Ang masamang titig ni Archie kay Tiffany at sa biglaang pag-alis nito. Sa pagtayo at paglisan saglit ni Tiffany ay napansin lahat yun ni Shane. Lumabas din sya ng gym para sundan si Archie gustong nyang malaman bakit ganun na lang kasama ang titig nito at biglaang pagbabago ng mood ng makita si Tiffany.
"A..... Archie!" Nangangatog na tawag ni Tiffany sa kaeskwela. Lumingon si Archie na nanlilisik ang mga mata.
"What!" Galit na sabi ni Archie.
"I explain!" Tugon naman ni Tiffany. Napangiwi naman si Archie.
"Explain what? Lumayo sa akin ang bestfriend ko dahil sayo! Tapos ganyan lang gagawin mo ha! Nanggamit ka ng tao dahil dyan sa sarili mong kapakanan at hindi mo inisip na may masasaktan ka! My god! You are the first girlfriend of my bestfriend! Tapos yan ang mararanasan nya sayo! Layuan mo ang kaibigan ko bago nya malaman ng lahat dahil mas masasaktan sya kapag malaman nya lahat nang pinaggagawa mo. Atleast kahit ganun ay hindi lubos lubusan ang sakit ng mararamdam nya! "
"A.... Archie!" Nanginginig na sabi ni Tiffany.
"Stay away of my BESTFRIEND kung ayaw mong bangasan ko yang pagmumukha mo!" Tumalikod na ito sa kausap at tuluyang nilisan ang lugar.
Napahilamos ng mukha si Tiffany at napabuntong hininga. Hindi sya nakapagsalita dahil tama lahat ang sinabi ni Archie ginamit nya lang si Tiffen. Madali lang sa kanya ang hiwalayan si Tiffen pero hindi nya inaasahan na mahuhulog ang loob nya dito pero di naman nya kayang mawala si Jerome sa kanya. Ngayon gulong gulo ang isip nya kung bakit nagmahal sya ng dalawang lalake.
Habang si Shane ay tahimik na nasa bandang likuran lang ni Tiffany. Ngayon alam na nya kung bakit. Pumasok na sya sa gym bago pa man sya makita ni Tiffany.
**********
Makasamang nag-aaral ang dalawang magkaibigan.
"Huh! Akala ko kinalimutan mo na ako! Dahil dyan sa dyowa mo! Dyowang hitad!" Sabi naman ni Archie.
"Baka ikaw naman yung nakalimot pumunta ako sa inyo kahapon wala ka! May sumundo daw sayo!" Tugon naman ni Tiffen na may halong pagtatampo. Natahimik saglit si Archie. Naalala nya si Tiffany. Hindi nya alam kung sasabihin ba nya sa kaibigan kung ano yung ginagawa sa kanya ng girlfriend.
"Tiffen gaano mo kamahal si Tiffany?" Nawala sa pagbabasa si Tiffen dahil sa hindi nya inaasahang tanong ng kaibigan.
"What are you talking about?" Nagtatakang tanong ni Tiffen sa kaibigan.
Bumuntong hininga si Archie na biglang kumatok ang Ninang Sandy nya at pinagbuksan naman agad ito ni Tiffen.
"Tiffen may naghahanap sayo sa baba. Girlfriend mo daw!" Nagulat si Tiffen sa sinabi ng ina. Hindi nya pinaalam sa mga magulang na may nobya na ito dahil gusto ng mga magulang nya na patapusin muna nya ang High School. Iniisip ng mga magulang nya na masyado pa syang bata para sa mga ganung bagay.
"Mag-usap tayo mamaya!" Pagkasabi ng ginang ay iniwan na nya ang anak na hindi na nakakibo dahilan sa biglaang pagpunta ni Tiffany sa kanilang bahay. Tumingin sya kay Archie na para humihingi sya ng saklolo kung ano yung gagawin nya pero seryoso lang na nakatitig at walang imik ang kaibigan sa kanya. Napabuga ng lang sya sa hangin at bumaba para puntahan ang nobya.
Pinagmasdan ni Tiffany ang pagbaba ng nobyo. Nakahinga ito ng maluwag na bigyan sya nito ng matamis na ngiti dahil kinakabahan sya na baka sinabi na ni Archie ang tungkol sa nangyari kahapon. Bigla naman ulit lumakas ang kabog ng dibdib nya na makita nya na nakasunod si Archie sa likod ng nobyo.
"Tiffen uwi muna ako." Paalam ni Archie sa kaibigan. Bago sya lumabas sa bahay ay binigyan nya muna ng matatalim na titig si Tiffany at patay malisya naman iniwas ni Tiffany ang kanyang mga tingin.
Hinayaan na ni Archie na kausapin ni Tiffany ang kaibigan. Iniisip nya na baka sinunod na to ang mga sinabi nya kahapon na tuluyan ng hiwalayan ang kaibigan kaya siguro ito ang dahilan ang biglaang pagsugod sa bahay ng matalik na kaibigan.
Sa iniisip ni Archie ay kasalungat naman sa iniisip ni Tiffany. Pumunta sya sa bahay ng nobyo dahil gusto nya makisiguro na wala pang alam si Tiffen. Ngayon wala pang alam si Tiffen ay uunahan nya na si Archie. Sa ilang buwan na naging magkasintahan silang dalawa ni Tiffen ay di nya inaasahan na mahuhulog ang loob nya dito. Ayaw nyang mawala sa kanya si Tiffen kaya nag-isip sya ng paraan kung paano hindi mawawala sa kanya ang nobyo at isa pang dahilan ay para hindi madungisan ang kanyang pagkatao.
**********
BINABASA MO ANG
My Lesbian Bestfriend Part 1
RomanceI want you, I like you and I love you. Paano ko sasabihin sa kanya ang lahat ng to if she is my one and only my bestfriend at ang masaklap pa she is a LESBIAN.