I Can't Help But Hate You.

1.6K 46 2
                                    

---EMILY---

Nag-stay kami sa ancestral house nila ng matagal. Si Lolo Al, kung anu-anong tinanong tungkol sa particulars ng magiging arrangement namin. Nang malaman niyang hindi kami nag-plano ng kahit na ano after the wedding he insisted na magkaron man lang kami ng dinner para sa mga dadalo, which only consists of four people anyway. Sabi niya siya na daw ang gagastos.

Marami pa silang pinag-diskusyunan. Kung patuloy parin ba daw akong magta-trabaho sa coffee shop, kung saan kami titirang dalawa at kung ano daw balak kong sabihin sa mga ka-pamilya ko since hindi ko naman pwedeng itago yung apo niya sa kanila.

Si Alexander yung parating sumasagot sa mga tanong niya. Although napag-usapan na naman namin yun. Hindi ako titigil sa pagta-trabaho sa coffee shop coz if I do mabobored lang ako. Hindi naman kasi pwedeng parati kong bisitahin si Lolo, magtataka sila dahil ang sabi ko mag-tatrabaho ako and it wouldn't look that way kung lagi akong nasa ospital. 

Sa condo niya kami titira pero we had an agreement that we would treat each other as roommates, kaya naman sa guest room ako matutulog. Naka-punta na ko sa condo niya at napakalaki nung space dun. Penthouse kasi kaya naman may second floor. Yung kwarto niya nasa taas. Yung sakin nasa baba. May sarili siyang banyo sa kwarto niya kaya naman yung banyo sa first floor ako lang daw yung gagamit. 

Yung tungkol naman sa pamilya ko, in-assure namin si Lolo Al na ipapakilala ko si Alexander kina Lolo, pero only as my boyfriend. Sinabi namin sa kanya na sasabihin namin yung totoo once he get's a bit better. Which was actually a lie. Napagka-sunduan kasi naming dalawa na kahit kelan hindi ko siya ipapakilala kina Tita lalo na kay Lolo. Malaking gulo lang pag nagkataon.

Nag-try ulit si Lolo Al na i-move ang date ng kasal para naman daw makadalo yung iba nilang kapamilya pero hindi pumayag si Alexander.

"You're the one who wanted us to get married fast. Isa pa anong gagawin ng mga yun sa kasal namin? They'll just get in the way. Kung anu-ano lang itatanong nila. It's better this way, they wouldn't care anyway."

"Pero pamilya mo sila. Panong Papa mo? Did you even tell him?"

"Tch. He'll know if you tell him. Ikaw ng mag-explain sa kanila." 

Sa totoo lang hindi ko maintindihan kung bakit ganun niya ituring ang Lolo niya. I mean oo siyang dahilan kung bakit hindi nagka-tuluyan yung parents niya pero he's the one who raised him, right? Ni mangu-po man lang hindi niya magawa. If that was me, siguradong pagagalitan ako agad ni Lolo.

Whatever, wala akong time para intindihin yung relationship nila. Yung relationship nga namin magulo din e. Baka itong lalaking ito lang talaga yung may problema. Malapit na kaming ikasal at marami pa kong kelangang gawin, yung mga gamit ko kina Gigi kelangan ko pang ayusin para sa pagli-lipat bukas. Kayo na pong bahala sakin, Lord.


---ALEX---

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sakin ng bumaba ako sa pick-up truck.

"Anong sa tingin mo?" Sabi ko sa kanya, tiningnan ko yung ilang boxes at luggage sa tabi niya. Don't tell me ito na lahat ng gamit niya?

"Akala ko si John susundo sakin? Diba sabi mo may trabaho ka?" Tanong niya.

"Gusto ni Lolo ako ang tumulong sayo. Ito lang ba gamit mo?" Tumango siya. I know she's poor but seriously, this is all she has? 3 medium sized cardboard boxes and 2 luggage? 

"Where's your friend?" Tanong ko, kinuha ko yung box na malapit sakin at inilagay ko sa likod ng truck.

"May rehearsals sya sa club."

He Married the Stripper.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon