Chapter 8

171 8 0
                                    

Habang naglalakad papasok sa eskwela ang dalawang magkaibigan ay napatigil si Tiffen na mapansin nya ang isang Flower shop. Napatingin naman bigla si Archie na bigla na lang huminto sa paglalakad ang kaibigan.

"Ate magkano to?" Itinuro ni Tiffen ang isang bouquet na kulay pulang rosas.

"350 pesos po" tugon ng tindera. Napaubo naman bigla si Archie na malaman ang presyo.

"Don't tell me bibilhin mo yan para kay Tiffany?"

"Yap!" Nakangising sagot naman ni Tiffen.

"Ate kunin ko na to!" Sabi ni Tiffen sa tindera.

"Sana pumitas ka na lang dun sa garden ni lola! Tatlong pirasong rosas lang naman yan 350 pesos agad. Ano yan tig-iisang daan isang rosas. Tapos 50 pesos yung dekorasyon. Mas maganda pa yung tanim ni lola dyan eh!"

"Baka ano naman ang sabihin sa akin ni Tiffany nyan. Sabihin nya napakakuripot kong tao! Saka pera ko to noh!"

"Pera ng magulang mo! Utot!"giit ni Archie. Tumingin ng masama si Tiffen sa kaibigan.

"Akala ko ba nandyan ka para tulungan ako ha! Gusto mo pa ata akong masbasted eh! O talagang gusto mo talaga akong masbasted dahil nagseselos ka?"

"Ako nagseselos kanino?" Gulat na tanong ni Archie sa kaibigan.

"Sa akin? Aminin mo! May gusto ka kay Tiffany noh!" Napahagalpak ng katatawa si Archie sa sinabi ng kaibigan.

"Hahaha! Ibang klase pala ang ganda ng Tiffany yun nakakaaddict. Lumulutang yung utak mo eh! Hahaha!" Huh!" Tara na! At ibigay mo na yan bago pa malanta."

Kunot noong tiningnan ni Tiffen ang naglalakad na palayo ang kaibigan.

*********

Sa School ay halos nagsisilundag na sa kilig ang mga kababaehan at iba naman ay may halong inggit na harap harapang inabot ni Tiffen kay Tiffany ang biniling bulaklak kanina. Dahil dun ay nagbulong bulungan na ang mga estudyante.

"Grabe nakakainggit naman si Tiffany."

"Wala na tayong pag-asa pre naunahan na tayo ni campus hearthrob"

"Bagay na bagay talaga ang FenNy. Campus hearthrob at ang Campus crush ngayon."

*********

"Archie! What are you doing?" Tanong ng guro nila. May binibilang kasi si Archie sa kamay nya at mukang hindi sya nakikinig sa dinidiscuss ng guro nila.

"Ah! Ano po kasi ma'am binibilang ko po kung ilang balot ng tinapay ang mabibili ko sa 350 pesos. Sa tantya ko po may labing dalawang balot ng tinapay. Sa labing dalawang balot na tinapay siguro marami ng batang nagugutom ang makakain nun di ba ma'am?"

Napangiti ang teacher sa sinabi ni Archie.

"That's good Archie! Bakit mo naman naisip yun?

"Kasi po ma'am sa panahong ito marami ng bata ang nagugutom ngayon. Naisip ko lang po kung may extra money po akong natira galing sa magulang ko mas mabuti po ata ibili ko na lang po ng pagkain o kaya po ipunin ko na lang para idonate ko sa charity kaysa igasta ko sa mga walang kwentang bagay. Atleast may natutulungan ako at may napapasaya akong tao. Share your blessing nga po di ba? Hehe!"buti na lang values and education ang topic namin ngayon.

Napanganga ang mga kaeskwela ni Archie sa mga sinabi nito.

"Wow Archie! That's good. Class narinig nyo yung mga sinabi ni Archie? Wag natin ilustay ang pera sa mga walang kwentang bagay dahil hindi basta basta napupulot yang pera dapat paghihirapan mo muna bago mo makuha!"

Ikinuyom ni Tiffen ang mga palad nya at nagngitngit ang mga ngipin na tumingin kay Archie na ngising ngisi. Alam nya na pinatatamaan sya ng kaibigan. "Bakit hindi ko ba napapasaya si Tiffany sa binigay ko?" Bulong nya sa isipan nya.

********

"Uy! Archie ayos yung sinabi mo kanina ah! Yung totoo? Nilusutan mo lang si Teacher noh!. Halatang hindi ka naman nakikinig kanina eh!" Tatawa tawang sabi ni  Max.

"Hoy! Ang judge mental mo sa akin ah! Nakikinig ako kanina noh! Gusto mong madonate sa akin ng 100 pati na rin ikaw Jello bili tayo ng tinapay. Madaming bata dun sa kanto oh! Ipangvivideo games nyo lang yan eh! Saka panira ng buhay yan! Maawa naman kayo sa magulang nyo uy!" Giit naman ni Archie.

"Grabe ka Archie panira agad ng buhay di ba pwedeng panira ng pag-aaral muna." Tugon naman ni Jello at agad naman tumugon si Archie.

"San pa ba pupunta yun? Kung sira na pag-aaral nyo eh di sira na rin buhay nyo! Ungas!"

Napahawak naman sa baba yung dalawang binata.

"Oo nga noh!" Sabay na sabi ng dalawa.

"Tsk!!! Tsk!!! Tsk!!! Mga ungas talaga!" Sa isip isip ni Archie.

*********

My Lesbian Bestfriend Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon