Chapter 34

156 6 0
                                    

Pagpasok ni Tiffen sa gym ay iniikot nya agad ang kangyang mga mata na baka sakali andun ang kanyang pinakamamahal na kaibigan at mukang hindi nga sya nabigong hanapin to.

Andun si Archie yugyog ang balikat na nakaub ub sa kanyang mga tuhod habang hawak hawak nya ang isang pirasong papel na ibinigay sa kanya ng Kuya Tyler nya kanina.

Nangangatog na lumapit si Tiffen sa kaibigan. Hirap na hirap syang ibuka ang kanyang mga bibig dahil labis rin syang nasasaktan sa mga nangyayari at lubos nya sinisisi ang sarili kung bakit naduwag syang ipagtapat sa kaibigan ang tunay na nararamdaman. Kung kaya nya lang ibalik ang kahapon ay gagawin nya para hindi na sila lubusang nasasaktan sa isa't isa.

"A...... Archie!" Nangangatog na tawag ni Tiffen.

Tumunghay si Archie ng dahan dahan. Sobrang pamumula ng kanyang mga mata dahilan sa patuloy ang pag-agos ng kanyang mga luha at kitang kita sa kanyang mga mata ang labis na kalungkutan at sakit na nararamdaman. Lalo syang napahikbi na makita nya ang kanyang sketch pad na hawak ni Tiffen. Yugyog ang balikat nya sa pag-iyak. Umiiling na lang sya na tinitigan ng malalim ang pinakamamahal na kaibigan.

Hindi nakapagsalita si Tiffen sa nakitang itchura ni Archie bagkus ay niyakap nya ito ng mahigpit. Damang dama nya ang sakit ng nararamdaman nito ay hindi na rin naglaon ay unti unti na rin ang pag-agos ng mga luha nya.

"I'm sorry Archie! I'm sorry! Dahil sa katangahan ko at dahil sa kaduwagan ko nasaktan ko ang pinakamamahal ko! Hindi pa ang huli ang lahat kaya pa natin ayusin to! Mahal kita Archie! Higit pa sa kaibigan ang pagmamahal ko sayo! Please ayusin natin to!" Ang humahagulhol na iyak ni Tiffen. Bumitaw si Archie sa pagkakayakap kay Tiffen.

"No! Tiffen! Paano si Mitch ha! Paano natin aayusin toh, paano tayo magiging masaya kung sa kabila nito ay meron tayo naapakan at nasasaktan na tao. Napakabuting tao ni Mitch. Ayoko syang masaktan ng dahil sa akin! Sapat na ako na lang masaktan at magparaya .ituloy mo ang kasal mo Tiffen!"

"Paano ako! Hindi ba ako nasasaktan! Magpapakasal ako sa babaeng minsan ko lang minahal pero ang isip at puso ko'y na sayo!"

"Hindi sya mahirap mahalin Tiffen! Nagawa mo syang mahalin noon at magagawa mo rin ito ngayon! Pinili mo ang sitwasyon na to! Inalok mo sya ng kasal kaya panindigan mo!"

"Minahal ko sya dahil nakikita kita sa kanya noong nawala! Ikaw yung nakikita ko Archie! Ikaw!"

"Pakasalan mo sya! Alam kong kasalanan ko rin ang nangyari dahil matagal ko rin itong itinago to Tiffen! At pagbabayaran ko ang lahat ng to! Handa akong magparaya alang alang sa taong mahal ko at tanggapin na ito ang ating kapalaran!"

Niyakap ulit ng mahigpit ni Tiffen si Archie. Hindi nya kayang tanggapin ang sinapit ng kanilang kapalaran na dito lang pala hahatong ang maganda nilang pinagsamahan.

"Archie! No!" Humahagulhol na iyak ni Tiffen.

Unti unti ulit bumitaw si Archie sa pagkakayakap. Hinawakan nya ang dalawang pisngi ng kaibigan at tinitigan nya itong mabuti sa mata.

"Mahal na mahal kita!" Malumanay nyang pagkakasabi at dahan dahan nyang hinalikan sa noo si Tiffen.

Tinalikuran na ni Archie ang kaibigan upang lisanin na ang gym at iwan ng mag-isa si Tiffen pero bago man makaalis si Archie ay hinawakan muna ni Tiffen ang mahigpit ang mga palad nito.

"I love you!"

Dahan dahan naman ngumiti si Archie at tiningnan si Tiffen.

"I love you too and GOODBYE!" Sa pagkakahawak ng mahigpit ng kanilang palad ay unti unti ng lumuluwag at tuluyan ng naghiwalay. Sa pagtalikod ni Archie ay doon ulit kumawala ang ang kanyang mga luha. Mabilis at malaki ang mga hakbang nya na lumabas sa gym at lisanin ang sakit na nadarama.

Sa paglisan ni Archie ay malakas na humiyaw si Tiffen at naisuntok nya ng malakas ang kanyang kamao sa ding ding.

"Aaaaaaaahhhh!"

Malakas  na sigaw ni Tiffen. Tumutulo na ang kanyang dugo mula sa kanyang kamao pero hindi nya nararamdaman ang sakit nito dahil ang nararamdaman nya ay ang sakit na nararamdaman sa kaibigan. Nasasaktan sya dahil kailangan nyang tanggapin ang masaklap na kapalaran na ibinigay sa kanya ng dyos. Siguro ito na ang parusa na ibinigay sa kanya dahil dalawang beses na syang nanggamit na walang kamalay malay na tao upang maibsan ang kanyang natatagong nararamdaman sa kaibigan.

"Sundan mo sya! Mahal mo sya di ba? Kaya sundan mo sya!" Si Mitch na kanina pala na nadun sa gym. Napakinggan nya lahat ng madamdaming pag-uusap ng magkaibigan. Hindi rin napigilan ni Mitch ang pagtulo ng mga luha dahil sa sakit na natuklasan.

"M...... Mitch!" Gulat na nanlalaki ang mga mata ni Tiffen tiningnan si Mitch.

"Mahal mo na sya noon pa di ba? Bakit hindi mo sundan!" Tugon naman ni Mitch. Masakit man sa kanya ang sabihin ito pero ang kailangan nyang tanggapin na hindi sa kanya si Tiffen.

"P.... Pakasal ako sayo bukas!" Ang nanghihinang sabi ni Tiffen at umiiling na naman si Mitch.

"Pwes! Ako hindi! Magpapakasal ka lang sa akin dahil sinabi nya. Mahal ka nya, mahal mo sya, ako mahal lang kita. Ayokong magpakasal sa taong hindi talaga sa akin. Sa tingin nyo magiging masaya ako sa piling mo! Hindi Tiffen, dahil labis din akong nasasaktan kung ang taong kapiling ko ay iba naman ang nasa puso't isipan. Gusto kung magpapakasal ako ay ako yung nakikita nya ng buong buo at hindi ang ibang tao ang nakikita. kaya sundan mo sya Tiffen bago mahuli ang lahat!"

"M.... Mitch!" Niyakap ng mahigpit ni Tiffen si Mitch labis sya nasaktan sa ginawa nya dahil nasaktan nya rin ang isang babae na naging parte na ng buhay nya.

"I'm so sorry Mitch!"

"Sige na puntahan mo na sya! Hangad ko ang ikaliligaya ng mahal ko."

"Salamat Mitch! Salamat!" Namamaos na boses na sinabi ni Tiffen. Hinalikan nya muna ang dalaga sa noo bago tuluyan lumisan para sundan ang taong sino talaga ang nasa loob ng puso nya.

Pagkalisan ni Tiffen ay napahagulhol na ng iyak si Mitch. Kailangan na nyang tanggapin na isang syang bolang itinapon ni Tiffen sa ring na hindi pumasok. Ipinilit na ipasok sa buhay ng taong minsan ay minahal nya ngunit ay sa bandang huli ay lalabas at lalabas din sya.

***********

My Lesbian Bestfriend Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon