Chapter 5

216 8 6
                                    

"Ok Class Hahatiin ko kayo sa apat na grupo. Babalikan natin ang kwento ng Florante at Laura. Isasadula nyo ang ang isang parte ng kwento!" Tugon ng guro nila sa Filipino. Halos excited ang lahat ng estudyante sa gagawin nilang role playing.

Pagkatapos na buoin ng teacher nila ang grupo at nagpunta na ang mga estudyante sa kani kanilang grupo.

Magkasama si Archie at Jello sa isang group. Samantala magkakasama naman sa group sina Tiffen, Tiffany at Max.

"Ok guys sino gaganap na Florante at Laura?" Sabi ni Sheila na syang tumatayong lider ng grupo nina Archie.

"Si Jello na lang si Florante!" Tugon naman ni John.

"Hah!! Bakit naman ako tol! Ayoko!" Giit naman ni Jello.

"Sige Jello ikaw na lang!" Tugon naman ni Sheila. May itchura si Jello kaya mas Ok na sya ang gaganap na Florante. Hindi na nakapalag si Jello dahil sya pinaganap ni Sheila.

"Ok si Laura naman sa tingin nyo sino?" Nagtinginan ang magkakagrupo tiningtingnan nila kung sino ang bagay na gaganap na Laura. Natigil lahat ang tingin nila kay Archie. Nanlaki ang mga mata ni Archie na tumingin sa kanya ang lahat bago man magsalita ang lahat ay inunahan nya ito.

"Guys ako gagawa ng Script!" Sabi ni Archie. Naningkit ang mga mata ng mga kagrupo nya.

"No! Ikaw yung gaganap na Laura!" Sabay sabay na sabi ng kagrupo nya. Napahagalpak naman ng tawa si Archie.

"Ako! Nagpapatawa ba kayo. May Laura bang ganitong buhok. Kung Florante pa mas Ok pa ako. Ikaw na lang Sheila maganda ka naman eh! Hehe!"

"Buhok walang problema yan. Wig lang katapat nyan. Ako ang gagawa ng Script! Ok Adolfo naman!" Giit naman ni Sheila. Napabusangot naman ng muka si Archie at habang si Jello ay napangisi dahil type nya talaga ang dalagita.

Habang sa isang grupo ay si Tiffen ang gaganap na Florante at Si Tiffany ay si Laura.

********

Simpleng role playing lang naman ang gagawin nila. Isang part lang ang gaganapan nila.

"Wooohhh!! Bagay na bagay talaga sila ni Tiffen at Tiffany!" Hiyawan ng mga classmate nila at halatang kilig na kilig sa pagganap nila Tiffen at Tiffany.

Habang si Archie naman nakasubangot na naman ang mukha dahil sa Wig na hawak hawak nya na isusuot nya mamaya.

"Archie hanika ka na next na tayo. Ayusan na kita dali!" Tawag ni Sheila kay Archie. Lumapit naman si Archie at padabog na umupo sa tabi ni Sheila. Napangisi naman si Sheila sa itchura ni Archie. Kinuha naman ni Sheila yung hawak na Wig ni Archie at sinuot nya to. Pagkatapos nilagyan nya ng kaunting pulbos ang mukha ni Archie. Dinukot naman ni Sheila ang lip gloss na nasa bag nya.

"Teka teka ano yan! Hindi na makatarungan yan ha!" Giit ni Archie.

"Wag ka ng pumalag para sa grade natin to!" Ngiting ngiting sabi ni Sheila. Natutuwa talaga si Sheila na ayusan si Archie.

"Ako ngayon ang fairy godmother mo Archie. Hehehe! Ilalabas natin ang tinatago mong ganda!" Tugon naman ni Sheila habang pinapahiran ng lip gloss ang mga labi ng dalagita. Naningkit naman ang mga mata ni Archie.

"Guys! Look!" Proud na tinawag ni Sheila ang mga kagrupo. At hinarap nya si Archie. Pati yung ibang mga ibang grupo ay napatingin din.

"Tawa! Uupakan ko kayo!" Kunot noong sinabi ni Archie sa mga classmate nya. Dahil sa takot nila kay Archie Walang nagsalita sa mga classmate nya pero sa loob loob nila humanga sila sa pinakitang ganda ngayon ng dalagita. Kaya si Sheila na lang ang pinuri nila.

"Naks! Sheila you are the best fairy godmother!" Tugon naman ng mga classmate nila. Habang si Tiffen ay  tahimik na nakatitig lang sa kaibigan.

"Ok Group 4 start na kayo!" Sabi naman ng teacher nila at naghanda na sila sa pagsasadula.

Tahimik at nakangangang pinapanood ng mga estudyante ang grupo nina Sheila. Hindi sila makapaniwala sa pagganap ni Archie. Kiming kimi ito kumilos na para talagang si Laura na hindi makabasag pinggan at nagbulung bulungan sila.

"Si Archie ba talaga to!"

"Naks! Best actress!"

"Crush ko na sya!"

Hindi nakaligtas sa pagdinig ni Tiffen na may nagsalita na Crush na kita agad nyang itong nilingon at pinaningkitan nya ito ng mata.

"Mahal na mahal kita Laura" pagkasabi ni Jello ng huling line ay nagsipalakpakan na ang mga estudyante pero si Jello ay titig pa rin sa magandang mukha ni Archie na bigla na lang itong hinalikan sa pisngi. Nanlaki ang mga mata ni Archie sa ginawa sa kanya ng binata.

"Teka wala sa script yun ah!" Gulat na gulat na sabi ni Sheila at narinig yun ni Tiffen. Naikuyum ng binata ang kanyang kamao na parang gusto ng sugudin si Jello. Napansin ni Max ang pagkuyum ng kamao ni Tiffen. "Lagot Jello! Patay na. Magtago ka na mamaya!" Bulong ni Max sa kanyang isip.

********

Maraming salamat po kay ucornO sa pagtama ng maling part sa kwento! Thanks po sa comment!

Nice! :)

My Lesbian Bestfriend Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon