Chapter 35

201 7 0
                                    

Dali daling pumasok si Tiffen sa bahay nina Archie.

"Tita Si Archie po!" Ang sabi nya sa kanyang Tita Chella.

"Lumabas dala nya yung sasakyan! Hindi ko alam kung saan pupunta yung batang yun eh. Basta na lang nya hiniram yung susi ng sasakyan ng Papa nya!" Tugon naman ng Tita Chella nya.

"Ho!" Gulat na sabi ni Tiffen at agad syang tumakbo palabas para kunin ang motor nya at hanapin si Archie. Gusto pa man kausapin ng ginang ang binata dahil umuwi ang anak namumugto ang mga mata at wala sa sarili. Gusto nya kausapin ang kaibigan nito kung may mabigat na problema bang dinadala ang anak.
.
.
.
"Chella! Si Archie Andyan ba? Gusto ko lang kausapin baka may alam sya kung bakit iba yung kinilos ni Tiffen. Para syang wala sa sarili pumasok sa bahay eh at dali dali nyang kinuha nya yung susi ng motor nya. Aba'y Bigla na lang umalis ng bahay na walang paalam!" Ang sabing nag-alalang ina ni Tiffen na biglang sumugod sa bahay nina Archie.

"Naku! Si Archie ganun din umalis din dito sa bahay dala yung kotche ng Papa nya. Pumasok din dito sa bahay na wala sa sarili. Parang galing sa pag-iyak eh! Galing din dito si Tiffen. Hinahanap nya si Archie! Gusto ko nga ring kausapin ano yung nangyari. Ay bigla na lang umalis!" Tugon naman ni Chella.

"Dyos ko po! Ano bang nangyayari sa mga batang yun!" Napahawak naman sa noo si Sandy.

.
.
.

Mabilis na pinaharurot ni Tiffen ang kanyang motor. Palinga linga sya sa paligid na baka makita nya ang sasakyan ni Archie.

Si Archie naman ay ganun din mabilis nyang pinatatakbo ang dala nyang sasakyan na parang sa kanya lang ang daan. Wala sya sa sarili sa pagdadadrive at hindi alam kung saan ang patutunguhan. Deretcho lang ang tingin nya sa kasalda. Ang tanging nasa isip lang nya ay mawala ang mabigat na dinadala sa kanyang kalooban. Hindi nya alam kung tama ba ang ginawa nyang desisyon. Kung dapat bang iwan ang taong mahal nya at magparaya para wala taong masaktan. Gulong gulo ang isip ng dalaga kaya lalo pa nyang pinatakbo ang kanyang sasakyan na halos lumipad na sa bilis.

Si Tiffen naman deretcho pa rin sa pagmamaneho ng kanyang motor. At sobrang bilis nya ring magpatakbo ay hindi nya namalayan na may biglang sumulpot na kulay puting kotche sa kanan nya na sobrang bilis din at dahil dun ay mabilis nyang iniwasan to pero sa pag-iwas nya ay meron palang rumaragasang trak na sumalubong sa kanya.

"BLAG!!!!"

Tumilapon si Tiffen mula sa motor nito at malakas na napabagok ang ulo ng binata na dahilan na pagkawala ng malay.

Biglang nahimasmasan si Archie na makita ang motor na umiwas sa kanya. Na makilala nya na ang kaibigan ang nagmamaneho ng motor ay biglang napatuon ang tingin nya dito pero sa pagwala ng atensyon ng tingin nya sa kalsada ay hindi nya namalayan na may batang biglang tumawid kaya nailiko nya ang kanyang kotche at malakas na sumalpok sa poste.

"BLAG!!!"

Basag ang salamin ng harapan ng sasakyan at si Archie ay nawalan ng malay dahil sa malakas na pagkakaumpog nito.

Mabilis na umaksyon ang mga taong nakasaksi sa pangyayaring aksidente kaya mabilis nakarating ang ambulasya.

Parehong duguan na isinakay si Tiffen at Archie sa Ambulasya. Si Tiffen ay unting unting nagkakamalay. Pinilit nyang iminumulat ang kanyang mga mata at sa kanya pagmulat ng kaunti ay nakita nya ang katabing walang malay at duguang kaibigan.

"A..... Ar..... Chie!" Hirap nyang pagkakasabi at doon ay unti unti ulit nagdidilim ang kanyang mga paningin at tuluyan na ulit nawalan ng malay.
.
.
.
Mabilis silang itinakbo sa Emergency Room. Sinuotan na sila ng oxygen at kapwa binobomba na ang kanilang dibdib at di naglaon ay ginamitan na ito ng kuryente para muling umaayos ang tibok ng kanilang mga puso.

**********

My Lesbian Bestfriend Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon