Selling Her Soul to the Devil.

1.7K 40 1
                                    

---ALEX---

Emily Morales. 23 years old at nagtatrabaho sa isang strip club. That's all I know about her even though the old man gave me a big file about her. I didn't bother reading what was inside it, para saan pa? I know her type and it's not like we need to know each other. I just need her to marry me and she can have all the money she wants. Period. 

Although she did surprise me a little bit, she has confidence and 'dignity' for someone who sells her body.  I don't really understand why it took her so long to accept my proposal, I mean she obviously needs money but she still had the nerve to turn me down and insult me. 

Tatlong araw matapos ko siyang puntahan sa club, dalawang araw matapos ko kunin ang bahay niya. Sa totoo lang hindi ko inaasahan na tatawagan pa niya ko. Nagulat pa ko ng sinabi niyang gusto niyang makipag-kita. Sinabi ko sa kanya ang address ko pero sinabi niyang hindi siya pupunta doon.

"Ikaw may kailangan sakin, ikaw ang lumapit." Matapang niyang sabi.

"Are you kidding me? I did go to you, three nights ago. Ikaw tong nag-matigas."

"Kung wala ka dito within the hour, kalimutan mo ng tinawagan kita." Pagbabanta niya. Who does she think she is? This bitch.

"Fine, where are you?"

So I went to her and to my biggest surprise the place she chose was a fast food chain. I look out of place as I went inside. Maraming tao and it took me a while before I found her. Mag-isa siyang naka-upo sa isang booth, thank goodness at least may konting privacy.

I sat in front of her, medyo nagulat pa siya ng makita ako. She looked at me.

"What? I'm here." Inis na sabi ko.

"Alam ko, nakikita kita diba."

Naka-casual clothes siya, pants at t-shirt, the most covered I've seen her. Without all the make-up, she looks much younger. Napansin ko din na namumula ang mga mata niya, parang kagagaling lang sa pag-iyak. Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ko sa kanya, nagulat na lang ako ng nag-salita siya at sinabing tinatanggap niya ang alok ko sa ilang kundisyon. Akala ko huhuthutan niya ko, hihingi ng malaking pera at kung anu-anong materyal na bagay. Pero hindi. Imbes na kunin sakin ang buong bayad. Sinabi niyang ituturing niyang parang trabaho ang kasal namin. Na katulad ng isang empleyado. Kada-buwan niya kukunin ang sweldo nya.

30,000 php every month.

I thought she was gonna ask for more, I mean it is her life we're talking about. Kung sakali mang tumagal ng 1 taon ang pag-sasama namin hindi pa aabot sa 1 milyon ang 'sswelduhin' niya. But who am I to question her? If that's what she wants then fine so I said yes.


---EMILY---

Kanina pa kong nasa Mcdonald's nag-iisip kung dadating ba sya or hindi. Kung mag-sstay ba ako or hindi. Kung tama ba ang desisyon ko o hindi.

Tinitigan ko and tatlong piraso ng french fries sa tray ko. Kahit talaga kelan hindi nanalo sakin ang stress. Siguro ang normal na to kapag ganitong may malaking problema nawawalan ng ganang kumain. Pero heto ako, wala pang 10 minutes nung umorder ako pero ubos na yung value meal na binili ko.

Medyo natawa ko nang sabay-sabay kong isinubo yung natira kong fries. Naalala ko kasi nung nag-simula akong kumain kanina. Dinaig ko pa kasi yung bagong commercial nang Mcdo kasi umiiyak ako habang kumakain ng double cheeseburger. Kaya naman yung mga tao sa paligid ko hindi malaman kung maaawa ba sakin o matatawa.

Tapos yung babae sa kabilang table inabutan ako ng tissue.

"Yaan mo, ate. Makaka-move on ka din. Gago mga lalaki." Ngiti niya sakin habang yung dalawang babae na kasama niya sa table nag-smile at nag-thumbs up.

He Married the Stripper.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon