Final

427 12 2
                                    

FLASHBACK

Tiffen's letter

Sa simula ng tayo ay isinilang tayo na ang magkaagapay
Pinilit kong itago ang aking nararamdaman sapagkat ikaw ay ayaw kong mawalay
Hangad ko ang puso mo sa akin ay ibigay
Ngunit ikaw ay biglang humiwalay

Sino ba ang dapat sisihin sa yong paglisan
At ako'y iyong iniwanan
Ako ba? Sa mga sinabi ng iba ay madali kong pinaniwalaan
Ikaw? Na hindi mo hinintay ang paliwanag ko at sayo ay sambitin
O ang sasakyang himpapawid? Na ikaw ay nilayo sa akin

Sayong pagkawalay
Puso ko ay nahimlay

Matagal kitang hinanap ngunit bakit ako'y tila iyong pinagtataguan
Kaya ang puso ko ay sumuko at tanggapin na hindi magiging tayo kailanman

Sayong paglisan ay pinilit kong maging masaya
Nagkunwari na ako ay hindi na umaasa
Nagmahal na iba upang makalimutan ka

At sayong pagbabalik sinabi ko sa sarili ko na hindi na kita mamahalin pa
Ngunit ng ikaw ay muling nasilayan bakit mas lalong tumindi pa
Ang matinding nararamdaman ay sayo pa rin pala

Ngunit ng malaman ko na may minahal ka ng iba ako' y lubusang nasaktan
Sapagkat sya ang dahilan ang nagpabago ng iyong katauhan

Masakit man isipin
Pero kailangang tanggapin
Na kailanman ika'y di na mapapasaakin

Mahirap magpaalam sa taong ayaw ko ng iwanan
Tanggapin ano man ang ating kapalaran

Sa pagsapit ng bukas sa altar ako'y haharap kasama ang babaeng sya ata ang nakalaan
Pero kahit kailan hindi ko malilimutan
Na ikaw ay bahagi na ng aking nakaraan

Na minsan sa buhay ko minahal ko
Ang BESTFRIEND ko.
.
.
.
Archie's letter

Simula't sapol ikaw na ang aking kasama
Ikaw ang kaagapay sa twina

Ngunit ng ikaw ay nagbinata bakit ako tila iyong kinalimutan
Mas inuna mo ang iba para ako ay lubusang masaktan
Maraming kang masasakit na salita sa akin ay binitawan
dahilan ng aking paglisan

Umalis ako sa bansa na ating sinalanganan
Upang ang sakit ng nararamdaman ay mahimasmasan

Sino ba ang dapat sisihin sa aking paglisan
At ikaw ay iniwanan
Ako ba? Ang tanging hangad lamang ay ang iyong kapakanan
Ikaw? Na hindi mo lang nadama ang aking nararamdaman
O ang hangin? Na tumulak sa sasakyang himpapawid na aking nilulan

At sa aking pagbabalik ng dahil sayo katauhan ko ay nagbago
Dahilan na ikaw ay biglang nanibago

Ngunit bakit ako ay tila'y biglang nasaktan
Kirot sa puso ang aking naramdaman
Na malaman puso mo'y meron ng laman

Ang sabi nila masarap daw ang umibig
Pero bakit sa akin ang pait ng daigdig

Ang sarap alalahanin ang ating pinagdaanan
Tawanan, asaran at kulitan
Dahil sa tuwing nasa isipan ko ang lahat ng ating pinagsamahan
Ibang saya ang aking nadarama
Dahil andun ka at kapiling pa kita.

Sa pagsapit ng kinabukasan
Andun ka sa simbahan
Kasama ang babaeng talaga sa iyo'y nakalaan
At dapat mo ng paglaanan

Masakit man sa akin
Kailangan ko ng tanggapin
Na atensyon mo'y hindi na sa akin

Oh aking mahal na kaibigan
Ako sana'y pakinggan
Sa papel na aking isinulat
Damdamin ko ay isiniwalat

Sa aking pamamaalam sana iyong tandaan
Ikaw ay bahagi ng aking buhay magpakailaman
Hanggang sa mundo ako ay lumisan

At ang tanging sambit ko
Noon pa
Mahal ko na ang BESTFRIEND ko

*
*
*
*
*
*

I love you Archie
.
.
.
I love you too Tiffen

I love you too Tiffen

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Until the end

Tuluyan ng gumuhit ang mga linya sa cardiac monitor nila sa isa't isa at unti unti ng tumigil ang pagtibok ng kanilang mga puso.

Tuluyan ng gumuhit ang mga linya sa cardiac monitor nila sa isa't isa at unti unti ng tumigil ang pagtibok ng kanilang mga puso

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

THE END.......

.
.
.

"Hoy! Best gumising ka na malapit na bumaba yung eroplano! Uy!!" Yugyog  ang balikat ni Alexandra ang kaibigang katabi. Bigla naman naalimpungatan si Archie.

___________________________

Thanks! Po! Sana po suportahan nyo rin po yung book 2.

Doumo Arigatoo Gozaimasu!!!!

Yasashionna :)

My Lesbian Bestfriend Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon