Chapter 14

153 7 0
                                    

Napakunot ang noo ni Tiffany na makita kasama si Archie sa pagsundo sa kanya ng nobyo. Nakita nya na masayang nagkukulitan ang dalawa bago sya lumabas ng bahay. Magkasundo na ulit ang magkaibigan pagkatapos ng maliit na tampuhan. Isinama na Tiffen si Archie sa pagsundo sa nobya.

"Hi!" Sabi ni Tiffany. Kung hindi pa nagsalita si Tiffany ay hindi mapapansin ng dalawa na nandun na pala sya.

"Hi! Tiffany!" Bati ni Archie.

Ngumiti naman na plastic na ngiti si Tiffany. Ikinawit nito ang kanyang braso sa braso ni Tiffen.

"Lets go!" Sabi ni Tiffany.

Medyo nailang naman si Archie sa dalawa kaya medyo dumidistansya na sya ng kaunti sa paglalakad.

********

Dumaan ang ilang buwan ay lagi ng kasama ni Tiffen si Archie sa paghatid sundo kay Tiffany. At lagi ng nakakalaro ni Archie si Drex sa tuwing hindi nya nakakasama si Tiffen.

Habang naglalakad na sila papuntang school ay mahinang bumulong si Tiffany sa kanyang nobyo pero sinigurado nya na maririnig iyon ni Archie.

"Tiffen sa lahat ba ng lakad natin kasama natin yang kaibigan mo? Hindi ba pwedeng magsolo tayo!"
Napatingin naman si Tiffen kay Archie. Alam nya na narinig yun ng kaibigan.
Hinawakan na lang ni Tiffen na mahigpit ang kamay ng nobya at tahimik na naglalakad.

Sa narinig ni Archie kay Tiffany ay dumistansya na sya sa dalawa. Alam nya na tama si Tiffany hindi sa lahat ng bagay ay kasama sya ng kaibigan. Iba na ang sitwasyon ngayon hindi na sila mga bata at may sari sarili na silang buhay kaya nauunawaan na nya ang kaibigan kung hindi na nya ito nakakasama. Masakit sa kanya pero kailangan nyang tanggapin na hindi na sa kanya nakatuon ang atensyon ni Tiffen.

"Uy! San nyo balak magcollege?" Tanong ni Tine na punong puno ang bibig nito habang naglalunch sila. Sina Tine, Pats, Rich, Pearl, Max at Jello na madalas na nakakasama ni Archie.

"Tara Exam tayo sa UST!" Yaya naman ni Pats.

"Kelan tara Archie sama ka?" Tugon naman ni Jello.

"Uy! Hindi yan sasama! Sa Ateneo yan dalawa ni Tiffen." Tugon naman ni Max.

Tahimik naman ngunguya nguya si Archie. Pinag-iisipan nya kasi ang sinabi ng magulang.

Bigla naman sumulpot si Tiffen at tumabi ito kay Archie.

"Uh! Pre hindi mo ata kasama dyowa mo! Asan si Tiffany?" Gulat na sabi ni Jello.

"Umuwi na. Biglang sumakit yung  tyan eh!" Tugon naman ni Tiffen.

.
.
.

Pagkatapos ng klase ay magkakasabay ulit ang pito sa paglabas at kasama nila si Tiffen. Napansin nila nagkakagulo ang mga kababaihan sa labas.

"Huh! Anong meron?" Tanong naman ni Tine.

"Uy! Saksakan daw ng gwapo yung daw nasa labas. Kamukha daw ni Mario Maurer." At humahangos at kilig na kilig na sabi ng ilang kababaihan. Bigla naman lumaki ang tainga ni Pats sa narinig ang sasakan ng gwapo.

My Lesbian Bestfriend Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon