Chapter 15

154 7 0
                                    

Napakunot ang noo ni Tiffany na makita ang mga pasa ng nobyo.

"What happen to you? Bakit ang dami mong pasa?" Ang nag-aalalang sabi ni Tiffany.

"Ah! Wala to! May mga gago lang sa paligid! Tara na!" Tugon naman ni Tiffen.

"Tell me! Nakipag-away ka ba?" Tanong naman ni Tiffany.

"Wala to! May mga addict nga talaga sa paligid." Sabi naman ni Tiffen hindi nya masabi ang totoong dahilan sa nobya baka pag-awayan pa nila yun.

"Sa susunod mag-ingat ka ha!" Pag-alalang sabi ni Tiffany.

.
.
.

Pagpasok nila sa room napansin ni Tiffen na hindi pa dumadating ang kaibigan. Naupo na sya sa kanyang upuan at tahimik na kinakatok ng kanyang daliri ang kanyang armchair. Nag-aalala sya baka hindi pumasok ang kaibigan dahil sa nangyari kahapon.

Dumating na ang teacher nila ay hindi pa dumadating si Archie.

"Tiffen si Archie? Hindi ba sya papasok?" Tanong ni Tine kay Tiffen. Nagkimbit balikat na lang si Tiffen.

"Huh! Ikaw kasi eh! Bakit kasi nakipagbu.....!" Hindi na naituloy ni Tine ang sasabihin dahil pinandilatan na ito ni Tiffen. Nakuha naman agad ni Tine ang ibig ipahiwatig ni Tiffen na baka marinig iyon ni Tiffany. Kaya itinikom na lang nya ang bibig nya.

*********

"Ha!!!!! Hatching!!!" Patuloy ang pagbahin ni Archie. Hindi na to nakapasok dahil sa sama ng pakiramdam.

"Apo! Eto higupin mo muna ito. Pinagluto kita ng sopas. Tapos inumin mo itong gamot." Pumasok si Lola Amelia sa kwarto ni Archie dala dala ang mainit na sopas pumunta ito sa tabi ng apo at sinubuan.

"Aah! Lola ang init naman!" Ang sabi ni Archie habang pinapaypayan ng kamay ang kanyang dila.

"Mas mainam nga ito apo para mainit initan yang tyan mo!" Tugon naman ni Lola Amelia habang sinusubuan ang apo.

.
.
.

Kinahapunan ay medyo umayos na ang pakiramdam ni Archie.

"Archie! Apo!" Katok ni Lolo Sandro sa kwarto nya at pinagbuksan naman ito ng apo.

"Lo! Bakit? Hatching!!" Tugon naman ni Archie.

"May naghahanap sayo dito! Manliligaw mo ba yun?" Tugon naman ni Lolo Sandro. Nagpakunot noo naman si Archie sa sinabi ng kanyang Lolo.

"Sino?" Ngusong nguso sabi ni Archie.

"Aba'y gwapong bata. Pasado sa akin. Tama yung ginagawa nya sa bahay dapat manligaw at hindi sa paaralan." Ngising ngisi sabi ni Lolo Sandro.

"Lolo!" Kunot noong tugon ni Archie at bumaba na si Archie para puntahan ang bisitang hindi nya alam kung sino.

Sa pagbaba nya ay nagulat sya sa nakita.

"Drex! Anong ginagawa mo dito? Ha..... Hatching!" Gulat na sabi ni Archie. Bigla naman napatayo si Drex na makita si Archie.

"Masama ba pakiramdam mo? Wrong timing ata yung pagpunta ko dito naabala pa kita!" Tugon naman ni Drex. Sumalpa naman si Archie sa kabilang Sofa at tinalukbong nya yung dala nyang kumot.

"Ok na naman ako eh! Sipon lang naman to! Bakit ka napapunta dito?" Sisinghot singhot tugon ni Archie. Napayuko ng ulo si Drex.

"Gusto ko lang magsorry sa ginawa ko kahapon! Gusto ko lang naman ng makakausap eh!" Malumanay na sabi ni Drex. Bigla naman sumulpot si Lola Amelia na may dalang isang basong juice.

"Iho! Juice ka muna!" Ang sabi naman ni Lola Amelia.

"Salamat ho!" Nakangiting tugon naman ni Drex at iniwan na sila ni Lola Amelia. Pagkaalis ni Lola Amelia ay saka nagsalita si Archie.

"Huh! Ano naman ang problema mo ako yung naisipan mong puntahan ah!" Nakangusong sabi ni Archie. Nagkuya kuyakoy muna ang tuhod ni Drex bago magsalita.

"Kasi.... Kasi.... N..... N..... Nagtampo yung girlfriend ko sa akin. Nakalimutan ko yung 1st anniversary namin! Hindi ko alam kung paano ko babawi!" Nakayuko at mautal utal na sabi ni Drex. Bigla naman napasapo sa noo si Archie. Hindi nya alam kung matatawa o maiinis sa kaibigan."haissst what the f*cking love. Ano bang meron ang pag-ibig ibig na yan at nawawala na sarili ang mga taong yan!" Bulong sa isipan ni Archie

"Haisssttt! Bakit naman ako yung naisipan mo ah! Baliw ka ba!" Ngusong nguso sabi ni Archie.

"Ikaw kasi unang pumasok sa isipan ko eh!" Kamot ulong sinabi ni Drex.

"Wala akong alam dyan?" Natahimik sandali si Archie napahawak sya sa baba nya at iniikot ang mga mata at bigla naman syang napapitik sa hangin.

"Hmm!! May naisip ako!" Tugon ulit ni Archie. Napangisi naman bigla si Drex sa biglang pagbabago ng mood ng dalagita.

"See tutulungan mo rin pala ako!" Ngiting ngiti sabi ni Drex.

.
.
.

Pagkagaling sa School ay dederetcho si Tiffen sa bahay nina Archie. Ibibigay nya ang mga notes nya na pinag-aralan nila buong maghapon at gusto nyang makita kung anong kalagayan ng kaibigan.

Papasok na sana sya sa bahay nina Archie pero bigla syang may napansin nakaparadang motor sa harap ng bahay. Napakunot ang noo nya ang maalala ang motor na nakaparada." Gagong yun anong ginagawa nya dito?" Bulong nya sa isip nya. Bigla naman lumabas sina Archie at Drex mula sa bahay. Nagkatitigan naman ng masama ang dalawang lalake. Pero bigla naman binawi agad ni Drex ang titig nya at napangisi ito.

"Archie! Una na ako!" Sabay kindat nito. Napansin nito ang pagkuyom ng kamao ni Tiffen. Lumapit ito kay Tiffen at mahinang bumulong sa tainga nito.

"Dude! Pwedeng magpabango ka kahit konti! I smell fishy!" Sabay tapik nito sa balikat. Sumakay na ito sa motor at pinaharurot ng mabilis. Nagsalubong naman ang mga kilay ni Tiffen sa sinabi ni Drex.

"Ha.... Hatching!!!"

Napalingon naman si Tiffen sa kaibigan.

"May sakit ka?" Tanong nito.

"Obvious ba! May assigment ba tayo?" Pilosopong sagot ni Archie.
Napabuga na lang ng hangin si Tiffen.

*********

My Lesbian Bestfriend Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon