Tell Me Your Wish.

562 16 2
                                    

---NARRATOR---

"Hinalikan ka nya with tongue?! Shet bes. Masarap ba?... Wag ka ngang pabebe. Oo o hindi lang naman... well, nag-kiss back ka ba?... O edi masarap nga!... e kasi po madam nag-kiss back ka. Kung hindi ka nasarapan hindi ka mag-kikiss back agad-agad! Gets mo?... E anong sabi nya?... Wala? As in parang walang nangyari?... Siguro nga dahil naka-inom lang sya... may posibilidad nga... bes, wag ka ding pa-apekto, isipin mo na lang at least luma-lovelife ka kahit fake lang... Anyway, jan ka na. Sama na ng tingin sakin ni Madame Cora... Kbye, labyu!"

"Gigi, may customer ka."

"Sino po?"

"Si Accountant." Napa-ngibit si Gigi.

"Sya na naman? Gabi-gabi na lang nandito yan." Sabi ni Charie na nakikinig pala.

"Ate Cora, sabihin mo wala ako, ayoko dun. Ang creepy nya."

"Paano naging creepy e mukhang professional nga sya e tsaka ang gwapo pa."

"Yun na nga e. Mukhang professional pero iba yung navi-vibes ko sa kanya."

"Sus Gigi, ang sabihin mo hindi ka lang sanay sa mga batang papables, madalas kasi DOM nag-rerequest sayo e."

"Malamang DOM's lang naman talaga madalas na pumupunta dito e." Nag-tawanan silang dalawa.

"Ay naku, kayo talagang dalawa. Sige na, Gigi. Mag-ready ka na."


Lumabas ng dressing room si Gigi at nag-punta sa lounge, maraming customers ang nakaka-kilala at bumati sa kanya at gaya ng tinuro sa kanya nakipag-flirt sya sa ilan sa kanila at in-entertain. Malapit na sya sa booth kung saan nag-hihintay ang masugid pero reclusive na client, mas lalo nyang binagalan ang pag-lalakad at tinagalan ang pakikipag-usap sa mga nadadaanan. Hoping to delay her meeting with the 'Accountant'.

"Hi, how are you today?" Tanong ni Gigi nang naupo sya sa harapan nito. Katulad ng mga naka-raang gabi, naka-suit and tie ang lalaki, naka-garamond regular eyeglasses at may briefcase sa tabi at katulad ng mga naka-raang gabi nakatalikod sya sa stage, hindi katulad ng ibang patrons na palaging naka-harap at nanonood sa mga babaeng nagpe-perform.

"Okay... napapa-dalas ata punta mo dito, pero ako palagi hinahanap mo. Baka gusto mong i-try yung ibang girls." Tine-twirl ni Gigi ang dulo ng buhok nya, her lips in a seductive smile pero imbis na sumagot or mag-react, he just slid a drink towards her.

"It's Mai Tai. That's what you always order, right?" Sabi ng lalaki when she didn't react.

"Ah... Oo, thanks pero... kanina pa kasi akong umiinom e. Ayoko namang mala--"

"How? You're dancing in an hour, you're not allowed to drink before your sets, right?" Natigilan si Gigi. Hindi alam kung anong isasagot sa kaharap. Naka-titig ang lalaki sa kanya. Walang expression ang mukha nito. Sa tagal na ni Gigi na nag-tatrabaho sa club ngayon palang sya nakaramdam ng takot sa isang customer. She's used to dealing with different kinds of people, she's shared a drink with known drug dealers and politicians but she feels safer with them than with him.

"O-oo... pero... secret lang ha. Nag... ano. Nagsa-shot kami sa likod... kapag wala yung mga... bantay..."

"Are you lying to me?" Hindi kumukurap na tanong ng lalaki.

"Genie(stripper name ni Gigi), tawag ka sa loob." Tapik sa kanya ni Charie ng nilapitan sila nito, agad na tumayo si Gigi.

"Sorry, sir. Mauna na ko. Duty calls." Sabi ni Gigi. 

"Gusto mong tumawag ng iba, pogi?" Tanong ni Charie sa lalaki. Umiling lang ito without looking at her.

"See you later, Genie." Sabi nito and with a forced smile nag-paalam na si Gigi dito.

He Married the Stripper.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon