Chapter 33

142 6 0
                                    

Tahimik na nakatayo si Alejandro sa labas ng bahay nina Archie na bigla napalundag dahil nagulat sya sa bigla pagsulpot ni Tiffen sa likod nya.

"Ay dyosmisyu kalabaw ka! Ano ka ba naman Tiffen para kang kabote na bigla bigla kang sumusulpot! Aatakihin ako ng puso sayo eh!" Hihingal hingal at lalambot lambot na pagkakasabi ni Alejandro habang ang isang kamay ay nakahawak sa dibdib. Si Tiffen naman ay nakatulalang pinagmasdan si Alejandro. Nagulat sya sa pinakitang kilos ng inaakalang kasintahan ng kaibigan. Napansin naman ni Alejandro ang pagkatulala ni Tiffen.

"Ok! Ok! Fine! I'm gay!" Ang sabi ni Alejandro sabay ang paglantik ng kamay nito.

"What! Alam ba ni Archie yan ha! Sabihin mo! Susuntukin kita!Sinaktan mo yung kaibigan ko!" Nagulat at Nanggagalaiting hiniwakan ni Tiffen sa kwelyo si Alejandro.

"Easy! Of course yes! Kakunchaba ko yung bruha noh!" Ang sabi naman ni Alejandro at bigla naman binitawan ni Tiffen ang kwelyo nito.

"A.... Anong ibig mong sabihin ha!" Nauutal na sabi ni Tiffen dahil hindi sya makapaniwala sa sinabi ni Alejandro. Umayos naman si Alejandro si pagkakatayo at nag-umpisang ipinaliwanag kay Tiffen.

"Nagpanggap lang kame ni Archie na magdyowa. Pinakiusapan ko sya para maitago ko yung kabaklaan ko sa pamilya ko. Pero ngayon I'm so tired na! Hirap na hirap na akong itago to! Gusto ko ng huminga, gusto ko ng gumalaw , gusto ko na ng kalayaan. Wala si Archie sa loob kaya andito ako sa labas hinhintay ko yung bruha! Gusto ko ng sabihin ito kina Tita Chella pero kailangan ko ng back up eh! Babalik na ako ng Japan iri reveal ko na kung sino ako at ano ako! Wala na akong pake kung bugbugin man ako ng tatay ko basta nailabas ko na kung sino ako. Hays! Ilang taon ko tong itinago noh! Ngayon it's time to shine! Pak ganern!"  Sabay pumaywang si Alejandro.

Nakanganga si Tiffen sa mga sinabi ni Alejandro. Gusto nyang sumigaw dahil ang buong akala nya ay masaya ang kaibigan dito pero isa lang pala itong malaking kasinungalingan. Nanghihinayang sya sa mga sandali kasama ang kaibigan na sana noon pa nya ipinagtapat ang kanyang damdamin. Na baka sakaling tanggapin sya nito at kung hindi man ay nakahinga sya ng maluwag dahil nailabas na nya matagal na itinatago sa puso nya.

"Ay! Tiffen pakibagay na lang ito kay Archie. Naiwan nya ito sa hotel eh! Mukhang napagod na rin magtago ng nararamdaman ang bruha! Kaya dyan na lang isinulat! Uwi na ako! Ang tagal kasi ni Archie! Bukas na lang!" Inabot ni Alejandro ang isang Sketchpad na pagmamay-ari ni Archie at sumakay na ito sa loob ng kotche nya  bago paandarin ito ni Alejandro ay sumilip muna ito sa bintana.

"Tiffen! Walang bayad ang pagtingin dyan kaya Ok lang na tingnan mo yung laman nyan! Hehehe! Saka wala naman si Archie hindi nya mahahalata na tiningnan mo! Bye!" At pinaharurot na ni Alejandro ang sasakyan.

Naiwan si Tiffen na nakatulalang tinitigan ang hawak nyang sketchpad ng kaibigan. Naaakit syang buksan ito kaya binuksan nya muna ang isang pahina. Pinagmasdan maigi ni Tiffen ang pulidong pagkakaguhit ng dalawang sanggol na nasa isang crib. Pagkatapos nun ay binuksan nya pang isang pahina. Dalawang batang nasa duyan. At tiningnan nya ito isa isa. Baba sa likod ng isang batang lalake ang isang batang babae, magkatabing lalake at babae sa upuan sa loob ng eskwelahan, magkasama ng nag-aaral, masayang naglalaro ng basketball. Naningkit ang mga mata ni Tiffen na mapagtanto nya na sila itong dalawa ni Archie. Naalala nya lahat ang ito yung ginagawa nila kapag magkasama sila. Ang paghatid sundo nya kay Tiffany, Ang pag-aaral nila sa kwarto nya, ang kumakain sila sa canteen, ang pag-aaway nila sa gym, ang muli nilang pagkikita sa reunion, ang muling pagbabalik ng samahan nila noong nasa basketball gym, ang pagkikita nila ni Mitch lahat ng ito ay iginuhit ni Archie. Hanggang mabuksan ni Tiffen ang isa pang drawing. Isang babaeng nakaupo sa isang loob ng basketball gym. Pansin ni Tiffen ang mga lungkot sa mga mata at ang mga luhang dumadaloy sa mukha nito. Hindi mapigilan ni Tiffen ang mahabag dahil sa larawang iginuhit ni Archie ay parang may dinadala ito na isang masakit na nadarama at lalong nagpahabag sa kanyang damdamin ay nung mabuksan nya ang isa pang pahina. Hindi na ito isang larawang iginuhit kundi isang tulang isinulat na inilabas ang lahat ng saloobin. Umiyak ng lubusan si Tiffen at Yugyog ang balikat nya pagkatapos basahin ang sulat na ginawa ni Archie.

Sising sisi sya sa sarili kung bakit humantong sa ganito. At ang tanging hangad nya ay ang makita ang kaibigan. Naalala nya ang larawan na nasa Sketch pad. Ang basketball gym. Si Archie ang babaeng na nasa gym. Ang babaeng napakulungkot at may bigat na dinadala. Kaya agad tumungo si Tiffen sa gym dahil ito ang madalas puntahan ni Archie kapag may problema ito.

**********

My Lesbian Bestfriend Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon