalan ng kaibigan ay bigla nagbago ang hilatya ng mukha nito at napansin naman agad ito ni Drex.
"Ano! Tara!" Sabi ulit ni Drex.
"Bihis lang ako!" Tugon naman ni Tiffen at agad itong pumasok sa loob. Bigla naman napangisi si Drex ng makapasok si Tiffen sa loob ng bahay. " Iba ka dude ang bilis mo pagdating kay Archie ah! Kung hindi ko ginamit yung pangalan ng kaibigan mo hindi ka sasama!" Sa isip isip ni Drex. Sa totoo lang ay ginamit lang talaga ni Drex ang pangalan ni Archie. Gusto lang ni Drex makausap ng masinsinan si Tiffen at ilabas ang tunay na nararamdam ng binata. Alam ni Drex at ni Shane ang hidwaan ngayon ng dalawang magkaibigan dahil bukod kay Tiffen ay naging malapit na rin na kaibigan ni Archie ang magkasintahan dito binuhos ni Archie ang lahat ng masasamang loob sa matalik na kaibigan. Kaya gumawa ng paraan sina Drex at Shane para ipamulat kay Tiffen ang katotohanan.
***********
BINABASA MO ANG
My Lesbian Bestfriend Part 1
RomanceI want you, I like you and I love you. Paano ko sasabihin sa kanya ang lahat ng to if she is my one and only my bestfriend at ang masaklap pa she is a LESBIAN.