---EMILY---
Natulog lang ako sa loob ng apat na oras, by 8 am naligo na ako at nagbihis. Kumuha lang ako ng isang pandesal sa pantry at pinuno yung tumbler ko ng kape at umalis na ko.
Dahil nga kulang parin sinusweldo ko sa club, may part time job din ako sa isang coffee shop sa bayan. Maliit lang yung coffee shop at pagmamay-ari yon ng isang pamilya. Luma na din yon, noong nabubuhay pa sina Mama, madalas kaming nagpupunta ditong tatlo. Sabi din ni Lolo, dito daw nagkakilala si Mama at Papa.
"Good morning Emily." Bati sakin ni Ate Linda. Anak ng may-ari at siyang namamahala sa coffee shop.
"Good morning Ate Linda."
Dumiretso ako sa kusina at nagsimula ng mag-ayos ng mga cake, inaayos ko na yung mga cups ng may pumasok sa loob ng shop, hindi ko na kailangang lumingon para malaman kung sino yon dahil iisa lang naman ang parating pumupunta sa shop ng ganitong oras.
"Good morning Lolo Al, kamusta po kayo?" Tanong ko sa kanya habang dinala ko sa kanya yung bagong timpla kong kape.
"Thank you Emily. At syempre, mas okay ng pakiramdam ko dahil nakita kita." Ngiti niya. Si Lolo Al ay isang regular sa coffee shop, araw-araw pumupunta siya dito para mag-almusal. Mabait siya, maraming kwento at palatawa.
Naaalala ko din si Lolo sa kanya, yung mga panahon na magkasama pa kami sa bahay. Kelan kaya ulit kami magkakasama ni Lolo sa bahay?
Namimiss ko na siya.
"Mukhang balisa ka Emily, may problema ba?" Tanong niya sakin.
"Po? Wala po. Medyo... pagod lang po." Hinawakan niyang kamay ko at tumingin siya sa mga mata ko.
"Hija, kung may problema ka, alam mo namang nandito lang ako para tulungan ka." Ngumiti ako, si Lolo Al kasi, kahit na wala kaming masyadong alam sa kanya, lagi siyang nag-ooffer ng tulong, laging handang makinig.
"Hindi po Lolo Al, okay lang po ako." Tumango lang siya at iniwan ko na siya para umattend sa kailangan ng ibang guest.
After lunch ako umalis para bumisita kay lolo, mga 1 pm na yon. Ayaw kasi ni Tita na sa kanila pa ko kumakain, kahit naman ayoko dahil sa tuwing susubo ako o iinom, lagi siyang may pasaring. Pagdating ko dun sinabi sakin ni Tita na nilalagnat daw si Lolo simula kagabi at wala na namang ganang kumain.
Nang pumasok ako sa kwarto niya, mahimbing siyang natutulog at napansin kong namumutla nga siya. Sinabi sakin ni Tita na kailangan siyang ipacheck-up at dahil dun kelangan ko siyang bigyan ng tatlong libo. Sinabi ko sa kanyang wala pa akong pera.
"Kaya nga sinasabi ko na sayong pumayag ka ng magpa-table sa club. Isang beses ka lang magpa-table o kahit tatlo, instant 5 thousand na. Maipapa check-up mo na si Tatay, may maipang huhulog ka pa sa utang mo."
"Tita, alam niyo naman pong hindi ko kaya."
"Aba naman Emily, sa dami na ng naitulong namin sayo ano ba naman yung konting sakripisyo man lang?! Anong gusto mo? Mamatay sa simpleng lagnat si Tatay dahil sa kaartehan mo?!"
Umalis ako ng bahay nila ng hindi ko man lang nakaka-usap si Lolo. Pinaalis kasi ako ni Tita Aura, kung ayaw ko daw kasing magpa-table e mag-hanap daw ako ng iba pang trabaho.
Pero saan naman ako hahanap? Sinong tao ang basta na lang mag-bibigay sakin ng trabaho?
Pinangako ko sa sarili ko na kahit kelan hindi ako magpapa-table, na sa stage lang ako. Pero anong gagawin ko?
Kailangan ko ng pera.
Kailangang maipagamot si Lolo.
----ALEX----
"Good morning dah-ling." Bati sakin ng babae sa tabi ko, maputi siya, blonde ang buhok at mahaba ang legs, yun nga lang...
ang pangit ng ngipin niya.
Napailing ako, bakit nga ba kasi nagpakalango muna ako sa alak bago pimick-up ng babae? Hindi ko man lang tuloy na-assess kung ayos ba talaga sya o hindi.
Tumayo ako sa kama, at kinuha ang mga damit ko. Nagstretch at saka sinuot ang bathrobe ko.
"Where are you going? Wanna have breakfast?" Tanong niya sakin, nakahiga parin siya at mukhang walang balak umalis. Kinuha kong mga damit niya at hinagis sa kanya.
"Get dressed."
"Where are we going?" Tanong niya. I smirked and took my phone.
"I'm taking a shower, while you... you're getting out of here."
"What? Excuse me?" Hindi ko siya sinagot at nagdial lang ako sa telepono.
"John? Yes. Can you escort the lady out of the house? Thank you."
May mga sinasabi pa yung babae habang ako naman pumasok na sa shower.
Hinayaan ko lang na bumuhos sa buo kong katawan ang malamig na tubig. Kahit na may hangover ako at masakit ang ulo ko, hindi ko parin makalimutan ang sinabi ni Lolo.
Hindi ko parin makalimutan ang gusto niyang ipagawa sakin.
Tss... letseng matanda yun, bakit ba kung anu-ano na lang naiisip niya?
At bakit kailangang ako pa?
Although mas gugustuhin ko ngang ako kesa ang iba ko pang mga pinsang hilaw.
Tss. No choice.
Pagkatapos kong magshower, kinuha kong cellphone ko at dinial ulit si John.
"John. Find her. I want to talk to her. ASAP."
![](https://img.wattpad.com/cover/2195223-288-k813299.jpg)
BINABASA MO ANG
He Married the Stripper.
RomansaWhat happens when two different people from two different parts of society meet? What happens when the most eligible bachelor has to marry the stripper?