Her Downfall.

2K 48 4
                                    

---EMILY---

Tiningnan ko ulit yung calling card na binigay sakin ni Gigi kanina nung nagpunta ako sa club. Hindi naman ako sinesante ni Mother G, suspended lang ako for two weeks, nagmakaawa ako pero hindi daw pwede dahil may rules ang club, wala na kong nagawa kundi pumayag na lang. 

                                                                Alexander Altamerana III
                                                        Altamerana Global Corporation. 
                                                                                  CEO
                                                                         09xx-xxxx-xxx                                                                

Sabi ni Gigi, medyo pamilyar daw yung pangalan pero hindi lang daw niya maalala. Sa totoo lang, wala akong pakialam. Naglalakad lang ako pabalik ng bahay ng may makita akong isang van sa tapat nito at ilang tao na nagpapabalik balik sa loob ng bahay.

"HOY! HOY! ANONG GINAGAWA NIYO DIYAN! BAHAY KO YAN!" Sigaw ko.

"Emily, tumahimik ka nga." Sabi ni Tita, lumabas siya ng bahay kasama ang isang lalaki.

"Tita, anong... anong nangyayari dito? Anong ginagawa niyo sa bahay?" Bago niya ko sinagot, kinausap muna niya yung lalaking kasama niya at naglabasan na yung iba pa. 

"Kukunin namin ang bahay. Tatawagan na lang kita ulit." Sabi nung lalaki. Ngumiti si Tita at isinara ang pinto at nun ko lang napansin yung nakapaskil sa pinto.

                                                                               SOLD!

"Teka, manong! Anong ibig sabihin nito!" Habol ko dun sa lalaki.

"EMILY! Sabi ng tumahimik ka." Sabi ulit ni Tita sakin, hinigit niya ko pabalik ng bahay.

"T-tita... ano bang nangyayari? Bakit may nakalagay na sold sa bahay? Sakin to!"

"Pinagbebenta kong bahay."

"B-bakit po? Tita, sinabi ko na po diba. Hindi ko ipagbebentang bahay." Nangingiyak kong tanong sa kanya.

"Oo sinabi mo, pero sa ginawa mo kagabi, wala ka ng ibang choice! Aba Emily, malaki ng utang mo sakin, at dahil nagpatanga-tanga ka sa club kagabi, wala kang sswelduhing matino! Anong ipang-gagastos ko kay Tatay ha? Bakit ba kasi nag-inarte ka pa? Malaking pera na sanang makukuha mo sa pagkikipagtable dun sa club! Pero ano?! Nag-inarte ka pa!" Singhal niya sakin.

"Pero tita, babayaran ko naman po kayo e. Bibigyan ko po kayo ng pera, may trabaho pa naman po ako sa coffee shop e. May sswelduhin pa po ako." Pagmamakaawa ko sa kanya, tumutulo ng luha ko, hindi ko na mapigil yung emosyon ko.

"Anong mararating ng baryang sswelduhin mo sa letseng coffee shop na yun? WALA! Hoy Emily! Marami kang kailangang bayaran sakin, at sa pagbebenta ko ng bahay na to dun sa mga lalaking yun, kulang pang pambayad mo! Kunin mo ng mga gamit mo sa loob kung ayaw mong mapatapon ang mga yun maghanap ka na din ng matitirhan mo at siguraduhin mong wala ka na dito bukas." 


Nasa apartment ako ni Gigi ngayon, dalawang araw na kong dito nakatira. Sya lang kasing natitira kong kaibigan na nahingan ko ng tulong. One bedroom lang yung apartment ni Gigi kaya naman sa sofa sa salas ako natutulog. Malaki naman yung apartment niya, may isang kwarto, malaki yung banyo at magka-sama ang kitchen at dining room. Pero sa laki ng sinu-sweldo ni Gigi sa club iisipin mong mas malaki pa dito at maluho ang bahay niya.

He Married the Stripper.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon